Keysi Mendoza's POV
Nandito kami ngayon ni mathematics sa loob ng kwarto niya at nanonood ng 'prodigy' tungkol doon sa isang bata na kakaiba, na reincarnate kasi siya doon sa matanda, hindi naman nakakatakot sadyang intense lang at nakakagulat
"Shit!" Biglang sigaw ni math kaya naman napatingin ako sakanya, kaya niya nasabi yun ay dahil hindi maganda ang ending nung movie, buhay pa rin yung lalaki sa katawan nung bata
"Hoy yung lenggwahe mo paki ayos" Sita ko sakanya
"Bakit ganyan ang ending niyang pinili mong movie?" Nakabusangot niyang tanong
"Aba! Malay ko, ngayon ko pa lang din 'yan napanood eh" Sabi ko naman
"Ang pangit ng ending"
"Baka may part two pa"
"Kapag may part two pa, panoorin natin mismo sa cine ah?" Sabi sakin ni math
Oo naman math, basta ikaw parate kong kasama, ayos na ayos 'yun sakin..
"Oo sige" Tipid kong sabi
"Honeybabe..." Tawag niya sakin, parang nag wawala na naman ang puso ko!
"O-Oy." Ano ba yan nauutal pa 'ko!
"Bukas susunduin kita sa CAA ah?" Sabi ni math sabay hawak sa kamay ko, caa means culinary arts academy
"Sure!" Masaya kong sabi
"Punta tayo reve mall, libre kita ng favorite mo" Nakangiti niyang sabi, shet lang math! yan ang weakness ko eh, ang mga ngiti mo!
"Ano bang favorite ko?"
"Syempre edi 'yung milktea na macao" Natatawa pa niyang sabi
Nung first week kasi namin ni math, nilibre niya ko sa isang milktea shop na ang pangalan ay macao tapos nagustuhan ko ang lasa lalo na 'yung oreo kaya naman ayun, parate na 'kong nag papabili sakanya ng ganun haha!
Kinabukasan...
"Tita una na po ako.." Paalam ko kay tita habang naglalagay siya ng mask sa mukha
"Okay, take care keysi!" Nakangiti niyang sabi at niyakap pa 'ko
"Tulog pa po si math tita, pag gising niya paki sabi nalang po na umalis na 'ko iniwanan ko naman po siya ng sulat sa kwarto" Magagalit kasi yun si math kapag hindi ako nag iwan ng sulat sakanya kapag aalis ako
"Sure, sure ako bahala" Nakangiti niyang saad sabay kindat saakin kaya ngumiti nalang din ako at tuluyan nang lumabas ng mansion
Nag commute lang ako dahil pupuntahan ko si papa sa restaurant, maaga pa naman kaya kakamustahin ko muna ang papa ko, sweet ko diba? haha! Pagkasakay ko sa jeep ay naalala ko na naman tuloy yung mga holdaper noon na pinagreresbakan ni math, hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun, akala ko katapusan ko na pero buti nalang kasama ko si math noon.. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti ng bahagya sa mga naalala ko, yung pag amin niya sakin, lalo na yung sa debut ko! Naging prince charming pa siya! Kilig much haha nag flashback lahat ng memories namin ni math..
"Hi miss crush mo ba 'ko?" Biglang tanong nung lalaki sa harap ko na medyo chubby at maitim, nagulat ako sa tanong niya kaya naman hindi ako agad nakasagot, yung kaninang naka ngiti kong mukha ay napalitan ng gulat
"P-Po?" Ano bang pinag sasabi neto
"Kanina kapa kasi nakangiti jan tapos nakatitig ka sa mukha ko" Natatawa niyang sabi at nakita kong bungi siya!
BINABASA MO ANG
I Hate Math or I Love Math? | PART TWO |
RomanceSadya ba talaga tayong pinaglalaruan ng tadhana? O sadyang tayo ang may mali? math del rosario, i really hate your personality. But i love you so math.