Chapter 1 - First Wrath

14K 289 15
                                    

First Wrath

MARAMING tao ang nagkakasiyahan at nagpapayabangan sa kani-kanilang negosyo at pagmamayari. Mga kumakain, sumasayaw at iba pa ang makikita sa loob nang malaking kwarto kung saan makikita ang liwanag sa bawat paligid.


May engrandeng staircase na parang katulad nang nasa fairytale, mga bintanang naglalakihan na waring nasa isang royal palace na may mga pulang kurtina na maayos na nakatali, naglalakihang chandeliers na milyones ang halaga at nagkikintabang mga tiles na makikita. Iisipin mong, heto na talaga ang iyong dream party. Isama mo pa na sa bawat tao na makikita mo sa paligid ay talaga namang kamangha-mangha dahil sa taglay nilang yaman, hindi lamang sa business world, kundi maging din sa underground society. Kulay puti at ginto ang motif nito.

Isa itong Royale Ball. Lahat nang kilalang tao sa larangan mapa sikat, kilalang tao na may talento, artista, politika, mabibigat na tao pag dating sa larangan nang negosyo, sa underground society, mga pinakamayayamang tao sa buong mundo ang mga naririto upang ganapin ang isang nakagawiang partisipasyon na kinakaylangang daluhan na minsan sa kada tatlong taon lamang nagaganap.

Ang Royale Ball na ito ay nasa pangunguna nang isang kilalang tao sa business world na si Carlo Ibanez.

Habang ang lahat ay nagkakasiyahan, biglang bumukas ang pintuan na mahigit 15feet ang taas, gawa ito sa puno na sinasabing pinaka matibay sa lahat, makapal ito at may bigat na tatlong tonelada.

Pumasok ang isang babae na may suot na maskara. Itim na itim ang buhok na hanggang bewang, isang napaka gandang fitted gown na umaabot hanggang sa sahig. Kitang kita ang sobrang kasexyhan nang babae na lalong nakapag palitaw dahil sa suot nitong fitted gown. Hindi maipagkakaila, talagang napaka ganda niya, kahit pa man nakatakip ang mukha niya.

Halos lahat ay natigil, ang musika, ang ilang nagsasayaw at nagkkwentuhan, at ang lahat ay napatingin sa kaniya, maging ang ilang staff nang Royale Ball na may halong pagtataka.

"This isn't a masquerade party, right?" some elite asked.


Mga sarisaring bulungan nang mga tao. Iba't ibang reaksyon ang makikita sa bawat isa, natutuwa, nagagandahan, at nagtataka...

Sino ba namang hindi magtataka kung makakita ka nang babaeng napaka sexy pero may suot na maskara? 'E hindi naman ito isang masquerade ball.

Pumitik ang babae mula sa kaniyang daliri dahilan para matauhan ang ilan. Nastarstruck 'e!

Muling nagpatugtog ang DJ nang musika na talaga namang aakitin ka papunta sa gitna nang dance floor para makipag sayaw.

Nakabalik narin sa wisyo ang ilan at nagpatuloy na muli sa kanilang mga ginagawa.

Nagsimulang maglakad ang babae. Isa siyang napaka sopistikadang babae, base narin sa ganda at ayos nang paglalakad nito. Hindi parin maiwasan nang ilan ang mapatingin sa kaniya, lalo na nang mga lalake.

Nakuha narin nito ang atensyon nang ilang mabibigat na tao sa underground city, mga tinatawag na Elite, ilang reapers, assassins na nakamasid sa buong hall, dahil sa kakaibang presensya na kanilang nararamdaman magmula nang dumating ang nasabing babae.

Lahat ay alerto sa maaaring mangyari dahil ilan sa mga elites at assassins ay may hindi magandang pakiramdam sa babaeng kadarating lang. Masyadong madilim ang aura nito na may halong kilabot na hindi mapapansin kung hindi ka mapag obserba. Oo, dahil tinatago niya ang kaniyang aura, pero napansin parin naman iyon nang ilang tao na ngayon ay nakamasid na sa kaniya.

Her Thirteenth WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon