Chapter Three

172 21 0
                                    

"NAGMANA ka sa iyong ama, Zarina. Pareho kayong madaling matuto." Pinagmasdan ni lola Caridad ang ginagawa niya.

Napangiti siya. Tinuruan siya nitong mag-crochet noong isang araw at hindi na niya iyon tinantanan. Balak niyang makabuo ng isang maliit na kumot muna.

"Kumusta ang iyong mga magulang, hija?"

Napatingin siya sa matanda. Alam niyang kahit nasa malayo ang mga ito'y nakakabalita sa sitwasyon ng mga anak. Bahagya siyang nag-kwento ng tungkol sa pinagdadaanan ng mga magulang at maging tungkol sa kaniyang kapatid na hindi na napirmi sa isang lugar. Ylania, her older and only sibling lived like a nomad since she graduated. Isa itong web designer at dahil hindi demanding ng physical presence ang trabaho nito, ayos lang dito ang maglagalag.

Napalingon siya sa abuela nang mapagtantong wala na itong imik. Nakaidlip na ito. Inayos niya ang pagkakahilig nito sa sofa at naglagay ng throw pillow sa ulunan nito. Dumako ang mga mata niya sa wall clock. Pasado alas tres na. Kailangan na nga pala niyang maglaba ng mga damit niya kung ayaw niyang matambakan. Iniligpit niya ang ginagawa bago kinuha niya ang labahan sa kuwarto niya. Isinama na din niya ang labahan ng mga matanda at inilagay sa plastic na batya. Nagpaalam muna siya sa abuelong nagbubungkal ng lupa sa likod bahay bago tumuloy sa ilog.

Mag-a-alas singko na nang matapos siya sa pagbabanlaw sa huling damit. Nang maiayos niya ang ang nilabhan ay lumusong na siya sa tubig. Malinaw ang tubig at presko kaya't nahikayat siyang maglunoy muna. Habang nag-f-floating at nakapikit ang mata'y lumitaw sa balintataw niya ang estrangherong nagsisibak ng kahoy. Her cheeks warmed when she remembered the man's virile body while chopping down the wood. The movement of those limbs holding the axe that sent her thinking how powerful the man is. She thought how it would feel like to be enwrapped by those strong arms. Sinaway niya ang sarili nang kung saan na maglakbay ang imahinasyon niya. Pakiramdam niya'y biglang naginit ang pakiramdam niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inilubog ang sarili sa tubig.

Nang magsawa sa paglulunoy ay umahon na siya't dinampot ang oversized tshirt na hinubad niya kanina at isinuot iyon. Marahas siyang napalingon sa kanan nang mahagip sa kaniyang peripheral vision ang isang paggalaw. Tumambol ang kaniyang dibdib nang makita roon ang laman ng isip niya. Napako ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan at hindi maisip kung ano ang unang gagawin.

Tumakbo siya sa malapit na puno at nagtago sa likod niyon. Mula doon ay patuloy niyang pinagmamasdan ang lalaki. Nakamasid lamang ito sa malinis na tubig. Maya-maya'y naghubad ito ng pang-itaas. Malamang ay maliligo ito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang hubarin nito hindi lang ang board shorts, maging ang briefs! He's skinny dipping! She swallowed but couldn't take her eyes off. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan.

What exactly are you doing, Zarina? Staring a naked man!

Nakatalikod ito sa kaniya kaya't likod lamang ang nakikita niya dito. Nang lumusong na ito sa tubig ay patuloy parin ang pagmamasid niya. Ilang minuto na lamang ay tuluyan nang lulubog ang araw kaya't medyo madilim na. Hindi siya gaanong kinakabahan na mahuhuli sa panunubok.

Hanggang sa matapos ang lalaki sa paliligo ay hindi parin siya umaalis doon. Isa pa'y kung aalis siya, maririnig nito ang paggalaw niya. Lalong baka mahuli siya.

Bihis na ito at nakailang metrong hakbang na nang sumunod ang mga paa niya dito. Dahan dahan siya at nagtatago sa mga puno. Lumilikha ng maliliit na ingay ang hakbang niya ngunit hindi naman ito lumilingon kaya't siguro'y hindi naman nito naririnig. Bahagya siyang napatigil nang ma-realize kung ano ang ginagawa. Ano ba ang ginagawa niya? Hanggang saan niya balak sumunod?

Shit! Are you crazy? You're a stalker now?

Sanity got the better of her kaya't itinigil niya ang ginagawa at pabalik na sana sa cottage nang huminto ang lalaki sa paglalakad at akmang lilingon sa likod.

Dagli-dagli siyang nagtago sa matabang puno ng mangga at napasandal doon. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

Ilang sandaling wala siyang ibang naririnig kundi ang pagrarambulan sa kaniyang dibdib. Pinakikiramdaman niya ang yapak ng lalaki. Nang magsitunog ang malulutong na dahon galing sa mga papalayong yabag ay saka lamang siya tuluyang nakahinga ng maluwag.

Dahil segurista siya'y pinalipas niya muna ang halos limang minuto bago gumalaw sa kinasasandalan at tuluyang lumakad pauwi.

Nang nasa higaan na'y bumalik sa kaniya ang nagawa. She palmed her cheeks and buried her face on the pillow. Ano bang iniisip niya at nagawa niya iyon? Balak talaga niyang sundan ang lalaki? And then what? Mapapahamak siya sa mga pinaggagagawa niya. She needed to straight her head.

A Moment To RememberWhere stories live. Discover now