III. Paraparaan ng mga kabataan

74 0 0
                                        

Ang hirap humanap ng tiyempo para lapitan si jessie dahil pinapalibutan din siya ng kanyang mga kaibigang babae, sikat kase siya at mabait kaya maski mga babae ay gusto siyang kasama at kausap.

"Rej, hoy paano yan? malapit na matapos ang klase ng grade 4 oh, saglit na lng lalabas na sila, ano diskarte mo?" medyo naiinis na sabi ko sa kanya.

"Maghintay ka lang Van, hahanap lang tayo ng tiyempo" biglang sagot niya na parang siguradong sigurado na may mangyayari nga.

"Wow galing ha at talagang kasama ako sa plano mo ha. . (Mas kinakabahan ako kaysa sa iyo alam mo ba? @_@)" hindi ko masabi sa kanya na maski ako ay may gusto din kay jessie, at mas matagal ko siya nakilala kaysa sa kanya.

Dumating ang oras na walang nangyari sa paghihintay namin ni Rej, papaano ba naman kase torpe, haha nagsalita ang hindi torpe no? ^_^ .

Umupo na kami sa aming mga upuan at bigla bumulong sa akin si Rej at sinabi,

"May maganda ako plano Van, basta bukas ulit gawin natin iyon XD" sinabi na may parang kakaiba na mangyayari bukas.

"Ok kaw bahala sasama lang ako sa plano mo ha" medyo dudang sambit ko sa kanya .

Habang nasa klase napapatitig nanaman ako kay jessie, ibang iba siya kumpara last year :), mas mahaba na ang kanyang buhok, mapula lalo ang labi, mas cute at napansin ko nanaman ang kanyang .

"Oooppsss, bigla ako pumikit, kung anu anu nanaman ang naiisip ko." biglang sambit ko sa sarili ko.

Napatitig nanaman ako sa kanya at napansin ko na palingon lingon nanaman siya sa kanyang paligid, waring tinitignan niya ang mga tong nakapaligid sa kanya. At nakita nanaman niya akong nakatingin sa kanya. Medyo matagal ang pagtitigan namin kumpara ng huli pero nahiya ako at lumingon palayo.

"Waaaaaaa!, pusang gala, bakit ko ginawa yon?" Medyo nanginig ang katawan ko at parang kinilabutan ako .

"Nakakahiya!! Lagot ako sa class president ko -_-" kilig na may halong kilabot ang naramdaman ko.

Nasa kasagsagan pa ako ng nararamdaman kong iyon ng may tumapik sa balikat ko .

"Huy! . . anu nangyare sa iyo?" bigkas ni Rej na di alam ang nangyayayari sa akin .

"WALA!" napasigaw ako ng di ko sinasadya O_O, di ko din alam kung bakit nangyari iyon.

Nagulat din ang mga kaklase ko sa likod at napatawa sila sa nagawa ko. Since tahimik na tao lang ako .

Natapos na ang klase noong araw na iyon at tinignan ko ulit si jessie, parang walang nangyari akala ko ay dederetsuhin niya ako at kakausapin ng prangkahan sa ginawa ko .

Umuwi agad ako sa bahay para mag review dahil may test kami sa aming advisor, nakita ko ang dalawa kong kapatid na nag aaway.

"Ate ilabas mo ang kinuha mo" sigaw ng bunso kong kapatid na si Inah .

"oh bakit anu nangyari?" tanong ko sa bunso kong kapatid

"wala akong tinatago saka akin ito" sabi naman ni anette na sumunod sa akin.

"anu ba pinag aawayan niyo?" tanong ko sa dalawa

"kase bigay ni mama yan sakin :'(" umiiyak ang kapatid ko na gustong kunin ang gamit na iyon.

"Oh akin na nga yang gamit na yan at ako na ang magtatago, walang nagmamay ari nito kundi tayong lahat bigay sa atin yan ni mama natin at ang gusto niya ay magmahalan tayo" sabay tago ko sa gamit na iyon sa cabinet ni ama.

The Clueless Guy (Filipino, Tagalog Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon