a/n : play it if you'd like to. it's one of my favorite songs. it will honestly hit you like a rock (or just me lmao). you can look up for the song's translation.
i'll be translating this to english one day.
isa ako sa pagkarami-raming umiidolo sa'yo.
isang ngiti mo lamang ay may buhay na ulit ako.
ang pag-ibig ko sayo'y walang hanggan at dulo
sapagkat ikaw narin ang aking mundo.sa kanilang lahat ikaw lang ang nakanakaw at nakapukaw
ng atensyon kong labis na hindi maintindihan.
sa iyong pagtulog ay nais ko ring dumungaw
at pagmasdan ang iyong labis na kagandahan.heto rin ang sinabi ko sa sarili ko,
" mas mahal kita
kaysa sa distansya
na namamagitan sa'ting dalawa. "mula noon ang gusto ko lamang ay ang makita ka sa personal
sapagkat tiyak doon ako magiging emosyonal.
iniisip palang kita'y labis na ang ngiti ko,
pano pa kaya kapag ikaw na mismo ang nasa harapan ko?alam kong imposible, ngunit 'di ko maiwasang isipin-
kung ako man ay papalarin
at lahat ng hiling ko'y tutuparin-
balang araw kaya'y pwedeng ikaw ay mapasakin?ngunit sa bawat araw kumakatok ang realidad.
ang realidad na ako'y hinding-hindi magiging mapalad
upang maging iyo
at maging mundo mo.minahal, mahal, at mamahalin kita
ng labis at tunay
at ang pag-ibig na 'to'y walang kapantay.
sapagkat isa itong damdaming hindi mamamatay
kahit ano pang mangyari.dahil sayo, ako'y nabigyan ng lakas ng loob
upang magsikap at abutin ang aking pangarap-
'tulad mo, na isang lalaking naabot ang kanyang pangarap.
at 'yun din ang dahilan kung bakit kita tinitingala.isa kang bituin sa langit-
literal na bituin.
sapagkat napakahirap mong abutin.
ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang tumigil ako sa pagtingala sayo.sana'y dinggin at marinig mo'ko
kahit na isa lamang akong ordinaryong tao
na lubos na umiibig sayo...
ang pagmamahal ko sayo'y hindi magbabago.alam ko namang darating ang panahon na may mamahalin ka na-
at alam ko ring hindi ako 'yun.
sapagkat sino ba naman ako
upang pag-aksayahan mo ng pag-ibig mo?marahil nga'y hindi tayo itinadhana.
siguro'y nasa plano ni bathala
na para sakin mayroon ibang nakalathala,
at hindi ikaw 'yon.sa parte ko'y masakit isipin
na tayo'y hanggang dito na lamang.
pero handa ko itong tanggapin
dahil tunay kitang mahal.salamat sa pagpapasaya ng damdamin ko.
sana'y malaman mong andami mong napangiti dahil sa iyong pagkatao-
at isa na ako dito.mahal na mahal kita, pangarap ko.

YOU ARE READING
𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑𝐌𝐎𝐑𝐄 , poetry
Poetry𝗣𝗢𝗘𝗧𝗥𝗬 𝗔𝗡𝗗 𝗔 𝗟𝗜𝗧𝗧𝗟𝗘 𝗕𝗜𝗧 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗙𝗙𝗘𝗘, 𝗠𝗔𝗞𝗘𝗦 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗘𝗥𝗙𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗖𝗘𝗡𝗘𝗥𝗬. ━━ To write is to pour one's soul into paper by means of ink. Or in modern cases, by means of a keyboard. Nonetheless, it is through writi...