Chapter Four

227 23 1
                                    

MUKHANG nawawala na siya sa katinuan sapagkat nang mga sumunod na araw ay natagpuan niya ang sariling tinatahak ang daan patungo sa cabin ng lalaki. She doesn't know what it was but there's something in him that draws her. She had a lot of questions about the guy. Bakit ito nandoon? Bakit mag-isa ito? May pinagtataguan ba ito? Di kaya'y criminal? Somehow, she couldn't find it in heart to think of the man as a criminal. Sa ilang beses niyang pagmamasid dito'y nararamdaman niyang mukhang malungkot ito. Napaka-misteryoso nito, isa marahil na dahilan kung bakit nahahatak siya nito.

Alam niyang masyado siyang curious. And she doesn't like it. Ikapapahamak niya iyon. Pero hindi parin siya tumitigil. Hindi niya mapigil ang sarili. Maybe she was just bored, and she wanted an adventure. Or maybe it was the hopeless romantic in her. Thinking that maybe that guy in the woods, who happened to be one hot creature, would fall for her and her to him and it would be the love story of the century and one that made it happily ever after.

Napailing siya sa tinakbo ng isip niya. She's definitely just bored. She needed to pull herself together.

"Alis na kami, Zarina. Baka gabihin na kami, apo. Dadaan pa kami kina Erning." Paalam ni Lolo Damian na ang tinutukoy ang ang kumpadre nitong nakatira sa sentro.

Humalik siya sa pisngi ng dalawang matanda at pinanood ang pag-alis ng mga ito. Sa sentro ang tungo ng dalawa. May bibilhin ang mga ito doon. Nais nga sana niyang sumama ngunit inaatake naman siya ng migraine kaya't binilinan siyang manatili na lamang at magpahinga.

Mariin niyang naipikit ang mga mata nang pumitik na naman ang sentido niya. Bumalik siya sa kuwarto niya at uminom ng aspirin. Umidlip siya upang paggising ay wala na ang pananakit ng ulo.

Nang magmulat siya ng mga mata ay alas kuwatro na ng hapon. Nagpasalamat siya ng sa wakas ay wala na ang sakit sa kaniyang ulo. Lumabas siya at nagsaing. Nagluto din siya ng ulam para sa hapunan. Wala pa ang abuela't abuelo. Siguro'y maya-maya pa darating ang mga iyon.

Mula sa bintana ay tinanaw niya ang payapang paligid. She could hear the birds chirping, the fluttering leaves. Then that same feeling of wanting to see somebody hit her. Naaalala na naman niya ang lalaking nasa kakahuyan. Hindi siya pinalad na makita ito noong nakaraang sinubukan niyang pumunta doon. Nais niyang subukan muli. Baka ngayo'y palarin na siyang masilayan ito. Hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sarili na tinatahak ang daan papunta sa cabin ng binata. She knew it was crazy at nararamdaman niyang hindi maganda ang kahihinatnan ng ginagawa ngunit sumige parin siya.

Kalagitnaan patungo sa puntiryang cabin ay nagsimulang maging abo ang mga ulap. Mukhang anumang oras ay bubuhos na ang ulan. Nagpatuloy parin siya sa kabila ng tutol ng utak niyang bumalik na at kalimutan ang kahibangang 'yon! What exactly is she going to do once she reached the cabin?

Isang daang metro na lamang siya mula sa naturang bahay nang magsimulang pumatak ang matatabang ulan. Shit! Nasa bahaging clearing siya at ang pinakamalapit niyang pwedeng silungan ay ang sa veranda! Wala na siyang pagpipilian kaya't tinakbo na niya iyon.

Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin sa katawan niya. Tumingin siya sa nagngangalit na langit. Mukhang matagal pang titila ang ulan.

Bahagyang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang dumako ang mga mata sa nakaawang na pinto. You are seriously not going to enter, are you?! You crazy crazy crazy crazy, Zarina!

Nanatili siyang nakatitig sa pinto. Nagtatalo ang isip niya kung papasok ba o hindi. Natigil ang pag-iisip niya nang makarinig ng pagkabasag sa loob. Baliw na siguro talaga siya dahil tuluyang itinulak niya ang pinto at pumasok sa loob.

Medyo madilim sa loob ng bahay. Tanging sa isang lamp sa sulok nagmumula ang malamlam na liwanag sa salas. Sandali siyang namangha. Mukhang gumagamit ng solar panels ang cabin para sa electricity. Nabaling ang atensiyon niya nang makarinig ng ungol. Kontra sa tutol ng utak niya, lumapit siya sa nakaawang na pinto at dahan-dahang itinulak iyon pabukas at humakbang papasok.

A Moment To RememberWhere stories live. Discover now