Aezha’s POV
Ang boring naman dito sa bahay! Mag nanail polishing nalang kaya ako. Tama! Ang napili kong kulay ay dark red, ang hot kasi eh! So, polish polish ditto, polish polish jan. Ang saya lang! Kasi naman eh, hindi ko masyadong makausap ng matino ‘tong si besh kasi malapit na ang Intrams namin. Hmm.. Atleast, makakapag-suggest ako ng mga ideas ko about sa programs or activities na ipeperform at that event directly. I’m so excited! Hihihi! Ayan! Ang ganda ng resulta ng nail polishing ko! Bagay na bagay sa mapuputi kong kamay. Hehehe!
“Zha? Can you hand me those books?” Tinuro niya yung mga makakapal na libro habang nagbabasa sa internet at nagsusulat. Reyna kaya iyan ng multi-tasking. Kinuha ko na yung lahat ng libro; Encyclopedias, Dictionary, Thesaurus, Atlas and yung Book of Answers. Ang bigat! Grabe naman tong babaeng to! Napaka-dedicated naman ata niya sa kanyang pag-aaral. Inabot ko kay besh ang mga libro at umupo na rin sa tabi niya.
Alam nyo, yan si Kathryn, napakagandaaaaaaa niyan eh. Addict lang sa libro at lahat lahat ng bagay na connected sa pag-aaral niya. I mean, not that masama yung ginagawa niya. In fact, that is super healthy naman diba? Pero, kapalit naman nun ang pagkawalang love life niya. Idagdag mo pa na hindi siya masyadong nag-aayos. Pero, super ganda niya parin. Manipis na mahabang super itim na buhok, di na niya kailangang magsuklay kasi bagsak na bagsak buhok niya. Ang ganda nga ng style ng buhok niya eh, natural pa. Straight sa upper part, then sa lower eh medyo kulot. Katamtaman ang tangos ng ilong, ang pula pa ng labi niya, minsan nga eh napapagkamalan siyang nag lilipstick. Nasisita tuloy ng teachers. Tas sa lagay na yun eh, hindi pa niya kinakagat labi niya. Paano nalang kaya kapag kinagat niya? Naku.
Tapos, ang bait bait pa niya, katamtaman ang tangkad, singkit, ang puti puti, pero hindi naman siya matamlay. Rosy cheeks, may hinaharap (if you know what I mean..and hindi ko minamanyak ang BEAST ko ha? I'm just describing her.. kung tutuusin, kulang pa yung description eh.. ang ganda talaga ni best.. Idol ko yan eh!) ganun rin sa kanyang likuran. Idagdag mo pa na sobrang talino niya, sobrang bait at super selfless. Campus crush nga yan eh. Campus crush na medyo nerd. Pero, despite na nagsusuot siya ng glasses, super ganda niya parin eh. Kung ako talaga’y mabibigyan ng pagkakataon, magpapa-sex change ako. De joke! Hahahaha!
“Ezha naman, alam mong ayaw kong tinititigan ako ng ganyan eh! Parang anytime eh dadambahin mo ko.” Nagsmile siya. Naku ang cute naman ng besh ko!
“Hahaha, sorry naman, bessy! Eh kasi eh, ang cute cute mo!” Tapos pinisil ko magkabilang cheeks niya! Ang cute lalo kasi mas namula! Hahaha!
“Oh, di ka pa tibo sa lagay mo na ‘yan?” At tumawa siya ng pagkalakas-lakas. At ayun, nagtawanan kaming dalawa. Hahaha! Eh nakakadala yung tawa niya eh, tapos ang pula pula pa niya.
Baliw siya minsan pero, all the time, napaka-bait ng bes ko. In fact, sa sobrang bait niya, ayaw niya ngang makipag-socialize sa iba. Kasi takot siyang masaktan niya. May dalawang moods kasi yan eh. Super sweet and caring at snob at minsan too straightforward. Ako? Pinilit ko lang siyang makipag-kaibigan sa akin eh. Nahirapan pa nga akong pilitin siya. Kasi, ang naiisip niya that time, kapag pumayag siyang maging kaibigan ako, she will be selfish and she might hurt me. Oh diba, super selfless, ang dami ng sacrifices niya. Akalain nyo yun? She is so good that her facade’s appearance is unapproachable. Yet, if you just understand her more deeply, you’ll be amazed of what kind of woman she really is.
*vibrate vibrate* bzzt.. bzzt..
Hindi ata napansin ni besh na nagvvibrate phone niya. So, kinuha ko nalang, tinitigan yung screen at binigay sa kanya. Hindi ko naman babasahin yun, kahit na bespren pa kami. Never nawala sa friendship namin ang salitang “privacy”.
“Bes, may nag text sa’yo oh.” Inabot ko sa kanya ang cp niya. Pero, hindi niya tinanggap, patuloy lang siya sa pagttype. Eh, paanong hindi mabubusy yan, next week na ang intrams.
“Paki –basa nalang sa’kin, bes oh.” So, ayun nga, binasa ko nalang sa kanya. Besides, she told me to naman eh.
“Bes, it's from +6393233619**. Eto nakasulat.. Hey, it’s me again. Minimize stressing yourself out, okay? It is not healthy. I’ll see you in a while, linlin.–LL.” Ahh.. Another fan stalker (kung pangit) o admirer (kung gwapo) nanaman ‘to ni besh. Hay naku! Nakakainggit siya.
After kong binasa ‘yon, hindi manlang siya sumagot. Bakit? Kasi sanay na iyan. Tsaka, wala naman talagang irereply ‘yan kahit na sino pa magtext eh, except kung official , urgent or important ‘yung text. Imbes na kiligin yan, naiirita lang iyan.
“Delete mo nga yan, tapos i-block mo na rin number na iyan.” See? Sabi ko sa inyo eh!
Edi idedelete! Langkwents naman to. Ni hindi nga nagpakilala eh. Naku!
*doorbell* bzzzzz… bzz..
I went near the door then sumilip sa peeping hole para makita kung sino iyong nasa labas. And to my surprise! Ang gwapo! Parang model ng bench! Ang gwapo talaga! Sobra! Promise! OmO! Don’t tell me he’s one of Kath’s suitors? OMG! Aagawin ko talaga siya kay bessy! So, nilapit ko bibig ko sa maliit na hole.
“Sino ka? Anong kailangan mo?” Syempre, magpapadala ba ako sa kagwapuhan nya? Di porket gwapo siya eh papapasukin ko na agad. Matino ‘to noh! Amen? Amen!
“Uh.. Name’s Lawrence, Kathryn knows me. Can I talk to her?” He asked. Ano ba yan? Pati ang way ng pagtatanong nitong nilalang na ‘to, eh super cute at hot! Pero, akala niya madadaan niya ako sa mga moves niyang ganyan ah! Pwes, hindi!
“Excuse me mister whoever-you-are, she’s busy doing her—AY ANAK NG TOKNENENG NAMAN..BES?!” Napaupo ako sa sahig ng di oras. Ang sakit ng pagmumukha ko dahil dun ah! Pano ba naman, habang dutdot na dutdot yung bibig ko dun sa hole eh biglang binuksan ni bes yung pintuan! Ang sakit talaga! Huhuhu! Hinimas himas ko yung lips ko, ang sakit! Huhu! Feel na feel ko pa paghihimas sa NAMAMAGA kong lips nang biglang may kamay na sumulpot sa harap ko at hinila pabukas 'yung pintuan. Oww ha!
“Need a help?” Sabi ni Lawrence na ngayon ay nakapasok na pala at sa kasalukuyan ay nasa harap ko. Awwww, ang sweet niya ha! Tinanggap ko naman ang kamay niya at tinulungan nga niya akong tumayo. Kaya ko kayang tumayo, yung lips ko naman yung masakit eh. Sana dun nalang niya ako tinulungan no? Hihihi! Landi ko. Wahihi!
“ARAY!” Harujusko po! Hinampas lang naman po ako ng unan! Jusko! Ang sakit na nga ng labi ko, dinagdagan pa ni bes! Huhuhu, ayoko na! Talo na ako!
“HAHAHAHAHAHAHAHA! / HAHAHAHAHAHAHA!” OmO? Sabay sila tumawa. OmO.. Para akong nasa heaven na pinapanood ang dalawang anghel na tumatawa. OmO! Nakatunganga lang ako habang naka jaw-drop. Ang sarap nila sa matang tignan. Wow. Pwede na akong mamatay bukas. Joke!
Nakatitig lang ako sa kanila nang mapansin nila ang ginagawa ko. Tumahimik sila. :| ay?
"...." Biglang sumeryoso ang mukha ni Lawrence habang nakatingin kay bes Kathryn.
"Can I talk to you, Linlin?" Tanong ni Lawrence habang nakatingin sa mga mata ni bes.
"Umm.. Sige. Pero--" -bes
"Nah uh uh! Lawrence, kahit na gwapo ka pa, hindi ko hahayaang sumama sa'yo ang bes ko, lalo na't hindi naman kita ka-close!" hihihi, segway!
"Ah.. Ganun ba? Sige, sama ka nalang. Pero, huwag kang makikinig sa pag-uusapan namin ah, medyo personal kasi to, Ez eh.. Is that okay with you?" Tapos nag smile siya shyly at tinignan niya ako ng tingin na namemersuade na payagan ko. OMG! May magagawa pa ba ako?
"Hmm.. Sige na nga, bes!"
So, ayun na nga, kasalukuyan kaming nasa playground ngayon. Ako, nakaswing lang, hindi naman kasi ako pwedeng makinig sa pinag-uusapan nila eh. Masunurin naman ako, so yeah. Habang nagsswing ako, tinitignan ko, syempre, sila bes. Baka kung ano na ang ginawa nung Lawrence na 'yun no!
Ang seryoso naman nilang dalawa. Si bes, mamula-mula na. Sige lang, malalaman ko rin kung anong pinag-usapan nyo sa tamang panahon. Meaning, malalaman ko yan pagkauwi na namin! Yeheeey! So, maka-idlip nga muna. Wala naman sigurong gagawing masama si Lawrence eh. Hmm.. Sinandal ko ang ulo ko sa tali ng swing at pumikit.

BINABASA MO ANG
Campus Hunks
RomanceIt's supposed to be, "Double the trouble". Now, why Quadruplets?