His side..Hi! Good Morning! :)
Kamusta ka?
Tagal rin no.. Haba kasi ng holiday.
Kamusta pala bakasyon mo? Na-enjoy mo ba?
Kasi ako, oo eh. Kaya sana ikaw rin.. :)Nga pala.. Cookies, para sayo.
Marami yung binake ni Mama kaya naisipan kong bigyan ka rin.
Mejo dinamihan ko yan para mabigyan mo friends mo.
Binigyan ko rin naman yung bestfriends ko kaya dinamay na kita at friends mo.. Magustuhan nyo sana.***
Nangingiting tiniklop ni Kyle ang maliit na papel pagkatapos nitong basahin ang letter ng misteryosong babae na iniwan sa loob ng kanyang locker kasama ang sinasabi nitong cookies na nakalagay sa meduim size na jar.
Sa mahigit isang taon, nakasanayan na niya ang mga short message and greeting nito para sakanya sa locker niya. Dahil may binibigay rin na pagkain sakanya ang secret letter sender nya, hindi na niya nilolock ang locker niya.
Madalas gabi na ang tapos ng practice ng basketball team at puros player nalang ang naiiwan. Kinukuha niya ang importante niyang gamit tapos iiwanan na niya iyon na nakasarado lang.. Walang lock.
Kinabukasan pagpasok niya, gaya ng inaasahan dinatnan niya iyon nakakansado.Noon nagtataka siya kung bakit may nakasabit na susi sa labas ng locker niya, hinayaan niya iyon dahil baka may nakahulog lang sa tapat mismo ng sakanya at inakalang siya ang may-ari kaya sinabit nalang sa mismong kandaduhan. Pero kinabukasang pagpasok niya, dinatnan niyang naka-padlock ang locker niya at ang susi ay nakasabit parin.
Hindi niya nakaugalian na maglagay ng lock sa kanyang locker dahil may tiwala naman siya sa kanyang kapwa-estudyante. Kaya laking gulat niya na dumating siya na nakalock iyon, doon niya lang niya napagtanto na para sakanya pala ang susi. Na ang dating sulat lang sa loob ng maliit na kwadradong bakal na iyon ay may kasamang pagkain na.
Hesitant pa siya sa pagkain na iniwan nito dahil hindi niya alam kung sino ang napapadala sakanya ng mga iyon. Hanggang sa umabot na iyon ng isang linggo at hindi nagtagal kinakain at kung minsan ay binibigay niya sa kaibigan niya o teammates niya para hindi masayang.
Binibiro din siya ng iba na baka may gayuma daw yung pagkain, pampa-inlove daw.. Natatawa lang siya sa mga sinasabi ng kaibigan. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa kanya kaya hindi niya pinapatulan ang biro hanggang sa nakasanayan na niya iyon.
Ewan ba niya..
Hindi niya alam kung bakit hinahayaan nya lang ang babae sa ginagawa nito.
Siguro dahil harmless ang dating sakanya ng ginagawa nito. Siguro, nakumbinsi lang siya nito na crush sya talaga ng babae.Yung mga kasama niya sa team, sinasabi na creepy daw.
Yung mga kaibigan niya, ganun din.. Hindi talaga niya alam pero hindi ganun ang tingin niya.. Ang pakiramdam niya.Excited pa nga siya eeh..
Kinuha niya ang garapon na puno ng cookies saka nilagay sa bag pati note, saka niya nilipat ang ibang gamit na dala niya sa loob ng locker.
Sa isip ni Kyle, kailan niya makikilala ang misteryosong babae. Hindi biro ang ginagawa nito. Gaya ng sinabi niya, hindi nakakatakot pero gusto talaga niyang makilala ito.
Gusto niyang personal na mag-thankyou rito. Lalo sa mga pagkain na binibigay nito.Sana bago ako grumaduate makilala kita, mysterious girl..
---
Ay! Me'ganun? Hihihi