Dear Crush #4

4 0 0
                                    


Someone

One week na rin ang nakalipas pero malinaw parin sa isip niya ang tagpong nasaksihan niya sa likod ng campus building.

Lunch break bell rings.

Lahat ng kaklase niya nagsitayuan sa kani-kanilang upuan. Lumabas sa room para kumain. Nilapitan siya ng kaibigan niyang si Emerald.

"Bessy, tara na sa tambayan.. Gutom na ako sobra!"

"Saglit lang, Emz. Ligpit lang ako.." Sabi niya.

Naupo naman ito sa bakanteng silya at abala sa pagkalikot ng cellphone. Inalis niya ang tingin rito. Tinuloy ang nagliligpit ng kanyang gamit.

"Urgh! Asar! Napaka babaero talaga!!" Napalingon siyang bigla kay Emz. Lukot ang mukha nito. Padabog na binitawan ang cellphone na hawak.

"Bakit? Tara na.." Tanong niya. Tumayo narin ito at sabay ailang lumabas sa room.

"Kaasar yung pinsan mo, gurl! Kahapon si Marian ngayon si Sophie naman ang ka-date!" Himutok nito sakanya.

"Kasi naman.. Binalaan na rito eeh." Naawa siya kay Emz. Matindi kasi ang pagkagusto nito kay Jordan. Minsan pa ginagawa siyang dahilan ng kaibigan para makausap ang lalaki.
Kaya lang deadma.

"Eh kasi naman bessy! Mahal kuna talaga si Jordan. Minahal ko sya ng ganun, masakit lang talaga na iba iba ang kasama niya pero tanggap ko naman.."

"Tara na't bilisan. Kain nalang tayo ng marami tapos mamaya gala tayo sa mall.."

"Game ako jan! Saka baka gutom lang toh.. Kaya tara na!" Hinatak na siya nito papunta sa favorite place nila.

"BLURF!" Natawa siyang nilingon ni Emz. Matapos kasi nilang kumain malakas siyang dumighay sa kabusugan. Palagi siyang maraming baon. Lagi niyang shineshare iyon kay Emz, ganun rin ito.

Kumain na rin kaya sya?
Kamusta na kaya ang pagrereview niya?-- Hmmmft..

Natigil siya sa pag-iisip nang makarinig sila ng ingay malapit sa pwesto nila. Nagkatinginan pa sila ni Emz.

"Bessy, tignan natin dali.." Yakag sakanya nito na inilingan niya.

"Dali na. Silipin lang natin tapos alis agad tayo. Baka mamaya may binubully nanaman grupo ni Andrei kawawa naman." Wala na siyang nagawa ng hinatak siya ni Emz. Nagpatinaod nalang din siya. Baka kasi mamaya totoo ang sinabi nito.

Pareho silang natahimik ni Emz sa nasaksihan.

"Arat na bessy! My goodness!" Pulam-pula ang mukha nito.

"I love you, Kyle baby.."

"Love you too.."

---

Exam bukas. Gumawa siya ng simpleng goodluck note. Hindi na siya nag ready ng snack. Last narin naman to eh. After niya malaman na may girlfriend pala si Kyle napagdesisyonan niya na tumigil na. Ayaw niya makasagasa ng kapwa niya babae.

Kung alam ko lang..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear, Crush [SlowUpdate]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon