"BERT!" mabilis akong tumakbo papalapit ng makita kong lumabas na siya sa opisina ni Sister Tina.
Napalingon ito sa akin at hinarap ako.
"Inantay mo ko Lora?" Tanong nito sa akin ng makalapit na ako sa kaniya.
Tumango ako ng sunod sunod at saka ko siya hinatak papunta sa ilalim ng punong mangga malapit sa labas ng opisina ni Sister Tina.
Nang makarating ay agad akong nagtanong ng sunod sunod sa'kaniya.
"Sino 'yung nakita ko na bisita sa opisina ni Sister?"
"Bakit ka nila pinatawag?"
"Sila ba ang mga bagong mag aampon?"
"Ikaw ba ang gusto nila?"
Nagkamot lang ng ulo si Gilbert dahil sa sunod sunod na tanong ko sa'kanya.
"Ano ba?! Kamot kamot ka nanaman ng ulo mo! Ano nga?" Inis kong tanong dahil parang nalilito pa siya kung ano ang una niyang sasagutin sa mga tanong ko.
"Pinakilala ako ni Sister Tina, sina Mr. at Mrs. Santillian daw 'yon."
"Oh tapos?" Nanlalaki ang mga mata ko habang inaantay siyang magpatuloy.
"Ako raw ang pinipili nila na ampunin." Napa iwas ng tingin sakin si Gilbert.
Ngumiti ako at niyakap si Gilbert dahil sa tuwa.
"Ang galing Gilbert! Magkaka Mama at Papa ka na. Ayaw mo ba 'yon? Ako gustong gusto ko! Kaya dapat masaya ka." Saad ko sa'kanya ng makita ko na parang hindi siya lubos na masaya na may aampon na sa'kanya.
"Masaya ako. Gusto ko rin magka pamilya. Ayaw ko na lumaki dito sa ampunan, pero pano ka Lora?" Nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niya.
Pinalo ko ang balikat niya at pilit na tumawa. "Ano ba! Hindi naman porket walang umampon sakin malulungkot na ako! Okay lang ako dito sa ampunan, dito nalang ako. Ayos lang ako dito, Gilbert."
"ANONG oras kita ihahatid sainyo?" Tanong sakin ni Gilbert habang nagluluto siya ng agahan namin, habang ako naman ay kalalabas lang sa bathroom.
Lumapit ako sa'kanya at niyakap siya mula sa likuran.
"Hmmm, mga after lunch? I want to stay longer." Pinatong ko ang baba ko sa likuran niya.
Naramdaman ko ang pag tango niya. "Sige, mahal. Kain na muna tayo."
Bumitaw ako sa'kanya at dumiretso muna sa kwarto upang magsuot ng damit.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naka handa na ang pagkain sa lamesa. Nginitian niya ako ng makita at sumenyas na umupo na.
Scramble eggs, tuyo, kamatis na may itlog na pula at sinangag ang niluto niya. Paborito kong almusal.
"Wow! Thank you for this, love" nginitian ko siya at hinawakan ang kamay.
"Para sa'yo." Nginitian niya ako pabalik at nagsandok na ng pagkain.
Pagkatapos namin kumain ng almusal ay ako naman ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. "Ako na dito, love." Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran.
Mga ilang minuto siyang tahimik bago ulit magsalita, nanatili lang siyang nakayakap sa aking likuran, naka patong ang baba sa aking balikat.
"Kelan nga ulit ang premiere ng bago mong palabas mahal?" Nilingon ko siya bago sumagot.
"Sa susunod na buwan. Gusto mo bang manuod?"
Naramdaman ko ang agad niyang pag iling, "Ayaw."
Napabuntong hininga ako at tumango, alam ko naman. Alam ko na tatanggi siya. Dahil kahit kelan naman hindi siya nanuod ng kahit anong palabas na pinagbibidahan ko. Naiintindihan ko, at nirerespeto ko kung ano ang desisyon niya.
BINABASA MO ANG
Gilbert Loves You
RomanceSi Lora Santillian ay isang sikat na modelo at artista. Kilala siya sa loob at labas ng bansa dahil sa kaniyang mala anghel na kagandahan at husay sa pag arte. Mula pagkabata ay pangarap na ni Lora ang maging isang sikat na artista kung kaya't gagaw...