Chapter 1 - Movie marathon

110 9 0
                                    

keysi Mendoza's POV

"Nakakainis ka talaga mathematics! I really hate you!!" Inis na sigaw ko kay math at binato ko pa siya ng unan

"What the hell! Can you fucking shut up stupid girl?! Naririndi ako sa'yo!" Inis rin niyang sigaw sa'kin sabay salo nung unan na ibinato ko dahilan para hindi tumama sa mukha niya

"Leche ka!!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko napa ubo pa tuloy ako

"Ayan! Sumigaw kapa!" Sigaw din niya

Nagtataka na siguro kayo kung bakit kami nag sisigawan dito kwarto niya, pano ba naman kasi ayaw niya 'kong payagan na makitulog kila nathan, inaaya kasi ako ni nathan matulog sa kanila dahil gusto niyang mag movie marathon kami.. Wala namang malisya sakin yun dahil mag kaibigan lang naman kami at isa pa may grace na si nathan

Hindi ko lang talaga maintindihan pinuputok ng butsi netong si math eh masyado siyang seloso, wala kasi si grace ngayon nasa pampanga sila ng parents niya..

Ayaw akong payagan ni math, tapos dahil sa sobrang kulitan namin kanina natapon tuloy yung cake na ginagawa ko, kahapon din ay nilait niya yung chicken adobong niluto ko dahil lasang kalawang daw, aba! Sinong hindi magagalit don? Argh!

Sa kalagitnaan ng sigawan namin ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni math at biglang pumasok si tita na may hawak pang walis tambo

"What's happening here? Bakit na naman kayo nag sisigawan dalawa?" Nag-aalalang tanong ni tita samin

Nagkatinginan lang kami ni math at ang lalim ng tingin namin sa isa't-isa na para bang sumalang kami sa isang boxing challenge, alam niyo yung tinginan nang dalawang magkalaban sa boxing kapag nag susuntukan sila? Ganun kami ngayon. Bigla niya nang inalis ang tingin niya sakin at napahilamos ng mukha

"Wala mom, may toyo na naman kasi yang babaeng 'yan." Mahinahon niyang sabi sabay tingin sakin

"Wala akong toyo ah! Baka ikaw ang meron!" Sabat ko naman

"See mom?" Sabi niya kay tita

"Kayong dalawa, parate kayong nag aaway, dapat ang mga mag girlfriend at boyfriend ay nag mamahalan lang, hindi dapat kayo nag sisigawan, at ikaw naman math dapat iniintindi mo nalang siya dahil siya ang babae.." Saad ni tita

"No, mom hindi kailangan parateng babae ang iintindihin, paano naman yung side naming mga lalaki? Balewala? That's unfair mom" Sabi pa ni math habang umiiling

Hindi talaga papatalo ang isang 'to

"Bakit ba kasi kayo nag aaway?" Tanong ni tita samin

"Kasi po tita, ayaw niya 'kong payagan matulog kila nathan" Sabat ko

"At bakit ka naman matutulog kila nathan?" Tanong ni tita sakin habang naka pamewang pa

"Eh, kasi po inaaya niya ko.. Gusto niya daw mag movie marathon kami"

"At bakit ayaw mo naman siyang payagan math?" Tanong niya naman kay mathematics

"Isn't obvious? Aish! Basta hindi pwede" Iritado niyang sabi

"Nag seselos ka?" Agad na tanong ni tita kaya napalingon ako kay math

Hindi siya agad nakasagot, napa upo na lang siya sa kama at kinuha yung librong naka patong sa mini table niya at hindi na kami pinsansin, nilapitan naman ako ni tita

"Silence means yes, nag seselos yung anak ko" Pabulong niyang sabi habang naka ngiti

"Parang hindi naman po" Bulong ko din na sabi

Pareho kaming napatingin kay math na seryosong nag babasa pero halata pa rin sa mukha niya ang inis

"Hayaan mo na yan si math, pumunta kana kila nathan baka hinihintay kana nun" Medyo malakas na sabi ni tita, halatang pinariringan niya si math

"Opo!" Malakas ko rin na sabi

Kukunin ko na sana yung bag ko pero biglang binato sakin ni math yung librong hawak niya kaya naman tumama ito sa braso ko

"Aray! ano ba yan!" inis kong sabi habang nakahawak sa natamaan kong braso

"Pag pumunta ka doon, kalimutan mo na 'ko" Seryoso niyang sabi sabay tayo at walk out, lumabas siya ng kwarto

Ano bang problema niya! Napaka seloso! Kalimutan agad? Drama much?

Kinuha naman ni tita yung librong binato sakin ni math pero nakangiti pa rin siya, may saltik na rin ata si tita wala namang nakakatuwa eh

"I told you! Nag seselos siya ibigsabihin ayaw ka niyang mawala sakanya" Kinikilig na sabi ni tita

Pinilit ko nalang ngumiti kahit na mukha akong natatae dito.. Ngiting aso

"Suyuin mo nag tampo yung prince charming mo" Pagkasabi nun ni tita ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto

suyuin? ano siya chix? hays! nakakaloka! Pero nag selos nga ba talaga si math? Seryoso ba yun? Ang math del rosario na masungit mag seselos? haha!

Bumaba ako at nakita ko si math na kumakain ng salmon na kinuha niya sa ref nila, wala si papa at tito ngayon, si papa ay inaasikaso na ang pagbubukas ng restaurant namin samantalang si tito naman ay may inaasikaso sa cebu dahil dumating daw ang papa niya it means lolo ni math, hindi ko pa nakikita 'yun pero sabi sobrang yaman daw nun at napaka strikto, takot nga daw sila tita doon eh parang ayoko na tuloy ma-meet haha, wala si joshua ngayon dahil may training siya ng taekwondo

Tinabihan ko si math sa sofa at pinagmasdan siya habang kumakain, pero parang wala siyang pake sakin, parang hindi niya 'ko nakikita

Daig pa ang babae kung mag tampo! Tsk tsk!

"Mathematics.." Tawag ko lumingon naman siya sakin pero blanko ang mga mata niya

"Nagtatampo kaba?" Tanong ko pa ulit

"Oh, akala ko ba pupunta ka kay nathan? Bakit nandito kapa?" Tanong niya sabay ngisi

Waahhh!

"Hindi na nga ako pupunta para sa'yo eh"

"Umalis kana.." Sabi niya

"Tinataboy mo na ba 'ko?"

"Oo kaya umalis kana pumunta kana kay nathan"

"Oh sige! Bahala ka!" Sabi ko sabay tayo, lalakad na sana ako pero bigla niya 'kong hinawakan sa kamay at hinila palapit sakanya!

"Joke lang, wag mo 'kong iwan, nag seselos ako keysi, i'm jealous gusto ko sakin ka lang" Sabi niya malapit sa tenga ko, pabulong ang sabi niya pero ang husky ng boses! waahhh! Kill me now!

Buti nalang magkayakap kami kaya naman hindi niya nakikita ang pamumula ng mukha ko sa sobrang kilig! Leche depota!

Nakita ko naman si tita na may hawak na camera at pinicturan kami!

Kumawala na si math sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng deretso sa mata, iniwas ko ang tingin ko dahil naiilang ako ng bongga! Masyado siyang gwapo

"Look at me.." Sabi pa niya

"Ang corny mo kahit kelan math" ayan nalang ang nasabi ko para hindi niya mahalata ang sobrang kakiligan ko! Baka bigla akong magtili-tili dito

"Corny? Pero kilig na kilig kana" Natatawa niyang sabi sakin

"Hindi ah!" Pag de-deny ko

"Tayo nalang ang mag movie marathon... Honeybabe.." Pagkasabi ni math ng callsign namin ay bumilis ang tibok ng puso ko, mygoodness hindi ko talaga keri ang tawagan namin

"Sure!" Ayan nalang ang nasabi ko naiilang talaga 'ko sa tawagan namin haha

*****
Author's note: Pasensya na po kung maikli lang muna sa ngayon 😂

I Hate Math or I Love Math? | PART TWO | Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon