Chapter 7

7 3 0
                                    

Samantha's POV

Panibagong araw, panibagooong malas. Inimulat ko ang mata ko para tignan ang oras---

WHAT!? malapit ng mag 7:00am. Lagot ako nito. Dali dali akong naligo at nag bihis. Lumabas ako ng kwarto ko at may narinig akong ingay sa kusina.

"Mom bat di niyo po ginising malalate napo ako" sabi ko habang inaayos ang uniform ko. Bababa na sana ako ng maiisip ko na NAKAALIS NA PALA SILA MOM AND PAPUNTANG CEBU?

Eh sino tong nasa kusina at nag luluto. Pero ang baga ng niluto ah. WAIT!? Baka magnanakaw to? Magnanakaw magluluto? Baka nagutom hihi.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdanan at tinanggal ang suot ko sapatos para may panlaban ako sa kanya.

"Ahhhhhh!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa babaeng magnananakaw, wait? Babae? Familiar siya. "Ate Alyssa? Waaah ateee ai" tumakbo ako papalapit kay ate ai para yakapin siya.

"Oh hi dear Sam, hungry? Wait kukunin ko na tong niluto ko para makakain kana" sabi ni ate habang naghahanda ng pagkain. Nang matapos si ate sa paghahanda ay nag simula na siyang kumain.

"Ate bat di mo ko ginising? Natulongan na sana kita mukhang di ka pa naman din nakapag panhinga" nahihiya kong sabi habang kumuha ng adobong manok.

"Ayaw kitang gisingin eh, ang sarap kaya ng tulog mo. Actually kanina pa akong 3:00am dumating kaya naka pahinga na ako" eh? Yun nag kwento si ate ng buhay niya dun sa cebu kesyo andami na daw niyang naging boyfriend. Close na close kami ni ate nung nasa cebu pa kami. Ewan ko ba kila mommy bat naisipan nilang dito tumira.

Nang natapos na kaming kumain ay inihatid niya ako school gamit ang kotse niyang napakagara.

"Sam I'll fetch you mamaya, okay?" At pinaandar na ang kotse niya. Eh? Di mn lng ako pinagsalita? Hayst

Agad akong naglakad pa punta 2nd floor kasi nandun room namin. Nang may narinig akong nagbubulong bulongan.

"Talaga? Nakita mo siya sa mall?"

"Oo, absent ako kahapon diba kasi nag punta akong mall"

"Siya ba talaga ang nakita mo girl? Eh nandito siya kahapon no, naglalaro pa nga siya ng basketball."

Magsasalita pa sana sila pero nakita nila ako kaya tumahimik sila. Tss weird. Saktong pagdating ko sa room ay kararating lng din nung teacher namin.

"Class, I will leave you a setwork nalang kasi may aasikasohin pa ako sa office. Go to you groupmates then I'll give you the genre para sa movie na gagawin niyo." Pagkatapos sabihin ni ma'am yun ay nagsipag puntahan na sila sa kanilang groupo kaya agad kong kinalabit si Marie para mag tanong.

"Bruha? Sinong ka groupo ko?" Tinuro ni Marie yung groupo nila Clariz.

Tumayo ako at pumunta sa kinaroroonan nila, uupo na sana ako ng magsalita magsalita si Ma'am.

"Mr. Bustamante hindi porket ka co-partner ng family mo itong dean ng paaralan na to ay pwede mo na araw arawing maging late." Sabi na ma'am na mukhang galit na. At ito namang asungot nato parang wala lang sa kanya.

Teka?! Co-partner? Ibig sabihin mayaman sina Joshua? Isang Malaking sanaol HAHAHA. Nakakatawa wala sa pag mumukha ni Asungot ang maging mayaman HAHAHA.

"Isa nalang Lembra at hahampasin na kita nitong librong hawak ko. Kanina pa kita pinapaupo pero di ka nakikinig.!" Natauhan ako sa mapakas na sigaw ni ma'am. Woah. "Sit. Can I proceed?" patuloy ni ma'am.

"Sorry ma'am. Please proceed' umopo na ako, sa tabi ng tanginang Joshua.

Ma'am Archie is now giving the paper na may nakasulat. Saakin niya inabot yung papel at tinignan ko yun. ACTION WITH ROMANCE.

Hanep naman pala to mag bigay ng genre si ma'am lol. Ipinasa ko yung papel sa katabi ko.

"So now pag usapan niyo kong pano niyo sisimulan, magsulat na kayu ng script. As in now." Pagkatapos magsalita ni ma'am ay umalis na siya.

"Let's decide first kung sino ang director at script writer" sabi ni Clariz.

Lol. Ito ako dito tahimik, ng mapadpad ang tingin ko kay Joshua. Tangina, bat nakangiti to sakin? At biglang nag salita

"Bakit di nalang si Samantha ang gawin nating director at the same time script writer?" What theee?! Ang tibay ng mukong.

"Nababaliw kana ba? Masapak kita jan eh" sabi ko at inirapan siya.

Author please? Wag ganto mapapatay ko to siya.

(A: easy HAHAHA)

"Pwede rin pero baka di sanay si Samantha? At baka mapagod lng siya kakasulat ng script" suggest ni Mark. May mga name kasi kaming naka pikit sa uniform namin para mas madaling makilala namin ang isat isa.

"Mas mabuti pang pagtulongan nalang natin ang script at si Samantha ang director, okay naba sayo yan Samantha?" Tanong ni Angel. Ang unfair naman ng ganto pero bet ko na rin to kesa sa sinaggest ni Asungot.

"Okay" tipid na sagot ko.

"Yun oh." Sagot naman ni Asungot.

Tinignan nila akong lahat na parang naghihintay sa sasabihin ko? Huh? Ano bang sasabihin ko? Tss oo nga pala Director pala ako.

"So later, we'll do the script. 5:00 pm sa bahay nila Joshua" At yun lang ang sinabi ko at umalis na ako. Tama ba yung sinabi ko? Hihi.

Tinignan ko sila lalong lalo na si Joshua HAHAHA parang di na malaman kung anong gagawin.

Beeeell* kring*

Save by the bell. Dali dali akong lumabas para pumunta sa susunod na subject. Nakaramdam ako na may sumusunod sakin, tss I know it's Marie.

Nong haharapin ko na sana siya ay bigla siyang nagsalita. "Bakit mo sanabing sa bahay namin gagawin yung script?" Tss talagang ang tibay naman nitong asungot nato.

"Gusto mong bawi diba?" I said while smirking. Then I leave.

....
----
Hiii kamusta mga bxby? Sorry ang tagal kong naka pag UD hihi.

What If's (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon