[Adriana POV]
"Sa showbiz new naman, ipapalabas na sa susunod na linggo ang bagong series drama na Love and Vengance. Ito ang ikalawang pagtatambal na sikat na love team at unang teleseryeng gagawin nilang dalawa. Mula ng pinalabas ang drama trailer sa YUTube, agad naman itong nag-viral at dumami ng millions of views at umani ng positive reactions mula sa mga fans."
Changing channel...
"Kasama din sa drama ang artista na si Adriana Dela Vega na gaganap bilang kontrabida. Si Adriana ay gumanap na rin na kontrabida sa mga pelikula at iba pang mga teleserye. Sa bawat role na ginanap nito, hindi maikakaila na nadadala ang mga manonood sa mga character na pino-portait nito kaya naman kahit sa likod ng kamera, hindi maiiwasan na ikakabit sa kanya ang pagiging "totoong" kontrabida."
Changing channel...
"Speaking of Adriana, alam mo ba ang chika? Na 'di umano, sa pagiging kontrabida nito sa mga drama at pelikula eh, ganoon pala ito sa likod ng camera? Hindi raw ito nakikipaghalubilo sa ibang mga co-stars at 'pag iniimbitaw ito sa mga gatherings, hindi raw ito pumupunta! Ang ibig bang sabihin nito kaya bagay na bagay sa kanya ang mga kontrabida roles dahil suplada ito at anti-social?!"
Changing channel...
"On showbiz news today, actress Adriana Dela Vega was spotted at the Esmeralda Hotel with the owner Mister Ernesto Soliver. It said Adriana and Soliver have been dating for a month and this is the second time they're photographed together. Dela Vega is thirty years younger than Soliver."
Changing channel...
"Kung totoo nga ang bali-balita na may relasyon ang dalawa, ibig sabihin ba nito: like mother, like daughter? Noon 'di ba ang ina niya na si---"
"Wala na bang magagandang palabas sa mga network na 'to?! Tungkol sa promotion ng bagong drama ang topic bakit napunta pa sa 'yo?" inis na sabi ni Sha-Sha sabay patay sa telebisyon. Kaibigan at Hair Stylist niya ito.
"Mga media nga naman. Also, are they really convinced na totoo ngang may relasyon si Adriana kay Sir Ernesto? Hindi ba nila alam na mag-business partner ni Bossing si Sir Ernesto? Malamang isa ito sa mga sponsor sa lahat ng artista kasama na si Adriana. Kulang yata sa research ang mga 'to, eh!" sabi naman ni Jasper. Ang personal assistant niya.
Nilingon siya ni Sha-Sha. "Wala ka bang gagawin dito, Adriana? Sinisiraan ka na naman ng mga ito sa madla."
Nakasandal lang siya sa sofa habang nagbabasa ng magazine. "I really don't give a dam^n Publicity is still publicity kahit maganda o pangit man 'yan, Sha-Sha. Kahit i-interviewhin pa ako nila ng one on one, ididiin naman nila ako lalo so it's fine. Pabayaan mo na lang."
"But, what if nakakaapekto ito sa career mo?"
"Sha-Sha, I've been in this industry since I was eleven years old. Nakakaapekto man o hindi sa imahe ko, hindi naman ako matitiis ng mga producers at directors na kunin ako. Dahil sa pinepiyestahan ako ng media, mas lalo naman namamayagpag ang pangalan ko."
Nawatawa ang dalawa sa sinabi niya. "You're not on yourself, Ading. Nagpa-practice ka na naman ba maging mas mataray sa role mo?"
"Maybe?"
Simula pagkabata, namulat na ang kanyang isip sa mundo ng entertainment industry. Sa pinakaunang role niya bilang isang kontrabida, suno-sunod na ang mga projects na binibigay sa kanya. Mostly kontrabida roles.
Napabilib niya ang mga director sa kanyang pagarte kaya hindi na mawala sa pangalan niya na isa siyang hinahangaan na artista sa larangan ng pagko-kontrabida. Kabaliktaran sa mga ginanpanan ng kanyang ina noon na mabait na bida at inaapi-api ng kontrabida. Malaking bahagi sa kanyang buhay ang kanyang ina dahil artista din ito noon. Sumikat din ito sa mga ginampanan nito sa pelikula pero hindi tin nagtagal ang kasikatan nito dahil sa edad na dise-siyete anyos, nabuntis ito. Mula ng ipinanganak siya nito, hindi niya ramdam ang pagiging magulang nito hanggang binawian ito ng buhay.
Binigyan siya ng oportunidad na pumasok sa showbiz. Nagsimula siya bilang commercial model, extra sa mga pelikula hanggang sa unti-unting nakikilala ang pangalan niya. Kalapit sa paghanga sa kanya ay mga puna at tsismis na dahil lang pumasok siya bilang artista para ipagpatuloy ang nawalang kasikatan ng kanyang ina. O kaya naman, gusto niyang pumarehas sa ina niya nasa maamo nitong mukha, parehas ang sasapitin niya gaya nito na maging adik. Pumanaw ang kanyang ina dahil sa dr*ug over*dose.
Mahirap at masaya ang pagiging artista. Mahirap dahil saan man siya pumunta, sino-sino ang nakakasama niya at bawat kilos niya ay binabantayan siya. Pag may kasama siyang lalaki, sinasabi na at binabalita sa media na may relasyon siya rito. Masarap dahil payef-off ang pagtatrabaho niya at hinahangaan ang pagarte niya. Mas maraming projects, tuloy-tuloy din ang pasok ng pera. Hindi dahil gusto niyang kumita ng malaki, tulong niya ito sa mga staffs niya na nagtatrabaho para sa kanya. Kung ang ibang tao at nakaasa lang sa tsismis kung sino siya sa totoong buhay, tanging mga staffs lang niya ang nakakaalam kung sino siya. Gusto mo man nila na ipagtanggol siya, siya na ang nakiusap na tumahimik na lang dahil wala rin naman magbabago ang pagtingin ng media sa kanya.
Bumukas ang pinto. Dumating na ang hinihintay nila. Nandirito sila ngayon sa office ng isa sa pinakamalaking agency. May pakay sa kanila ang president ng Golden Star Valley Agency.
"Good morning, Sir Almonte." bati ng kasamahan niya rito. Nanatili lang siyang nakaupo habang busy pa rin sa pagbabasa ng magazine.
"I thought may shooting kayo ngayong umaga. Buti nakapunta kayo."
"Na-move po ang schedule of shooting mamayang gabi." Sagot ni Jasper.
"Good." may binigay itong mga papel kay Jasper. "Here are the schedules of Adriana's new projects. Mostly interviews and magazine pictorials. Don't forget to change her old schedule para 'di ka mailto."
"Yes, Sir."
Nauna na siyang tumayo para umalis. Total iyan lang namana ang pakay nila bakita sila nandito. Dapat nga pala nagpaiwan na lang siya sa sasakyan.
"Adriana, I need to talk to you just a minute." Tawag nito sa kanya.
Unang umalis ang mga kasamahan niya. "Anong paguusapan natin?"
"I didn't see you for a while. Masyado mo yatang binabaon ang sarili mo sa trabaho."
"I am and I love every minute of it. Nakakawala ng pagkabagot. Do you think magugustuhan mo na wala akong makukuhang projects? Malulugi ang kompanya mo 'diba ayaw na ayaw mo 'yun?" Ngiting sabi niya rito.
"You can really read my mind. I was about to ask how are you but I think you're fine. In spite of the allegations on you and Soliver."
"I really don't care." diretsahan niyang sagot. She does not really care kahit sino pa 'yang ipaparehas sa kanya.
"Alright. Total naman sa bawat sambit nila sa pangalan mo, hinding-hindi ka mawawalan ng kinang."
"Yeah, right." Hindi na niya itong hinintay pang magsalita at agad na siyang umalis.
That's Pedro Almonte. Iyon ang taong nagbukas ng pintuan ng showbiz para sa kanya. Sa mahabang panahong ginugol niya sa ilalim ng pamumunuan nito, gustuhan man niyang umalis at huminto sa paga-artista ay hindi niya kaya. Hanggang hawak pa siya nito sa leeg, wala siyang magagawa kundi sunduin ang gusto nito. He will never give her freedom, ever.
To be continued...
Kindly support me by following my Wattpad AC
If you like the story and want to update the next chapter, kindly leave a VOTE and COMMENT what are your thoughts on this story.

BINABASA MO ANG
Love Under The Spotlight
RomanceTagahanga si Lorenzo sa isang sikat at kontrobersyal na artista, si Adriana Dela Vega. Dahil sa sobrang galing nitong umarte sa teleserye man at sa pelikula, sa paningin ng mga manonood ay ganito ito sa totoong buhay. Dahil fan siya ng artista at ma...