Chapter 3 - Second Wrath

7.2K 174 21
                                        

Sec'nd.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si David na nagaayos na ng mga gagamitin niya para sa gagawin namin ngayong gabi. Medyo nagulat pa siya ng makita ako dahil kasi wala sa bokabularyo ko ang salitang 'katok'.

"Are you ready?" - Nakangiting tanong niya sa akin. Lumapit ako rito at umupo sa kama niya. Ngumiti ako ng mapait.

"Do you know how hard it is for me?" - I opened up. Yes, I trust David more than I trust anyone else. Wala ng meron sa akin. Si David at Shaw nalang ang pamilya ko at ganoon din naman sila.

He sighed that made me look at him.

"Alpha, just tell me kung nahihirapan kana talaga. Pwede naman natin itigil--"

"No!" I stopped him bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya. We've been discussing these issue a lot of times at naiirita na ako kakapaliwanag sa kaniya.

"You know that I can't do that. I need to finish this... para narin sa akin, sa atin nila Shaw. This for the sake of us."

Hindi siya nagsasalita at tahimik lang na nakikinig sa akin.

"I will do everything to get the justice we deserve. Papatayin ko silang lahat." - Ng gagalaiti kong sabi. I unintendedly clenched my fist.

"Ssshh... Were gonna get through this, okay? Calm!" - Mahinahon niyang pahayag sa akin habang yakap yakap ako. I feel so comfortable to be with him.


I parked my car near my target's auto. I silently gaze the whole area searching for some bodyguards that might caught us. Good thing at wala masyado. Mukhang hindi mahihirapan si David sa trabaho niya.

Nandito kami sa isang underground basement ng isang sikat na condominium dito sa Amsterdam.

"This is Alpha connecting to Shaw. Tell me the situation within the radious perimeter area. "

Maya maya ay may nafefeel na akong vibration mula sa ngipin ko sinyales na magsasalita na ang kung sino man ang nakakonekta sa transmitter.

"This is Shaw connecting to Alpha. Perimeter is clear. No intruders are coming as of now." - Sagot ni Shaw na ikinangisi ko naman.

Nakaramdam muli ako ng mahinang vibration kaya nanahimik ako, naghihintay kung sino ang maaaring magsalita.

"David to Alpha... The target's approaching, get ready!"

Pagkasabi ni David ay agad na akong lumabas mula sa kotse ko. Inayos ko ng kaonti ang suot ko at naging handa.

I am wearing a one strap blue cocktail dress and a white stilleto. I checked my pistol inside my pouch at maging ito ay ready na rin. Nahagip ng mata ko ang ilang CCTV sa lugar. Get ready guys! You'll be useful later.

Kasama sa plano na huwag ihack ang CCTV, gusto kong huwag ilihim ang gagawin namin. Para hindi makita ang mukha ko, pumwesto ako sa lugar kung saan tanging likod ko lamang ang makikita dahil 'yung CCTV na nasa harapan ko ay nagkataon namang hindi gumagana so, hindi na kelangan pang ihack.

Maya maya ay narinig ko ng tumunog ang elevator, mula sa peripheral vision ko ay may lumabas na tatlong katao mula roon at ang nasa gitna ay ang target ko.

Her Thirteenth WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon