Chapter 2 - First Day of School (Part 2)❄

106 1 0
                                    

CHAPTER 2 - FIRST DAY OF SCHOOL (PART 2)

(Jaden's P.O.V)

''Ow! Nice to meet you!!.'' masaya kong sabi sa kanya at lalong naging malapad ang kanyang ngiti. ''Again.'' walang gana kong sagot sa kanya at bigla na lang siyang umarteng parang maluluha sa sobrang lungkot na may kasama pang pagpout -_-

''Hahahahaha! ang epic ng mukha mo!! ang sarap mo talagang pagtripan.'' The fuck is that face XD mukha siyang bakla nung nagpout siya hahahahaha!

Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit bigla nalang tumahimik. Kaya pagkatapos kong tumawa ay napatingin ako sa mga katabi kong babae at napansin ko na nagiging heart shape na ang mga mata nila at konti nalang ay mangsisingisayan na sila sa sahig sa sobrang kilig.

''Grabe ka naman sakin! Sa tagal ba naman nating hindi nagkita ganyan pa ang gagawin mo!'' sabi niya na may halong pagtatampo.

''Wag ka ngang OA diyan Diren! Parang sa pagkakatanda ko kakakita lang natin kahapon sa isang mall.'' sabi ko sa kanya ng walang gana.

''Alam ko!Hay nako ewan ko sayo! Pasalamat ka talaga at bestfriend kita, kita mo yang mga babaeng yan? Sus! isang kindat ko lang malamang patay na yang mga yan AT magpasalamat ka ulit dahil ako na pinakapogi sa buong mundo ang naging bestfriend mo.'' mayabang niyang sabi.

Oo nga pala! meet Diren Lee. 20 years old din siya katulad ko. Half Korean & Half Filipino din siya. At siya ang nagiisa kong bestfriend dito. Isa siyang napakahanging tao. Katulad na lang ng kanyang utak na puro hangin lang din ang laman. Sila ang nag mamayari nitong Emerald University. Nakilala ko siya ng may makalaban akong mga studyante sa labas ng school.

Flashback...


Uwian na at kakalabas ko pa lang ng Emerald University. Pauwi na ako sa aming bahay pero dahil nasira ang aking sasakyan. Nagdesisyon nalang akong maglakad. Alam kong medyo malayo layo ng konti ang bahay namin mula dito. Maya maya ay naramdaman kong may mga tao na sumusunod sa akin kaya napagdesisyonan kong tignan kung sino ang mga iyon. Papalingon na sana ako ng maramdaman kong may bagay na papalapit sa akin kaya agad akong umiwas dito. At laking gulat ko ng makita kong kutsilyo pala ang dapat na tatama sa kanyang likuran kaya buti nalang at naiwasan niya ito kaagad.

Humarap na siya at dinampot niya ang kutsilyo na nakahanda ng makipaglaban. Nakita niya na tatlo silang makakalaban niya at may mga dala dalang kutsilyo at baseball bat.

''Anong kailangan niyo?'' seryosong tanong ko sa kanila. Nakita kong bigla silang kinabahan sa aking sinabi. *tsk! mukhang madadalian lang ako ngayon, kung sabagay tatatlo lang naman sila*

''Ikaw! Ikaw ang kailangan namin! at usap usapan na magaling ka daw makipaglaban kahit na isa kalang babae.'' sabi ni guy 1

''Ah! Ganun ba? sige pagbibigyan ko kayo tutal mukhang ilang minutes lang ay talo na kaagad kayo o pwede din nating gawing seconds.'' Pangaasar kong sagot sa kanya.

Pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko. Para nalang biglang nagtransform na parang mga toro ang tatlo. Akala mo naman kasi kung magsitakbo wagas! XD

Sumugod silang tatlo sa akin ng sabay. Good thing is may hawak akong kutsilyo pwede ko din itong gamitin sa kanila. Im just turning the favor hahahaha!

Niready ko na ang sarili ko sa gagawin nilang pag atake at nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng kalsada. Buti nalang at walang tao dito ngayon dahil karamihan naman kasi ng mga studyante sa school ay nakakotse kaya hindi na nila kailangang maglakad, sadyang minamalas lang talaga ako ngayon -_-

She Finally Meets The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon