"EVERYTHING is okay for me. Wala naman akong gustong i-alis sa proposal niyo para sa commercial. Everything is good actually. Thank you for giving me this opportunity." Magalang at masaya 'kong sabi kay Ms. Hannah.
Pagkabalik ko ng conference room matapos ang pag uusap namin ni Gilbert at itinuon ko na muna ang atensyon ko sa meeting para agad na matapos. Hindi na ako makapaghintay na makita si Gilbert.
Ngumit naman sa akin si Ms. Hannah "Salamat naman at okay sa'inyo ang lahat Ms. Lora. Mabuti nalang at hindi ka mapili sa mga projects at mga gustong ipagawa sa'yo."
Umiling ako sa sinabi niya bilang tugon, "Nako po, mapili rin naman po ako, pero dahil maganda po ang proposal ninyo, ay okay na kaagad po sa akin. Approved naman ang lahat na nandito, walang problema sa script and all."
Binalik ko ang tingin sa manuscript at tinignan ko ang first page kung saan napansin ko na unknown pa ang male partner ko. Inangat ko ang tingin kay Ms. Hannah at nagtanong, "Pero I just have a question pala regarding sa partner ko rito sa commercial, wala pa? Do you have to do an audition first?"
Umiling naman kaagad si Ms. Hannah "No. Actually meron na kaming target for your partner, pero hindi pa kasi ina-accept ang meeting na inarrange ko for agreement kaya hindi pa namin pwede i-include ang name kasi baka tanggihan pa."
Tumango ako sa'kanya at agad na tumayo.
Tumayo narin sila at si Ms. Pia sa tabi ko. Agad na inabot ni Ms. Hannah ang kamay niya kay Ms. Pia para makipag kamay at sunod naman sa akin.
"Thank you for your time Ms. Lora, Ms. Pia. Thank you for accepting this project with us."
"Thank you for choosing me as your new endorser. Thank you po." Nginitian ko ang lahat ng tao na nasa conference room.
"Thank you. I'll set a new meeting nalang if inaccept na ng target partner namin para sa'yo ang proposal. If not we'll look for another nalang at mag papa-audition. Then para makapag start na tayo ng shoot for first set ng commercial."
Sumangayon ako at si Ms. Pia sa sinabi ni Ms. Hannah at sabay na kaming lumabas ng conference room para kumain ng sabay sabay.
"DO I look good?" Humarap ako kay Ms. Pia at umikot ng ilang beses.
Mapanuya na ngumiti sa akin si Ms. Pia "Yeah you look good wearing a jeans, leather jacket, a boots and a freaking helmet. You look so great. You should always wear that."
Nginitian ko siya ng matamis at hindi pinansin ang pang aasar niya. Humarap akong muli sa salamin at tinignan ang sarili ko.
I was wearing as what Ms. Pia described. Jeans, black leather jacket, boots and of course helmet.
Tinanggal ko muna ang helmet at sinuklay muli ang buhok ko.
Gusto ko pagka kita ulit namin ni Gilbert after 2 weeks ay magandang maganda ako. I miss him so much that I can kiss him the moment I will see him.
Sa isipan na mayayakap ko siya at mahahalikan muli ay uminit ang mukha ko. Napahawak ako sa pisngi ko habang nakatitig sa salamin.
"Lora. Huwag mong ipahalata masyado na may iniisip ka ng masama sa utak mo kapag nag kita na kayo mamaya. Mahiya ka ng konti." Bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang sinabi ni Ms. Pia.
Nakasimangot na tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin, "Ms. Pia naman! Wala akong iniisip na masama 'no." Inirapan ko siya at inayos muli ang buhok ko.
Hindi sumagot si Ms. Pia sa sinabi at sapagkat ay tinuro niya ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa niya.
"Tumatawag na ang Gilbert mo. Baka nandiyan na sa baba."
BINABASA MO ANG
Gilbert Loves You
RomanceSi Lora Santillian ay isang sikat na modelo at artista. Kilala siya sa loob at labas ng bansa dahil sa kaniyang mala anghel na kagandahan at husay sa pag arte. Mula pagkabata ay pangarap na ni Lora ang maging isang sikat na artista kung kaya't gagaw...