I. - Bakit nangyari ito?????

118 2 0
                                        

POV ng Lalake (Thinking)

Ang sarap gumising sa umagang katabi mo ang taong mahal mo. Iyong nakikita mo siyang nakapikit pa at mahimbing na natutulog, nakasandal pa ang kanyng ulo sa iyong mga bisig, nararamdaman mo ang kanyang paghinga sa bawat sandali. Napapangiti ka dahil nakikita mong bukas pa ang kanyang bibig, minsan may laway pang umaagos palabas ng kanyang labi, habang pinupunasan ko ito napansin ko ang kanyang labing mamula mula at nakaka akit pa. Ang kanyang ilong na di naman ganun katangos pero bumagay naman sa postura ng mukha niya. Ang kanyang mata na nakapikit pa at mahimbing na natutulog na ako ang kasama. Hinihintay ko siyang magising dahil iyon ang gusto kong makita, ang kanyang mata na makinang pag gising niya sa umaga.

Ngunit lahat ng iyon ay hindi ko na pala makikita, dahil ngayon na lang pala ang huling araw ng aming pagsasama, masakit mang isipin, nakakaiyak man gawin, dahil mahal mo siya kailangan mong sundin. Ang hinihingi niyang kalayaan kailngang ibigay, bilang respeto na rin dahil siya ang iyong mahal. Sa huling araw ko bilang iyong kasintahan, gusto ko lang na maging masaya ka kahit akoy di na kabilang.

Biglang dumilat ng mata ng kanyang kasintahan .

Lalake : "Good morning . . "

Babae : "Good morning din . . . "

Lalake : "Nakatulog ka ba mabuti?"

Babae : "Nakatulog naman po ."

At nagtitigan ang dalawa na parang iyon na lang ang kanilang huling pagkikita. Sa huling pagkakataon hinalikan ng lalake ng kanyang pinakamamahal. Naglapat ang kanilang labi ngunit wala na masyadong kasiyahan.  Matapus noon parehas na sila nag ayos ng gamit at naghanda sa kanilang pagpasok sa kanilang mga trabaho. Bawat galaw ng relo, iniisip niya na sana maibalik pa ang dating oras nito.

Naglakad na ang magkasintahan palabas ng kanilang lugar at binabati din nila ang kanilang nasasalubong at nadadaanan.

Babae : "Good morning po !"

Kapitbahay : (Ngumiti at bumati din) "Magandang umaga din ."

Lalake : (Tumingin sa kanyang kasintahan at ngumiti, hawak hawak pa ang kamay ng kasintahan)

Habang palapit sila ng palapit sa kalsada nakita ng lalake ang dalawang tricycle na sa kanila'y nag aabang ang isa ay papunta sa lugar ng kanyang kasintahan, habang ang isa ay salungat naman na pupuntahan.

Babae : "Saan ka na pala sasakay niyan?"

Lalake : "Dederetso na ko sa trabaho ko, mabuti na ito magkakahiwalay tayo at magkaiba ang ating dadaanan." (Hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kanyang mahal at kanyang sinabi) "Mula ngayon isa ka nang ganap na malaya . Tapos na ang huling araw ko bilang iyong kasintahan . "

Babae : (Ngumiti at biglang parang hahampasin ng kamay ang lalaki .) "Ikaw talaga! :) . Amh Bye bye na . Ingat ka palagi."

Lalake : Mag ingat ka din palagi, (mahinang sinabi ang salitang) "Mahal na mahal kita" .

At parehas silang di na lumingon pabalik, bawat segundo palayo na ng palayo ang kanilang sinasakyan.

Lalake : Paano nangyari ito? Bakit nangyari ito? Saan ba ako nagkamali?

Bakas sa mata ng lalaki ang lungkot at malapit ng umiyak, pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil kailangan.

                                                                                                                     

The Clueless Guy (Filipino, Tagalog Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon