CHAPTER 01

22 11 4
                                    

"A-aray tay! Tama na po!"

"Anong tama na!? Gago ka! Hindi kita tatantanan! Pagod ang tao ta's wala manlang pagkain!? Anong silbe mo!? Palamunin!?"

*PAAAKKK!*

"A-ahh!"

Sabi nila, ang tunay at malakas na lalaki daw umiiyak. Tama naman sila. Pero hindi lahat ganon. Minsan ang hindi mo pag-iyak ay tanda na malakas ka. Kasi kaya mong labanan yung emosyon mo. Lalo na sa kalagayan ko, ganito lagi ang sitwasyon namin ni Tatay. Walang linggo na hindi ako nabubugbog. Wala akong laban sakanya kahit na may katangkaran ako.

Si Tatay ay isang retired taekwondo mentor. Nag retired s'ya no'ng nalulong s'ya sa sugal at droga. Gusto n'ya akong maging kagaya n'ya pero hindi ko kaya. Mahina ako physically. Wala akong sapat na lakas para sumunod sa yapak n'ya. Sabi n'ya isa daw akong walang kwentang weak na lalaki, o baka nga daw bakla ako.

Kung mahina na nga ako physically, iiyak pa ba ako? Kung iiyak ba ako, magiging malakas ba ako? Hindi. Kaya hindi ako umiiyak. At hindi ako iiyak. Ito nalang yung lakas na kaya ko eh. Ito nalang yung lakas na meron ako.

"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo! At sa tingin ko ngayon na ang takdang araw!"

Napatingin muli ako kay tatay ng sabihin n'ya yun. Biglang nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Mukang hindi maganda ang gustong sabihin ni tatay.

"Masyado ka ng naging pabigat sakin! Wala naman akong maaasahan sa lampa na kagaya mo! Kaya mabuti pa, umalis ka na sa pamamahay ko! Tutal hindi naman kita anak!"

"Hindi naman kita anak!"

"Hindi naman kita anak!"

"Hindi naman kita anak!"

Nag echo ng paulit ulit sa isip ko yung huling sinabi ni tatay.
Hindi ko alam na possible palang mangyari 'to. Bigla nalang akong napadausdos sa sahig habang nakaluhod. Hindi ko alam yung mararamdaman ko... Magagalit ba ako? Magtatanong? Basta ang alam ko ay bakas ang gulat at sakit sa aking muka. Hinang hina ang katawan ko. Hindi makapaniwalang parang napupunit ang kalooblooban ko. Nang maramdaman kong nagtutubig ang aking mata ay bigla akong napatingala sa kisame at tumawa ng pagak. Ang sakit.

"Hindi n'yo ako anak? Kasinungalingan."

Sinabi ko yun ng puno ng sakit, poot at lungkot ang boses ko. Hindi ako makapaniwala.

"Totoo 'yun! Hindi kita anak Zero! Ampon ka lang! Kaya ka nga lampa 'di ba!? Sa tingin mo may anak akong Lampa!? Wala!! Lumayas ka dito!"

Iwinasiwas ni tatay ang ang kamay sa ere at marahas na sinipa ako sa tuhod. Masakit pero pinilit kong tumayo. Ano pa bang magagawa ko? Pinapalayas na ako ng "umampon" sa akin. Ipagpipilitan ko pa ba yung bagay na hindi naman pwede? Kung pinapaalis na ako, bakit pa ako mag e-stay? Ma pride na kung ma pride, pero hindi ako magmamakaawa sakanya na patirahin pa ako ng matagal dito. Hindi mangyayari 'yon.

Tumayo ako at kinuyom ko yung mga kamao ko. Ibinato sa akin ni Papa yung isang bag ko, sinalo ko pero hindi ko nakuha. Bumagsak lang 'yun sa likod ko. See? Ganyan ako kalampa.

Napangisi ako at pinulot yung bag na sa tingin ko ay may iilang damit. Pigil ang luhang naglakad ako palabas ng pintuan. Pero bago ako tuluyang makaalis ay lumingon ako kay tatay at hindi nakalampas sa akin ang isang butil ng luha na kumawala sa kanyang mata. Hindi ko 'yon pinansin at dali daling naglakad palayo sa bahay na 'yon, sa bahay na minsan ko ng tinuring aking tahanan.

-----------

Vote and comment po pleaseee! Thank youuu!💐

Murderous ThinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon