The Alpha's Downfall.
MATAPOS kong masiguro na okay at kompleto na lahat ay bumaba na ako ng kotse ilang metro mula sa tapat ng gusaling pupuntahan ko.
Nagsimula na akong maglakad. Taas noong sinasalubong ang mga nadaraanan ko rito sa side walk.
Lahat ay napapatingin. Sino bang hindi? 'e sa ganda kong 'to! Miske bulag lilinaw ang paningin kapag nakita ako.
Umakyat ako ng hagdan tsaka pumasok sa glass door ngunit hinarang ako ng isang security guard.
“Recitar el código.” - seryosong salubong sa akin ni manong guard.
(Trans: Recite your code.)“Normal: Gemstone.” - simple kong tugon.
Matapos kong sabihin ang code, may kinalikot siya sa maliit na device na hawak niya na kasing size ng iPhone 4 I guess tsaka nagpipipindot duon.
They called it Info transmitive device. Makikita duon ang info base sa code na inissue sayo.
Maya maya ay tumunog and ITD. Humarap sa akin ang guard tsaka magalang na yumuko tanda ng pag respeto. I mentally smirked.
Gemstone is my real code noong agent pa lamang ako ng CIA. Bawat agents ay may code ganon din sina Shaw at David. Isa 'yung identity clarification.
Kapag may code ka, ibig sabihin hindi ka basta isang employee o agent lang. Isa kang class SS agent na talagang pinangangalagaan ng gobyerno at ang class SS agents ang gumagawa ng pinaka mahihirap na misyon, tago rin ang identity nila at iisa lang tanging sinusunod nila which is kung sino lang ang may hawak sa kanila, kabilang kaming tatlo duon. Apat lang naman ang class SS agents at ngayong nawala na kaming tatlo, iisa nalang ang natira.
Pinindot ko ang elevator tsaka pumasok sa loob. I pressed the 8th floor.
Hindi ko mapigilang mapangisi. Bakit?
Matagal ng blacklisted ang code naming tatlo pero kanina nag access granted siya. That was impossible. Unless, inaasahan talaga ng target ko ang pagdating ko.
Tumunog ang elevator kasabay nun ang pagbukas nito. Lumabas ako at naglakad sa hallway. Masyadong tahimik.
Napangisi ako.
Huminto ako pagtapos ng ika sampung hakbang. Naramdaman ko narin kasi ang mga presensya nila. Huminga ako ng malalim.
Sunod sunod na naglabasan ang maraming mga naka men in black. And in just a second ay napalibutan na nila ako. Tantya ko ay nasa mga trenta sila. Magandang pang warm up ito.
Pero may isa akong napansin. Ilang mga nakahawak sa balakang, mga hindi nakashades at ilang mga nakangisi. Isa lang ang masasabi ko; Neophytes.
Minamaliit ata ako ng matandang 'yun ah? Itatapat niya sa akin mga baguhan? Sira ulo! Humanda siya sa akin. Magtutuos talaga kami mamaya.
Nagsimula ng sumugod yung nasa unahan ko kaya naman hinanda ko ang sarili ko. Balak niya sana akong suntukin pero syempre nasalag ko yun at mabilis na pinaikot ang kamay niya kaya napatalikod siya sa akin, lalo ko pang diniinan na lalong kinangiwi niya. Kinuha ko ang baril na nakasabit sa gun holder niya at agad itinutok sa unahan.