PWEDE ba kitang puntahan mamaya?
Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ko ng mabasa ko ang text galing kay Gilbert. Kaagad na gumanda ang umaga ko pagkabukas ko ng cellphone ko ng ito ang bumungad sa'akin.
Ala sais palang ng umaga at gising na ako dahil sa meeting na kailangan kong puntahan para sa bagong product company na kumuha sa'kin bilang endorser, kung kaya't kailangan kong maghanda at pumunta ng maaga sa agency ni Ms. Pia, ang manager ko.
TO: My Gilbert: Oo naman. Bakit kailangan mo pang magtanong?
Wala pa ang ilang minuto mula ng reply ako ay nakatanggap na kaagad ako ng sagot galing sa'kanya.
FROM: My Gilbert: Napanuod kita, nagpainterview ka.
Napabuga ako ng malalim na hininga dahil sa bigat na naramdaman ko sa aking dibdib dahil sa nabasa ko.
TO: My Girlbert: I'm sorry...
FROM: My Gilbert: Walang kaso 'yun. Naiintindihan kita. Namiss lang kita kaya gusto kitang makita, pupuntahan kita mamaya pagkatapos ko sa trabaho.
TO: My Gilbert: I'm sorry. Magkita tayo mamaya okay? I miss you! I love you!
FROM: My Gilbert: Mahal din kita, Lora.
Matagal na nakatitig lang ako sa reply ni Gilbert at masayang tumayo at naghanda para sa aking pupuntahan.
"BUTI naman at maaga kang nagising." Bungad sa akin ng akin ni Ms. Pia pagkadating ko sa opisina ng company agency namin.
Hindi ko muna siya sinagot at umupo muna ako sa upuang nasa harapan niya. "Gusto ko matapos kaagad ang meeting mamaya, may lakad ako." Diretsong sabi ko.
Nagbuntong hininga muna si Ms. Pia sa'kin bago sumagot "Please don't say na magkikita kayo ni Gilbert."
"Magkikita kami ni Gilbert." Walang pag aalinlangan na sinabi ko sa'kanya.
Dahil sa naging sagot ko ay nakita ko ang pag kunot noo ng manager ko.
"Nasa kalagitnaan ng promotion ang bago mong movie Lora. Sana isipin mo ang magiging epekto niyang pakikipag kita mo kay Gilbert kapag may nakahuli sa'inyo."
"Walang makakakita samin, okay? Sa bahay lang niya kami, hindi kami lalabas. Pero susunduin niya ako after ng meeting." Agad na umiling si Ms. Pia sa ideya na susunduin ako ni Gilbert.
"Jusko, huwag kang magpa sundo sa'kanya rito Lora! Marami ang mga fans mo ang nakaaligid dito sa building, paano kung makita ka ng mga fans mo na may sumundo sa'yo? Ha?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Matagal na akong sinusundo ni Gilbert dito, hindi na bago 'yon. Lalabas ako ng building ng naka disguise. Naka suot ng helmet at jacket. Ganun naman palagi. Ano naman ang pinagkaibahan ngayon?" Nagtatakang tanong ko dahil matagal na naming set up ni Gilbert ang pag sundo sa akin dito sa company building. Susunduin niya ako sa parking lot, naka helmet at jacket ako dahil naka motor si Gilbert, kaya malabo ang may makakita sakin na fans.
"Ang pinagkaiba ay kasagsagan ng promotion mo ng movie niyo ni William." Maikling lintaya ng manager ko na parang nandun na ang lahat ng paliwanag niya sa sitwasyon.
"So?" Nagtataka na tanong ko.
Nagbuntong hininga muna ang manager ko bago sumagot, "So sana, si William ang maging kasa-kasama mo muna. Alam mo na, para humatak sa mga tao. Ma-curious sa'inyong dalawa."
"Pinaliwanag ko na s interview ko nitong huli na walang something samin ni William, hindi ba? Kaya bakit pa?"
"Pag iisipin lang natin ang mga fans ninyo, ang mga manunuod, para sa maintriga sila kung may something ba sa'inyo o wala. Kailangan din natin 'to for movie promotion."
BINABASA MO ANG
Gilbert Loves You
RomanceSi Lora Santillian ay isang sikat na modelo at artista. Kilala siya sa loob at labas ng bansa dahil sa kaniyang mala anghel na kagandahan at husay sa pag arte. Mula pagkabata ay pangarap na ni Lora ang maging isang sikat na artista kung kaya't gagaw...