Chapter 3 - Date

65 5 0
                                    

Keysi Mendoza's POV

Habang hinihintay ko si math dito sa labas ng school ay biglang sumunod sa'kin si bryne at may dalang payong

"Keysi, mag lalakad ka lang? Gusto mo sabay na tayo?" Nakangiti niyang tanong, ang gwapo talaga ng isang 'to

"Ay hindi eh, susunduin ako nung boyfriend ko" Nahihiya kong sabi

"Oo nga pala hehe nakalimutan kong may boyfriend ka" Natatawa niyang sabi sabay hawak sa batok niya

"Haha! Grabe ka naman bryne"

"Balak sana kasi kitang ligawan eh" Biglang sabi niya kaya naman nasamid tuloy ako

"A-Ano?" Gulat kong tanong

"Wala haha!" Sabi niya, may saltik ba ang isang 'to?

Magsasalita pa sana ako kaso biglang may nag busina sa harap namin ni bryne kaya naman muntik pa kong mapatalon sa gulat, alam kong si math yun dahil kotse nila 'yon, bigla naman bumukas ang bintana neto at tumambad samin ang gwapong itsura ni math at naka shades pa.. Jusko po mathematics!

"Hoy keysi, pasok bilis sinasayang mo ang gas ko" Parang inis na sabi ni math sakin, galit na naman?

"Ah sige bye na bryne, see you tomorrow" Paalam ko kay bryne

"Sige, ingat ka" Nakangiti niyang sabi at ginulo gulo pa ang buhok ko

"ANG BAGAL!" Malakas na sigaw ni math kaya naman napalingon ako sa kanya, naka busangot ang itsura

"Eto na po!" Malakas ko din na sabi at binuksan na ang pinto ng kotse sabay pasok sa loob

"Tagal mo" Masungit niyang sabi sakin

"Ano na naman bang problema mo at ang sungit sungit mo na naman? May regla ka na naman siguro ngayon" Pang-iinis ko lalo sakanya

"Manahimik ka" Inis pa rin siya haha problema neto?

"Okay po sir" Sabi ko at nag kunwaring sinara ang bibig ko na kunwari may zipper

"Dadating yung lolo ko bukas ng gabi, mag handa ka" Bigla niyang sabi kaya napalingon ako

Whatt? Lolo niya? Yung sinasabi ni tita na masungit at strikto? Waaahhh kinakabahan ako! At bakit ako mag hahanda? babalatan ba niya 'ko ng buhay?

"Kinakabahan ako math"

"At bakit?"

"Babalatan ba 'ko ng buhay ng lolo mo? O baka ipapakain ako sa tigre? O sa buwaya? Waahhh ayoko!" Naiiyak kong sabi

"Puro ka kalokohan" Nakangisi niyang sabi

"Hoy mathematics hindi ako nag bibiro" Sabi ko pa

"Bakit ka naman ipapakain sa tigre ng lolo ko? Baka malason pa ang tigre sa'yo kawawa naman" Natatawa niyang sabi

Ngayon naman natatawa siya, kanina ang sungit? Parehas na parehas talaga sila ng subject na math! Hirap intindihin pareho!

"Ang sama ng ugali mo.." Sabi ko sabay irap sakanya

Maya-maya pa ay dumating na kami sa reve mall, dinala agad ako ni math sa samgyupsal sa likod ng reve mall, habang nag o-order si math ay napapatingin sakanya ang ibang mga kumakain don, miski nga sa labas ng samgyupsal ay may mga babaeng napapatingin sakanya tapos kapag may kasama naman ang babae ituturo sa kasama niya si math..

Iba talaga ang karisma ng isang mathematics! Habang nag o-order siya ay pinag mamasdan ko ang mukha niya, napaka perfect! Mukha talagang artista, naalala ko tuloy nung pumunta kami sa luneta dati noong nag picture kami sa rebulto ni lapu-lapu may babaeng lumapit sa'min at nag papapicture kay math

I Hate Math or I Love Math? | PART TWO | Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon