Chapter 10 - The Beginning

4.1K 113 2
                                    

The Beginning.

Bangkok, Thailand
ONE YEAR LATER

BANG! BANG! BANG!

     "KILL them!” - malakas na utos ng leader ng isang gangster group na pinaka malakas sa bansa.

Habulan dito at habulan doon ang eksena na iyong makikita sa isang masukal na eskinita. Sunod sunod na putok ang maririnig na umeecho sa paligid. Tahimik ang lugar, walang kahit na sinong sibilyan ang makikita.

Mabilis na tumatakbo ang dalawang lalake sa makipot na eskinita. Sila ang habol habol ng mga ganster sa lugar; kamalasan kapag nahuli ka.

Huminto ang dalawang ito sa gitnang bahagi ng eskinita, habol habol ang kanilang paghinga habang ang kanilang pawis ay sabay na dumadaloy mula sa kanilang mga katawan.

Hindi maiwasang mapangisi ng isa habang ang isa nama'y napapangiti na lamang.

Nagtunguan ang dalawa tsaka muling naglakad na parang walang nangyari. Lumiko sila sa kanang bahagi kung saan makikita ang squater area— mga maliliit na bahay na yari sa kahoy, nagtataasang pader na mukha namang iba't iba ang taong naninirahan.

“Ah shit! What's that stinks? It's fuckin' awful!” - komento ng isa matapos maamoy ang masangsang na amoy hindi kalayuan sa pwesto niya.

“Ts! Bangkay ang naaamoy mo.” - komento ng isa. Hindi maiwasang mapangiwi ng kasama nito dahil sa sobrang baho at sangsang ng paligid kahit pa sabihing sanay na sila sa ganoong amoy.

“You still want to exercise?” - Ngising tanong ng lalake na tila hindi naaapektuhan sa masangsang na amoy sa paligid.

“Nah! I'm tired. Let's go back!”

-

“That was awesome, man! Napagod talaga ako makipag habulan sa kanila! Hay!” - Inda ng lalake matapos nitong ihiga ang katawan sa isang sofa.

Umupo ang kasama nitong lalake sa one seater na sofa tsaka uminom ng can in beer.

“Ang tatag din ng mga gangster sa bansang ito akalain mo no? Haha!” - Muli pa nitong komento ngunit parang hindi siya naririnig ng kaniyang kasama.

Napakunot ang noo nito sa pagtataka.

“What's wrong?!” - Pagtatanong nito.

Ngunit hindi siya nito sinagot. Umiling lamang ito tsaka ipinagpatuloy ang paginom ng beer.

“You remember her, don't you?”

Napatigil ang lalake sa paginom tsaka ngumiti ng mapakla. Dumilim ang aura ng lalaking nakahiga sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

“Hanggang ngayon, wala parin tayong lead tungkol sa kaniya.” - Dismayado nitong usal.

Lalong nilagok ng lalake ang iniinom, dahil sa galit, sakit, hinagpis at pangungulila. Halo halo ang kanilang nararamdaman sa puntong ito.

Isang taon. Isang taon na mag mula ng mawala siya pero hindi parin matanggap ng dalawang lalaking ito ang totoo.

Isang buwan matapos mangyari ang aksidente, idineklara ng underground society na patay na talaga siya. Walang nakitang bangkay niya ngunit madami ang naniniwala na dahil sa malakas na pagsabog ay nagkalasog lasog ang katawan nito dahilan para magkahiwa-hiwalay ang mga ito.

Her Thirteenth WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon