Chapter 2

10 2 0
                                        


Natapos ang klase at nagtatanungan sila ng mga mali nila. Pero ako nahihiya ako sa score ko so itinago ko na lang at change topic pag nadadaan saken. Laking pasasalamat ko nang magyaya na sila ulit maglaro.

Dire diretso kami sa **** shop ng hindi ko namamalayan.

Naglalaro na kami nang maalala ko na lang. Hope na walang mangyaring masama sa isa samin. And buti na lang wala talaga paglabas sinabihan ko din sila agad.

"wala namang nangyari ah"

"mas maganda na ung nagiingat" sabi ko na lang.

Singit ni Rico "tara sa Tropardz na lang kase tayo pangit ng iba nilang computer d ako nakakapaglaro ng maayos diyan eh"

"pili ka lang kase ng maayos na pc"

"laro naman kase agad eh hassle pa yon" pagtatalo nila.

So in the end nahati kami ung iba nagstay sa **** shop kami sa Tropardz na lang at ang hindi ko lang matanggap unti unting nabubuwag ung grupo naming madalas magkasama. Naisip ko tuloy pagdating sakin parang ang bilis mawala.

"..."

Nagbabatian at nakakapaglaro paminsan. Paminsan na lang at padalang pa ng padalang. Tapos hinati pa ang section namin dahil kami daw ang nag-iisang animation course at punong puno pa daw sa klase. Sa kapalpakan pa nila pati ung ibang I.T course ang kinuha sa hindi mawaring dahilan bakit may napunta sa section namin ganoon din sa ibang courses.

Lahat ng kalaro ko at kabuddy buddy nasa Animation Section 1 or AS1 na lang. Napunta naman ako sa Animation Section 2 or AS2 dahil by surname and alphabetically ordered. Pati si Hani nasa AS1.

Si Caps Sukaar lang naiwan na madali kong malapitan na naging kasection ko. Sa aminin ko sa hindi madalang ko na lang ulit silang makita dahil morning classes na sila at ako nanatiling panghapon. Masaya dapat ako eh dahil panghapon choice ko.

Nadamay relationships ko sa mga kaibigan ko dahil sa school ding pinili ko.

Pinipilit kong iangat ung mood ko for 1st 3 weeks sa AS2 kasundo ko din naman silang lahat pero iba kasi ung nagsimulang magpasaya sa buhay senior high ko..

Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla akong tawagin ni Bin Moriel. Si Bin nakalaro na namin siya dati at ako pa nga humigit sa kaniya sa paglalaro ng LoL. Si Caps let's say naaakit siyang sumama samin kaso puno na palagi slot kapag naglalaro kami at sasama siya. Voluntary din siya agad na nagququit.

"ano kayang magandang gawin?" bungad ni Bin kakatapos lang ng Math subject namin at English na ang susunod and the last.

Nagbiro naman sila Colli at Kim. Sumunod sila Dexterr at Eff. Sila ung mga nakakachikahan at madalas makasundo ni Bin.

"wala eh iba trip ko ngayon"

"AY Caps laro tayo.." tapos tingin sakin si Bin na parang expectant "..Lena" sabay taas taas ng kilay.

Napangiti naman ako tanga eh no. Ambilis mapangiti.

"hahaha carry!" sigaw ni Caps.

Hindi namin nakakalaro si Caps ng sama sama pero nakakalaro ko siya kapag nakikita ko siyang nakaopen. At the time nasa shop malapit ako sa bahay. Minsan kasama ko si Sarsa.

"HEHEHEHE LENA papabuhat kami ah!" ang dami muna nilang kaechosan na pinagsasabe sakin hanggang sa dumating na ung last prof namin.

Niyaya ko naman etong transfer student naming si Patrick or Patt for short. Nagkainteres kase ako sa kaniya dahil halatang gamer siya sa mga nilalaro at nakainstall sa laptop niya. Interesado ako kase wala kaming computer or laptop sa bahay pati nga cellphone pabulok na walang wala sa trend.

BE MY GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon