Chapter 1

44 7 0
                                    

Samantha's POV

Kring * Kriiiiing *
Nagising ako sa tunog nang aking alarm clock na walang ibang ginawa kundi sirain ang umaga ko, kay aga aga nang gigis----

"Ahhhhh," sigaw ko nang napagtanto ko na mag aalas otso na nang umaga "Late na akooo"agad agad akong bumangon sa kinahihigaan ko at nag madaling maligo.

Mga 3 minuto lang akong naligo dahil sobrang late na talaga ako first day ko pa naman sa school. Hayst pano ko makikita si Daniel Padilla ng buhay ko kung late ako, yung tipong pag pasok ko ng gate ay may ma bubunggo akong Daniel Padilla ng buhay ko tapos mahuhulog yung mga notes ko at pupulutin namin nang sabay tapos tadaaaa magkahawak na ang kamay namin. Lol walang ganun self, dahil kasi yan sa kakabasa mo ng mga pocket book. Nang bumaba na ako.

"Good morning my lovely babyy," sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ko."Kumain ka na anak ng makapasok kana sa skwelahan"

"Ma, I need to go late na late na ako wag kang mag alala kakain na lang ako dun. Bye mom" sabay takbo sa labas. Nag commute ako kasi wala yung step father ko, nagtatrabaho. Yung step father ko kasi yung taga hatid sakin ng school. May sarili naman akong motor kaso di pinapagamit sakin ni mommy pag papasok sa school baka kasi daw san ako pumunta.

By the way break na pala yung totoong papa ko tsaka si mommy. Simula nong bata pa kasi ako lagi nalang daw umuuwi si papa nang lasing kaya nong nag break sila ito namang step father ko nang ligaw agad.

At kung minamalas ka nga naman ay wala pang jeep na dumadaan kaya napag isipan kong pumasok ulit sa bahay at pinakiusapan si mom na gamitin ko nalang yung motor ko.

"Mom sege na please late na talaga ako. Please?" At nong tumango na si mommy na sign na pumayag sya ay agad akong tumakbo papuntang kwarto nila at kinuha yung susi.

At yun pinaharorot ko ng takbo yung motor ko at maluhaluha pa akong nakarating sa paaralan.

"Huuuy, bat ang tagal mong bruha ka." Sabi ni Marie na best friend ko simula first year high school pa kami.

"Late na ako na gising eh, sorry" sabay peace sign sa kanya.

"Tara na nga" nag lakad kami ni Marie sa building nang 3rd year high school papunta kung saan nakasulat yung section namin.

"Grade 10 Perseverance, yun lang yun diba? Sabi ni Marie sabay turo sa kalapit na building.

"2nd floor?" Buti nalang at hindi fourth floor kung nag kataon parati na talaga akong late

"Oo, kayat hali kana Samantha excited na ako makakita nang pogiii kyaaah" sabi nya sabay talon nang talon. Hila hila ni Marie yung kamay ko nang makarating kami sa classroom namin. Dahan dahan kaming pumasok ni Marie sa likuran kami dumaan para di mahalata ni maam ng biglang...

"And yes? Sino naman tong dalawang dilag? Sabi ni ma'am na di ko kilala, sya na siguro yung Adviser namin for this school year, grrr nakakatakot mukhang bruha HAHAHA. At Pumunta kami sa harapan.

What If's (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon