"BERT! Kunwari ako 'yung babae na bida ha. Tapos ikaw 'yung leading man ko tapos dapat ililigtas mo ako bago ako mahulog sa bangin... okay?" Tinitigan ko si Bert sa mata habang naka pamewang na senyales na dapat talaga niyang gawin ang sinasabi ko.Nakakainis naman kasi itong si Bert eh. Ayaw niyang gawin lagi 'yung mga sinasabi ko kapag naglalaro na kami ng artista artistahan! Pero wala naman akong makalaro na ibang lalaki dito kundi siya lang, kaya siya na lang gagawin kong leading man. Kahit hindi niya palagi naiintindihan mga sinasabi ko.
Mas tinitigan ko siya at nginusuan ng dahan dahan lang siyang tumango saka sumagot ng "Okay..."
Mas lalong akong nainis at nag papadyak ng paa "Ang panget mo sumagot! Pero sige, dapat gawin mo 'yung sinabi ko ha. Dapat bago ako mahulog sa bangin sagipin mo na ako tapos sasabihin mo 'sorry dahil nahuli ako, pero huwag kang mag alala hindi na kita hahayaang mapahamak pa ulit, Jessica'. A'yun ang sasabihin mo ha? Ulitin mo nga." Nginitian ko siya at hinintay magsalita.
Kumunot ang noo niya bago magsalita "Eh sino naman si Jessica?" kumamot pa ito ng ulo na palagi niyang ginagawa kapag hindi niya maintindihan ang sinasabi ko sa'kanya.
Nanggigigil na lumapit ako sa kanya at saka siya sinabunutan "Jessica! A'yun iyong pangalan ko kunwari! Ano ka ba naman GIlbert! Ayoko na nga mag laro. Kasi naman eh."
Tinitigan ko siya ng masama saka ko binitawan ang buhok niya na hawak ko saka ako tumakbo papalayo sa kaniya saka lumapit sa ibang mga bata.
Sa iba nalang ako makikipag laro. Hindi naman siya marunong umarte eh! Bukas nalang ako makikipag laro sa kanya kapag hindi na ako naiinis.
Tinatawag ako ni Gilbert pero hindi ako lumingon. Bahala siya diyan, mag hanap siya ng bago niyang kalaro. Dun siya kina Kuya Rico makipaglaro para asar asarin nanaman siya pag palagi siyang natataya kapag naghahabulan sila.
Paano ba naman kasi 15 years old na si Gilbert pero hindi parin ito maayos kausap. Kung hindi mo pa siya kakausapin ay hindi ka talaga nito kikibuin. Mabait naman siya pero ayoko siyang kalaro minsan kasi nga ayaw niyang sumunod sa sinasabi ko. Pero gusto ko siyang kalaro kapag nag tataya tayaan kaming lahat ng bata dito, kasi lagi niya akong hinahayaan tayain siya. Sabi niya kawawa naman daw ako kapag ako palagi ang taya, baka daw umiyak ako at mag sumbong kina Sister Tina.
Ngumiti ako tapos lumapit kina Anna na naglalaro ng barbie doll. Lahat silang magkakaibigan may kaniya kaniyang barbie doll saka bahay bahayan pero ako wala. Hindi naman kasi ako nanghihingi ng laruan palagi kay Sister Tina eh.
"Bawal ka dito Lora." bago pa ako makalapit sa kanila pinigilan na ako ni Anna
"Ha? bakit naman Anna makikipag laro lang ako kasi wala akong kalaro eh"
Tinitigan nila ako na parang may hinahanap sila sa'akin. Nailang naman ako kaya itinago ko ang mga kamay sa likod "Eh wala ka namang barbie doll eh. Paano ka makikipag laro samin"
Ngumiti ako sa kanila "Pero pwede niyo naman akong pahiramin ng barbie doll niyo"
"Ayaw namin!" napatigil ako sa sinabi nila at ng bigla silang tumayo at lumipat ng pwesto para makalayo sa'akin.
Unti unting namuo ang luha sa mata ko at sumibi. Yumuko ako nang tuluyan ng tumulo ang luha ko at napa hikbi na ako ng tuluyan.
Kinuskos ko ang mata ko at nag lakad ng dahan dahan pero dahil hindi ko nakita ang nilalakaran ko dahil sa mga luhang humarang sa aking mga mata ay napatid ako pero bago pa ako madapa at may humatak na sa akin kaya hindi ako tuluyang nadapa't subalit ay napaupo lamang ako.
BINABASA MO ANG
Gilbert Loves You
RomanceSi Lora Santillian ay isang sikat na modelo at artista. Kilala siya sa loob at labas ng bansa dahil sa kaniyang mala anghel na kagandahan at husay sa pag arte. Mula pagkabata ay pangarap na ni Lora ang maging isang sikat na artista kung kaya't gagaw...