Chapter 4 - Third

5.9K 152 2
                                    

Third.

“It seems your plan will be a quite simple today, huh?” - nakangising wika ni Shaw na kasalukuyang nagaayos ng mga technologies na gagamitin niya para mamaya.

Nakaupo ito sa one seater sofa na may maliit na lamesa sa gitna na siyang pinapatungan nito ng gamit.

"Yes, it is. But it will be one hell of a bloody painful evening, Shaw. Believe me." - I seriously said.

Pinupunasan ko ngayon ang isang rifle na gagamitin ko mamaya. This my baby! Weapons is my passion. Jeez! I am so addicted to them.

Hawak ko ngayon ang isang M21 American Sniper Rifle na may 1118 mm ang haba at may bigat na 5.27 kg (11.6 lb). It's semiautomatic rifle na kayang umabot sa layo na 690 meter (750 yards).

Matapos kong iassemble, sinuri ko naman ang telescope nito na sakto naman napatapat sa direksyon ni Shaw since nasa harap ko siya.

“Woah! Chill, Alexxa. Mahal ko pa ang buhay ko.” - saad nito habang taas taas ang kaniyang dalawang kamay na waring sumusuko.

Hindi ko siya pinansin pa at inilapag ko na ulit ang rifle. Sunod kong inayos ang ammos na gagamitin ko. Kelangan ko pa bang magdala nang madami? Hmm... Wag na siguro. Magdadala nalang ako ng dalawang pistol kung sakaling magkaaberya.

“Are you ready?” - David asked na kakapasok lang ng mini living room.

“Yep, almost done!” - ngiting sagot naman ni Shaw na parang mas excited pa sa akin.

“What about you? How's the car?” - Balik tanong ko naman sa kaniya.

Well, ginugol lang naman niya ang mahigit 5 hours niya sa paglilinis lang ng auto na gagamitin namin. Kung weapons ang passion ko, siya naman ay car, 'though I love cars and I also have a collection of cars, mas very passionate nga lang si David when it comes to it. To the point na halos araw araw niya itong lilinisan or kung pwede lang katabi niya na rin ito matulog. Aside of that, ayaw na ayaw niya rin pinapalinis sa iba ang cars niya, if nakialam ka, you'll surely be dead.

“Yeah, I feel so good bonding with my baby, Alexxa. Anyway, the car is all set now and ready to go.” - Pilyong saad niya sa akin. Nginisian ko lang siya tsaka tumayo na.

“All right! Get ready guys! We're now going.”


Washington, D.C
17:30
20F STREET NW
CONFERENCE CENTER

MADAMING guests ang nasa loob ngayon ng isang sikat na conference center sa Washington. Isa itong outdoor place na makikita sa 20th F ng isang kilalang building. Merong mahigit 200 guests ang nasa loob para duon ganapin ang wedding reception ng anak ng vice president of the United States.

Piling imbitado lamang ang naroroon. Kapamilya ng bawat panig, ilang katrabaho ng kinasal at ilang VIP members na inimbita pa mismo ng Vice president. Lahat ay pormal ang kasuotan. Party ng mayayaman kumbaga. Napaka garang tignan.

Kasalukuyan na itong nagsisimula at ang kaganapan ay isang kainan para sa gabing ito. Lahat ay nasa lamesa at kumakain, nagkkwentuhan ng iba't ibang paksa ukol sa kani-kanilang buhay.

Sa gitna naka pwesto ang dalawang bagong kasal at katulad ng iba, sila ay nagkakasiyahan habang kumakain. Napaka gandang tignan ng gabing ito.

Her Thirteenth WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon