Chapter Two

223 22 0
                                    

5 years ago...

"SHIT!" Dumulas ang kaniyang paa sa isang madulas na bato. She uttered several more expletives when her bottom hit the ground. Punong puno ng putik ang kaniyang suot na pantalon. Tinulungan niya ang sariling tumayo at pinunas ang maputik na kamay sa pantalon. Marumi na din naman iyon. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. Magdadalawang oras na siyang naglalakad sa masukal na gubat na iyon. Kung bakit naman kasi hindi pa niya tinanggap ang suhestiyon ng tiya at pinsan niyang samahan siya. Tiwala kasi siyang maaalala parin ang daan patungo sa bahay ng abuelo't abuela na sobrang nalayo sa kabihasnan. May pagka-eccentric talaga ang kaniyang lolo at sa tagal ng pagsasama ng dalawa, sa palagay niya'y nahawa na rin ang kaniyang lola.

Nilisan ng mga ito ang bahay sa bayan nang magka-pamilya na ang tatlo nitong mga anak na lahat nama'y naging maginhawa ang mga buhay. Iniwan din ng abuelo niya ang pamamahala sa printing press na itinayo nito sa panganay na anak, ang daddy niya, at nagpatayo ng maliit na bahay para sa kanilang magasawa sa gitna ng masukal na kagubatang iyon at tuluyan nang nanirahan doon.

Eksaktong alas dos nang magpaalam siya sa tahanan ng kaniyang tiyahin na nasa bayan na magtutungo sa bahay ng abuela't abuelo at mananatili doon ng isang linggo. Naalala niyang nagpilit ang kaniyang tiya na magpahatid sa kaniyang pinsan na si Travis. Lubos ang naging pagtanggi niya sapagkat nais niyang mapagisa upang makapagisip-isip. Hindi lingid sa tiya niya ang pinagdadaanan niya kaya marahil ay pinayagan na siya nitong magtungo ng magisa. Isa pa'y hindi naman iyon ang unang beses na magtutungo sa bahay ng lolo't lola at hindi naman uso ang karahasan sa bayang iyon.

She groaned. Halos dalawang oras na lakaran lamang bago marating ang tahanan ng magasawa. She pinched the bridge of her nose and tightly closed her eyes. Namali ba siya ng dinaanan? Dapat ay nasa bahay na siya ng dalawa sa mga oras na iyon.

Pinagmasdan niyang muli ang paligid. Sa pagkakatanda niya'y pag narating na ang batis ay kakanan siya upang baybayin iyon hanggang sa makita niya ang isang maliit na tulay. Mula roo'y mahigit sampung minuto na lamang ang dapat niyang lakarin.

Muli niyang inilibot ang paningin sa maberdeng paligid. Hindi na pamilyar sa kanya maging ang mga nagtatayugang puno roon. Marahil nga'y mali talaga siya ng nilikuan. Kinakailangan niyang bumalik muli. Sa tantiya niya'y mahigit tatlumpong minutong lakaran muli ang dapat niyang lakarin upang makabalik.

Lumapit siya sa malinis na batis. Elevated ang bahaging kinatatayuan niya kaya't kinailangan niyang bumaba. Kumapit siya sa isang sanga upang alalayan ang katawan pababa. Naghilamos at naghugas siya ng kamay sa preskong tubig.

Tahimik ang lugar na iyon. Dinig na dinig niya ang huni ng mga ibon at mabining pagagos ng tubig. Nang makapagpunas ay uminom siya galing sa tumbler na dala. Nang sa palagay niya'y ayos na siya ay pumanhik muli at nagpatuloy sa paglalakad pabalik.

Natapunan ng paningin niya ang namimitik sa bungang puno ng mangang kalabaw sa di kalayuan. Excited na lumapit siya sa mayabong na puno. Paborito niya ang prutas na iyon, lalo na kung hilaw. Tumingala siya. Hindi siya magaling sa pagakyat ng puno ngunit sa tingin niya'y kaya naman niyang akyatin iyon. Hindi iyon kataasan. She held on a thick branch and was about to raise her foot when she heard something. She stilled. Nandoon pa din ang ingay. Ingay tulad sa nagsisibak ng kahoy.

Luminga linga siya sa paligid upang tignan kung may tao roon. Nang magawi sa malayong kanan ang tingin ay nangunot ang kaniyang noo. Bahay ba iyon? Bukod sa tahanan ng grandparents, noon lang siya nakakita ng bahay sa gitna ng gubat na iyon. Mukha ding may tao roon dahil naroon parin ang tunog ng tila nagsisibak ng kahoy. Dahil sa curiosity, nawala ang takam niya sa namimintog na mga manga. Isinukbit niyang muli ang bag at natagpuan ang mga paang naglalakad patungo sa naturang bahay.

A Moment To RememberWhere stories live. Discover now