Keysi Mendoza's POV
Pag kauwi namin sa bahay ay may mga maid na busy sa paglilinis ng bahay, miski si tita ay nakikitulong rin...
Anong meron?
"Anak! Andito na pala kayo, math mag handa kana, darating na daw pala ngayon ang lolo mo malapit na daw sila, gusto niya daw kasi ngayon na, hindi na daw siya makapag hintay" Parang natatarantang sabi ni tita
Napatango nalang si math at tumingin sa'kin
"Darating si lolo mamaya, mag bibihis lang ako ikaw din mag palit ka na ng damit" Biglang sabi sakin ni math
Hala! Oo nga pala! Darating yung lolo ni mathematics! Kaya pala kinakabahan ako baka mamaya ipakain ako sa tigre nun! Gosh
Dali-dali kaming umakyat ni math sa kwarto, nakasalubong ko naman si joshua at naka bihis na siya
"Hi noona, where have you been?" Tanong niya
"Nanlibre lang ang kuya mong baliw hehe"
"Ahhh, sige noona baba na ako" Nakangiti niyang sabi sabay takbo pababa
Ang cute cute talaga ni joshua
Pagkatingin ko sa tabi ko ay wala na si math! Anak ng, ang bilis naman nun pumasok sa kwarto niya.. Bakit ganun? Halatang natataranta sila sa paparating, dapat na rin ba 'kong kabahan at mataranta?
Mabilis din akong pumasok sa kwarto ko at nag ayos ng sarili, nag bihis din ako ng simpleng dress at nag pulbo at liptint pa 'ko, itinali ko rin ang buhok ko para mag mukha akong tao baka mamaya sabihin nung lolo ni math eh mukha akong dugyot nakakahiya 'yon.
Paglabas ko ng kwarto ay nag hihintay pala si math sakin sa labas, nakasandal siya sa pader at nag ce-cellphone
Pagtingin niya sakin ay hindi ko alam kung natulala siya o ano, pero nakatingin siya sakin ng ilang seconds at biglang ngumiti
"B-Bakit?" Tanong ko
"Ang ganda naman ng honeybabe ko"
Uwaaaa!!
"Wag mo nga akong bolahin"
Itago mo ang kakiligan keysi!
"I love you.." Biglang sabi ni math!
Shet ka mathematics!
"Kabaliwan mo talaga"
"Wala bang i love you too?" Malungkot niyang tanong
Jusko! Ano naaaa!
"I-I love you too" Shet self umayos ka! Mathematics na yan oh
Napatingin naman si math sakin sabay ngiti, niyakap niya ko at kiniss sa noo
"Tara na baba na tayo, ipapakilala kita sa lolo ko.. Sasabihin ko ikaw ang pinaka cute sa lahat ng babae sa buong mundo" Natatawa niyang sabi
"Sus! Akala mo naman talaga nakita na ang lahat ng babae sa buong mundo" Natatawa ko rin na sabi
Bago pa kami makababa ay may tumawag na sa pangalan ni math, boses ni tito yun! Papa ni math, kaya naman dali-dali kaming bumaba
"Kinakabahan ako sa lolo mo.." Parang naiiyak kong sabi kay math
Hinawakan naman ni math ang kamay ko
"Kapag kasama mo 'ko wala kang dapat ikatakot okay? I'm always here.." Nakangiti niyang sabi, at ang mga ngiti niya ang nakapagpawala ng kaba ko.
BINABASA MO ANG
I Hate Math or I Love Math? | PART TWO |
RomanceSadya ba talaga tayong pinaglalaruan ng tadhana? O sadyang tayo ang may mali? math del rosario, i really hate your personality. But i love you so math.