[Kyle]Gaya nang nakagawian niya, maaga siyang pumasok. Excited na siya para sa exam bukas.
Tulad nga ng sabi sa note nya na huli kong natanggap. May mangyayaring maganda kung may positibo kang pag-iisip.
Nag-aral siyang mabuti kaya sigurado siya na maipapasa niya ulit ito.Sa labas palang ng gate, malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Habang papalapit siya ng papalapit sa kanyang locker, ilang ulit niyang sinambit sa kanyang isip na sana meron.. sana meron..
Simula nung Tuesday, wala na siyang natanggap na note. Nung una akala niya busy lang ito or what. Pero ilang araw na, sa anumang dahilan, nagsisimula na siyang mag-alala.
Nakasanayan na niya ang sulat at regalo mula rito. Kasama na iyon sa kanyang pang daily routine. Pakiramdam tuloy niya hindi nuo ang kanyang umaga dahil hindi ito nagparamdam. Biglang nalang itong hindi nagparamdam.
Eto na..
Inhale. Exhale.
Pagbukas niya-- wala.
Walang kahit ano sa loob."Ayos lang yan, Kyle. Baka sobrang busy lang siya. Estudyante rin naman yun gaya mo."
Hindi man niya aminin, he feel disappointed. Hindi rito kundi sa sarili niya. Masyado na kasi talaga siyang nasanay sa ginagawa nito at hindi na niya naisip na kailangan din nitong mag-aral.
Pakiramdam niya nate-take for granted na niya ang myatery girl niya.Hanggang sa matapos ang klase, down parin siya. Napansin iyon ng iba. Ngiti lang ang sinasagot niya sa mga ito dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot.
Magpapalipas siya ng oras sa court baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. Inabutan niyang nagshoshooting practice si Joshua."Kakaiba ka ngayon ah.."
"Panong kakaiba?"
"Hindi ko alam. Basta iba pakiramdam ko sayo lately, pati sina Tommy at Gregg ganun din." Tugon nito. Patuloy lang ito sa pagsoot ng bola.
Magkabilang ring ang gamit nila kaya naman hindi mila kita ang isa't-isa."Pressured lang sa exam.. Wala to. Wag nyo nalang pansinin." Sabi niya. Wala siyang balak na ipaalam sa iba ang totoong dahilan. Mangangantyaw lang naman ang mga iyon.
At saka..
May gf sya.
Oo, meron. At ayaw na niyang dagdagan pa ang kasalanan niya rito. Wala itong kaalam-alam sa nangyayare at pinagtatakpan pa siya ng barkada niya kaya malakas ang loob niya na hindi makakarating kay Angelica ang natatanggap niyang sulat at regalo.Ang gulo diba? Ako din naguguluhan eeh.. May gf nako at sigurado akong mahal ko sya pero-- heto ako ngayon iba ang iniisip.
Akala ko noon, ilang araw lang at titigil na sa pagbibigay ng kung ano ano sakin si m.g (mystery girl) kaya hinayaan ko nalang. Hindi lang naman kasi siya ang ganun. Meron din na galing sa iba pang niyang schoolmate. Sabi ng kaibigan niya, hayaan mo nalang, sila naman ang kusang gumagawa niyan sayo., nagbibigay nyan sayo kaya wala kang kasalanan. Hindi yan cheating kung yun ang sa tingin mo.
Hanggang sa umabot tumagal na nang isantaon.
Habang nasa klase siya, napag-isi isip niya. Hindi pa ba ito cheating? Hindi parin ba ito panloloko kay Angelica? Kahit kailan, hindi niya iyon nabanggit sa babae.. Wala siyang sinabi rito patungkol sa note at pagkain na binibigay sakanya.
Lalo ngayon na pareho siyang busy sa kani-kanilang pag-aaral, wala na silang panahon para makasama ng matagal o kahit mag-usap manlang. Bihira silang magkita kahit nasa kabilang builing lang naman ito.
"Oy! Hindi kana kumibo jan?" Bumalik siya sa reyalidad ng marinig niya muling kausapin siya ni Joshua. At nakatayo ito sa kanyang harapan, seryosong nakatingin sakanya.
"Yan ba ang walang problema? Kanina pako nasa harap mo pero ngayon molang napansin."
"Kung anu man yan.. Sabihin mo samin, baka makatulong kami." Tipid ang ngiting sinagot ito.
"Salamat, pre."