Chapter One

366 24 0
                                    

SHE was panting and sweating. She was gasping for breath, but she couldn't afford to stop running. She had to stay alive. No matter what happens, she needed to keep fighting. Cool breeze blew her way that sent her shivering, but she kept on running. She stared straight ahead and kept her pace. Madilim ang paligid kaya't hindi niya gaanong makita ang dinadaanan. She was on a muddy ground. Ilang beses na siyang nalugmok sa putikan sa kakatakbo. Ang tanging tanglaw niya ay ang malamlam na liwanag na dala ng buwan. Namamanhid na ang kaniyang mga hita sa katatakbo ngunit patuloy siyang tumatakbo. She needed to go far, far away. She had the chance to escape, she couldn't give up now.

Wala siyang malay nang dalhin siya ni Alvin doon kaya't hindi niya alam kung saang bahagi siya nito dinala upang isakatuparan ang kahayupan nito. She gasped when she heard a gun shot. It was about a hundred fifty meters behind her. She could hear Alvin shouting her name. As tears streamed down her cheeks, she silently prayed and ran faster. Nag-iisa lamang ngunit napakalakas ng lalaki, isa nang himalang nakatakas siya dito. Kailangan niyang makalayo dito at makahingi ng tulong. Kung paano'y hindi niya pa alam. Ngunit kailangan niyang makalayo sa demoniong iyon.

"You can't run from me, Zarina. Akin ka!"

Nanlamig ang buong katawan niya nang marinig ang mala-demoniong salita nito. Binilisan pa niya ang pagtakbo.

"Sige, tumakbo ka ng tumakbo. Wala kang ibang pupuntahan. Ta'yo lang ang nasa lugar na ito. Sa akin parin ang bagsak mo!"

His devilish laughter echoed around. She ignored it and kept running hanggang sa matalisod siya sa isang may kalakihang bato at sumadsad sa lupa. Dagli siyang tumayo at napamura nang maramdamang may kumirot sa kanang paa niya. Ininda niya yaon at kumilos nang muli ngunit napahiyaw siya nang may humaklit sa buhok niya.

"Bitiwan mo ako, walang hiya ka!" Nagpapapalag siya.

"Hindi mo ako matatakasan." Napasinghap siya nang itutok nito sa kaniya ang hawak na baril.

"Iniisip mo ba talagang matatakasan mo ako, Zarina? Nagkakamali ka." Bigla na lamang itong tumawa ng nakakaloko.

"Walang hiya ka! Hayop!"

"Kung naging masunurin ka lang sana'y hindi tayo umabot sa ganito." Hinila nito ang buhok niya at inilapit ang mukha sa bibig sa tenga niya at bumulong. "You knew what I want, Zarina."

"Kahit anong gawin mo, hindi akong magpapa-angkin sa isang tulad mo!" Aniya at pinipilit na kumawala dito. Sa laki nito at lakas ay nawawalan na siya ng pagasa.

"Sa ayaw at sa gusto mo, akin ka na, Zarina." Napaigik siya nang marahas nitong hawakan ang panga niya. Hinampas niya iyon at nagkakawag-kawag.

Ngumisi lamang ito at itinutok sa kaniya ang baril. "Lakad!"

Napilitan siyang sundin ito at lumakad ng paika-ika at tinahak ang daan pabalik sa cottage. Kung anu-ano ang pinagsasabi nito habang siya'y tahimik na humihikbi. Unti-unti nang nawawala ang pag-asa niya. Naalala niya ang kaniyang munting anak. Apat na gulang lamang ito. Hindi niya kayang isipin na sa edad nito'y mauulila ito. Lumaki siyang walang magulang na pumatnubay sa kaniya sa paglaki at naging napakahirap noon. Ayaw niyang ganoon din ang kahinatnan ng anak.

Nagmasid siya sa paligid. Maraming malalaking puno roon. Kung mabilis lang siyang tumakbo ay maaring magtago siya sa mga iyon hanggang sa makalayong muli sa lalaki. Ngunit sa hawak nitong baril at nananakit niyang paa, mas malaki ang posibilidad na mamatay siya kung gagawin niya iyon. Nanlumo siya nang makailang metro na sila't wala pa siyang maisip na paraan upang makatakas. Mukhang iyon na ang katapusan niya.

"P*tang*na!"

Mabilis siyang napabaling sa likod sa sigaw na iyon. Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang malaking ahas. Nakatutok ang serpente kay Alvin na animo'y naestatwa at hindi gumagalaw. Nasa kamay nito parin nito ang baril ngunit hindi maigalaw, marahil ay sobrang natatakot na matuklaw.

Sinamantala niya ang pagkakataon upang dahan-dahang umatras. Naalarma ang lalaki kaya naman iniangat nito ang baril. Bago tuluyang nakapagtago sa isang puno ay nakita niya nang tuklawin ng ahas ang kamay ng lalaki. Sunod-sunod ang naging pagmumura nito. Kumilos siyang madali bagaman nananakit ang kanang paa at paika-ikang tumakbo ng mabilis. Sa bahaging maraming puno ang tinungo niya maharangan siya ng mga puno at hindi na matanaw nito. Dahil ayaw nang pahuli muli ay nagpatuloy siya sa mabilis na pagtakbo kahit ilang minuto na ang lumpas. Hindi din niya alintala na hindi makita ang nasa harapan. Isang sigaw ang kumawala sa kaniya nang bumulusok ang kaniyang katawan pababa.

PUTING kisame ang kinamulatan ni Zarina nang muling magmulat ng mga mata. Sandali siyang natigilan. Hindi iyon ang kulay ng kisame sa kaniyang silid. Inilibot niya ang mata sa loob ng silid, noon niya naalala ang nangyari sa nagdaang araw. Napahawak siya sa kaniyang ulo nang madama ang sakit doon. Mayroong ding bendang napaikot sa kaniyang ulo. Naalala niya ang pagkahulog at pagbulusok pababa. Wala na siyang maalala matapos iyon.

Bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib nang maisip na baka nahuli siyang muli ni Alvin. Ngunit nang mapagmasdang muli ang silid ay nagduda siya, hindi iyon ang cottage na pinagdalhan sa kaniya ng lalaki. Sa isiping iyon ay bahagyang pumanatag ang kaniyang loob. Kung gayon, anong lugar ang kinalalagyan niya?

Dumako ang kaniyang pansin sa suot na pajamas. Masyadong malaki sa kaniya iyon. May mga galos at sugat sa kaniyang braso ngunit nalinisan na ang mga iyon. Naisip niyang maaring may nagmagandang loob na nakakita sa kaniya at tinulungan siya. Nanalangin siya't nagpasalamat para doon.

Alas siyete kuwarenta ang oras ayon sa wall clock na natanawan niya. Naalala niya ang anak. Iyon ang oras ng pagalis nito sa bahay nila patungo sa school nito. Inihahatid niya ito bago siya tumuloy sa kaniyang pinag-t-trabahuhan bilang accounting staff na malapit lamang sa kanila.

Sa naalala'y bigla siyang napabangon. Kailangan na niyang makauwi. Siguradong nagaalala na ang kaniyang anak. Nagwawala ito kapag matagal siyang nawawala. Hindi din ito nakakatulog nang wala siya. Kahapon ng umaga niya ito huling nakita at nami-miss na niya ito.

Napangiwi siya nang maramdamang ang sakit sa kaniyang kanang paa. Nakabenda din iyon at halata ang pamamaga. Dahan dahan siyang kumilos at tinungo ang pinto. Wala siyang nabungarang sinuman nang buksan niya ang pinto ng silid. Humakbang siya't tinungo ang sa palaga'y niya'y kusina. Nanunuyot ang kaniyang lalamunan at gusto niya ng tubig.

Nagsalin siya ng tubig mula sa refrigerator sa isang baso. Nang maubos ay muli siyang nagsalin. Kasabay ng pagbuhos ng tubig sa baso ay saganang bumuhos ang ulan sa labas.

"You should have stayed in bed."

Natigil sa ere ang pagsasalin niya at bumayo ang kaniyang dibdib. Sa kabila ng maingay na ulan ay malinaw niyang narinig ang malalim na tinig na iyon.

Inilapag niya ang bottled water at marahang lumingon.Sa palagay niya'y tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso nang makita kung sinoang nakatayo roon. She stood there motionless as she stared at those achingly familiar eyes.

Hi, readers!

On-going pa po ang istoryang ito. Pasensiya na po sa typos, errors in grammars and such. Be gentle with me hehe.

Sana nagustuhan niyo po ang bahaging ito. Kahit 'di ako sure kung may magbabasa lol.

A Moment To RememberWhere stories live. Discover now