Chapter 3

37 3 0
                                    

HINDI ko maipaliwanag ang nararamdamn sa mga sandali. Parang ano mang oras ay bibigay ang mga tuhod ko at babagsak sa sahig, ngunit dahil sa mahigpit na yakap niya sa aking bewang ay nanatili akong nakatayo at tumutugon sa malalim at mainit niyang halik.

Pinutol ni Gilbert ang halik pero hindi niya inilayo ang mga labi sa akin, "Namiss kita.." bulong niya.

Ngumit ako at pumikit, dinadama ang mainit na emosyon na dumaloy sa aking dibdib.

"I miss you too..." dumilat ako tumingin sa mga mapupungay niyang mata.

Hinawakan niya ang aking pisngi at muling pinagpatuloy ang halik na ngayon ay mas higit na malalim at mapusok kesa sa una.

"Gilbert..." mahinang daing ko ng bumaba ang mga halik niya sa aking leeg.

"Hmmm..." gumapang ang aking kamay sa kaniyang buhok at mahigpit na napakapit duon.

Gumapang ang mainit na labi ni Gilbert patungo sa aking leeg, likod ng tenga, pisngi at muling bumalik sa aking labi.

Nang mag tagpo muli ang aming mga labi ay mas lalo akong nawala sa sarili at ng bigla niya akong hawakan sa aking pang upo at inanganat para buhatin.

Naramdaman ko ang pagngiti ni Gilbert ng mabuhat niya ako at naglakad dahan dahan patungo sa loob ng kaniyang kwarto.


"MAGIGING busy ka ba sa mga darating na araw?"

Hindi ako kaagad tumugon sa tanong ni Gilbert at nanatiling nakatitig sa kamay niyang hawak ko habang yakap niya ako mula sa likuran, pareho kaming nakatalukbong lamang ng kumot.

Naramdaman ko hininga ni Gilbert sa aking leeg at ang pagpatong ng baba niya sa pagitan ng aking leeg at balikat. Hinalikan niya ang mga pisngi ko.

Nilingon ko siya at nginitian. "Oo. Magiging busy ako."

Nakita ko ang pagkadismaya na dumaan sa kaniyang mga mata pero kagad ding nawala ng ngumiti siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

Tumango siya "Okay..." bumalik siya sa pagkakayakap sa aking likuran at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Pero hindi porket busy ako, hindi na tayo mag kikita, no!"

Narinig ko ang kaniyang mahinang tawa na ng dulot ng kiliti sa aking katawan.

Inalis ko ang kaniyang braso na nakayakap sa akin at hinarap siya.

"Love hindi porket magiging busy ako, hindi na tayo magkikita ha? You know I can always make time for you, kahit gaano pa ako busy. Kapag kaya kong isingit sa schedule ko, gagawin ko, katulad ng dati." Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Okay. Katulad ng dati." Maikli niyang tugon at hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya at dinala sa kaniyang labi.

Para akong nasa alapaap dahil sa ginawa niya. Sobrang namiss ko siya.

Hinaplos ko ang buhok niya gamit ang kabila kong kamay na hindi niya hawak.

"Aren't you going to ask me about the interview?" Tanong ko habang patuloy sa paghaplos sa buhok niya.

Pumikit siya bago sumagot at habang nasa labi parin niya ang kamay ko.

"Hmmm...hindi. Hindi ko kailangan kwestyunin ang ginawa mo, Mahal. Kasi alam ko trabaho mo 'yon. At alam ko naman na kailangan mo 'yung gawin " Dumilat siya at banayad na ngumiti sa akin.

"Thank you for understanding me, Love. But still, gusto ko mag sorry sa'yo dahil alam kong nasasaktan kita kahit hindi ko intensyon na gawin. Sorry talaga." Lumapit ako sa'kanya at yumakap.

"Wala iyon, Mahal. Sabi mo nga hindi mo intensyon. Kaya wala kang dapat ika-hingi ng tawad. Mahal mo ako, mahal kita. Ayun ang importante sa akin. Wala ng iba."




"HOYYY" sigaw ko mula sa pintuan habang nakatingin kay Gilbert na nakaupo sa damo at nakatitig sa mga hawak nitong bato.

Inis na lumapit ako sa kinaroroonan nito at binatukan kaya napatingin ito sa akin habang hawak ang ulo.

"Aray. Bakit mo 'yon ginawa?" Mahinang sabi nito habang hinihamas ang parte ng ulo na nasaktan.

Tinitigan ko ito ng masama, "Hinahanap kita kanina pa! Nandito ka lang pala. Ano nanamang ginagawa mo diyan sa mga bato."

Binaba nito ang hawak na mga bato bago tumayo at pinagpag ang mga buhangin sa short.

"Tinitignan ko lang naman sila" sabi nito at muling kumuha ng isang bato at pinunasan gamit ang laylayan ng damit niya.

"Kaya ayaw sa iyo nila Kuya Rico dahil mas gusto mo pang magtingin ng mga bato kesa sa makipag laro ng habulan sakanila eh!"

Ngumuso ito habang patuloy na pinupunasan ang bato gamit ang laylayan ng damit.

"Ayaw ko makipag laro sa kanila eh, tapos ikaw tulog ka kanina kaya naghanap nalang ako ng mga bato." Paliwanag nito.

"Hay ewan ko sa'yo Gilbert! Pinatatawag ka ni Sister Tina sakin, pumunta ka raw sa opisina niya. Kanina ka pa hinahanap nun lagot ka!" Naiinis na kinuha ko ang bato na hawak nito at tinapon, hinawakan ko ang kamay ni Gilbert at hinatak na patakbo dahil kanina pa siya hinahanap ni Sister Tina. Pati ako ay pagagalitan nun kapag lalo kaming nagtagal.

Nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisina ni Sister Tina ay binitawan ko na ang kamay niya at kumatok sa pintuan.

Nilingon ko si Gilbert sa tabi ko na nakatitig lang sa pintuan na parang ayaw buksan, itinulak ko siya para buksan na niya ang pinto "Pumasok ka na, dalian mo lagot ka na ka kay Sister Tina."

Napakamot ito sa ulo at tinitigan muna ako bago dahan dahan na binuksan ang pintuan.

Tatalikod na sana ako ng makapasok na ng tuluyan si Gilbert sa loob ng opisina ni Sister Tina, pero hindi niya naisara ang pintuan kaya nakita ko ang tao sa loob at narinig ko ang pagbati ni Sister Tina kay Gilbert.

Dahan dahan akong lumapit at sumilip sa loob ng opisina ni Sister Tina. Nakita ko na pinaupo niya si Gilbert at pinakilala sa babae at lalaki na bisita.

Napatitig ako sa babae at lalaki na nandun, pareho silang mukhang mabait at nakita ko na tuwang tuwa sila kay Gilbert ng makita ito.

"Ito ho si Gilbert, Mr. and Ms. Santillian. Magpakilala ka sa kanila iho."

#

Gilbert Loves YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon