His side
Good things happen with a positive frame of mind,
So if you are positive,
Everything would be alright.Have a good day! :)
"I think im fallin'. Fallin' inlove with you.." Asar na tinignan ni Kyle ang kaibigang si Joshua na may nakakaasar ng ngiting nakapaskil sa labi. Padaskol tuloy niyang tinupi ang note niya para sa araw na iyon.
Panira. Bulong niya sa sarili habang nagsasalansan ng gamit.
"Bakit nagdadabog ka jan, Kyle? Hindi mo nagustuhan yung loveletter mo? Maganda naman ahh.." Tinignan lang niya ito at saka tinuloy ang ginagawa.
Hindi totoong hindi niya nagustuhan ang note ng bigay nung mystery girl. Katunayan, tamang tama ang note na iyon para sakanya. Epal lang talaga tong si Joshua eh.
Bakit ba kasi nakasabay pa niya ito dito sa locker!? Sa dami ng kaibigan niyang pwede makasabay, eto pang baliw na to!? Lakas makaasar eeh..
"Pikon-talo ka talaga. Hehehe" dinig pa niyang sabi nito. Kahit hindi niya ito tignan, alam niya na nadun parin ang pang-asar na ngiti nito.
"Antayin mo naman ako. Oy! Kyle!" Tuloy lang siya sa paglakad.
Deretso na siya sa classroom dahil marami siyang gagawin. Naghahabol siya ng lessons. Kelangan, dahil requirement iyon sa sports niyang basketball.
Hindi kagaya ng ibang school na kapag may laban ang atlhete sa ibang school ay exempted na o di kaya ay ipapasa na.Sa Crotia Academy, mahigpit. Lalo na sa mga atlete na kagaya niya. Hindi pwede ang pasang-awa na marka kung hindi ay tatanggalin ka sa team, kahit pa magaling ka sa sports at kasama ka sa nilalaban against other school, hindi magdadalawang isip ang head admin ng academy na i-dismember ka. Kailangan, active ka sa lahat, academic man yan o sports, wala kang magiging problema.
One week ng tapos ang Interhigh. Ngayon, exam naman. Final exam na'to. After this week, pwede nang silang petiks petiks, ayon sa head.
Hayst! Sakit ng ulo ko.. He thought.
Puyat siya sa kaaaral. Kaiisip. Dumagdag pa ang gunggong na si Joshua."Hindi mo parin ba kilala yang secret admirer-slash-mystery girl mo?" Ungot ng kaibigan.
"Mukha bang kilala ko ha?! Letse ka! Wag kang hihingi ng brownies ko!" Singhal niya.
"Walang ganyanan, Kyle! Ang sabi sa sulat bibigyan mo rin kami--" natigil ito ng tinignan niya ito ng masama.
"Pinakialaman mo gamit ko!?"
"H-hindi! Hindi ako.. Hehe"
"Patay!" Buong pa nito na narinig din niya.
"Tsk! Simula ngayon hindi kona kayo bibigyan ng bigay nya!" Iniwan niya ito at mabilis na naglakad.
"Oy, Kyle! Para satin lahat daw yun. Wag madamot!"
Neknek mo!