Chapter 19

5.1K 181 9
                                    

Samantha

Today is my baby Sophie's Fourth birthday. Mga cartoon characters ang costumes ng mga bata. But our little princess here is wearing a dress like Sofia the First. Favorite kasi niya eto at karhyme daw ng name niya.

Our baby grow so fast, pero ganoon pa rin na malambing siya at masunoring bata. Mas matatag ang bond nila ng kanyang Daddy Riley. Yes, she calls Riley Daddy. Kilala na rin niya kung sino si Ryan sa buhay niya at tanggap naman niya lahat. Matalinong bata ang anak namin.

Our parents saying dagdagan na raw namin ng isa pang baby ang pamilya, but we always tell to them na kapag Six years old na ang baby Sophie namin. Ayos lang naman sa akin na magkaanak ulit kami ni Riley, para lumaki ang pamilya namin. And Riley wants it too.

Lots of children are playing and enjoying this day. Nandito rin ang pamilyang Reidson and their children too. Ka-age lang ni Sophie ang bunso nila na si Skyler Henley. We saw each other once sa mall at doon nagtuloy-tuloy ang aming pagkikita. Naging magkaibigan na rin ang pamilya namin. Mababait naman kasi silang pamilya.

Sophie and Henley are in the same school. Alam ko, maaga pa para ipasok sa school pero gusto lang kasi naming maaga siyang matuto. They are not best of friends. Best nemesis kaya sila minsan. Hindi sa point na nagkakasakitan sila physically, but eto kasing si Henley ay makulit. Laging kinukulit daw ang anak ko. Kaya naman ang isa, binubugnot pag nakaharap na si Henley. Sutil kasi siya, pero hindi naman namin pinapagalitan. Bata pa siya at nageexplore lang sa paligid.

"Sammy, yung anak natin nakasimangot na naman." Natatawang sabi ni Riley sa tabi ko. Tumingin naman ako sa baby namin at oo nga, nakasimangot.

Paano bang hindi sisimangot eto kung kinukulit na naman ni Henley. Napailing na lang ako sa dalawa. Nandyan kasi yung susubuan ng pagkain ni Henley si Sophie kaso yung huli ayaw pansinin ang katabi. Ayaw rin kasing sumuko ni Henley.

"Bayaan mo muna sila. Magkakasundo rin yan pag magtatagal. Parang ayaw naman sukuan ni Henley ang anak natin." Natatawa ko na ring sagot.

Sa apat na taong lumipas, kami naman ni Riley eh mas lumalim ang pagmamahalan namin. Kahit busy siya sa hospital, she always make sure na magkakatime pa rin sa amin. Ako naman, bumalik na ako sa trabaho pero hindi ako fulltime. Mas tinuon ko kasi ang oras sa anak namin. Ayos lang kay Riley eto, kasi naman passion ko rin ang pagDodoctor.

"Samantha, pasensya na ah? Ang kulit ng anak ko. Inaasar na naman ata si Sophie." It's Sabrina. Kasama niya si Joey sa tabi. Yung kambal naman nila nasa isang tabi at kumakain. Ang gagandang bata.

"Ayos lang Sabrina, magkakasundo rin ang dalawa. Kumain pa kayo ah? Madami pa namang foods diyan. Joey kain." Nakangiting sagot ko sa mag-asawa.

Tuloy-tuloy ang birthday party ng anak namin. Hanggang hapon lang eto kasi napagod na ang ibang bata.

"Mommy, thank you for this wonderful birthday party. Daddy, thank you too." Lambing ng anak namin sa aming mag-asawa. Niyakap siya ni Riley.

"For my princess Sophie, lahat ibibigay ko. Lahat gagawin ko, makita lang kita masaya anak. I love you Sophie." Humalik naman so Riley sa noo ng anak namin.

Ganito sila kasweet na dalawa. Sweet naman sa akin si Sophie, yun nga lang iba rin ang sweetness nila ni Riley.

"Samantha and Riley, tutuloy na kami. Salamat sa invitation ah, next time kayo naman ang dumayo sa bahay. Birthday kasi netong si Henley ko next month." Sila Sabrina eto. Magkakasama na silang mag-anak.

"Sure Sabrina. Asahan mo kaming dadalo sa birthday netong si Henley. Salamat sa pagpunta ha?" Humalik na ako sa pisngi nila isa-isa. Ganoon din si Riley.

Yung anak naman namin nakasimangot. Alam ko ang dahilan, kasi etong si Henley todo ngiti sa kanya. Tsk. Mga bata talaga.

"Sophie, say thank you and goodbye to Tita Sabrina and her family." Utos ko sa anak ko.

Ginawa naman niya eto at humalik isa-isa. Pero ng si Henley na, hindi niya nilapitan. Napasimangot naman ang anak nila. Pinanood lang namin ang dalawa at natatawa na.

Pero etong si Henley, ayaw talaga patalo. Lumapit kay Sophie at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ang anak naman namin ayun, nakasimangot at nakakunot noo. And what makes us shock is.

"Mommy!!!! Daddy!!!!" Hiyaw ng anak namin at naiiyak na rin.

Nagulat talaga kami sa ginawa ni Henley. Pati magulang niya hindi nakareact agad.

"Oh my! Henley! Why did you kiss Sophie? Sa lips pa. Anak naman nakakahiya sa Tita Samantha mo." Tila problemado si Sabrina sa ginawa ng anak.

Oo, hinalikan kasi niya sa lips si Sophie. At ang anak namin, ayun nagiiyak na. Face palm.

"Riley, Samantha pasensya sa ginawa ng anak namin kay Sophie. Ako ng bahala sa anak ko. Pasensya talaga." Sabi ni Joey. "Princess Sophie, sorry baby. Tito Joey's really sorry for what Henley did." Niyakap niya ang anak ko.

Nagkatinginan kami ni Riley. We are not mad sa ginawa ni Henley. We're just shock. Ang bata pa kasi alam na niya yung ganon.

"Mommy and Dada, listen to me first. Sophie will be my wife when we are old enough. I will marry Sophie. I will get her heart." Sabi ni Henley. Napatanga na naman kami.

Im not against kung sila man ang magkatuloyan someday. Ayos nga iyon kasi alam naming nasa mabuting pamilya si Sophie. Yun lang talaga, gulat.

"Henley, listen to me." Si Riley na ang kumausap dito. "We are not against on what your dreaming, pero bata pa kasi ikaw at si Sophie ko. Finish first your studies, same with Sophie, papayagan ko kayo. But for now, dude distansya muna sa anak ko ah? Naintindihan mo si Tito Riley?" Nakangiting sabi ni Riley sa bata.

"Yes po and Im sorry Sophie. You didn't hug me a while ago when you are saying goodbye to them. That's why, I got little pissed off. But Im sorry." Sincere namang sabi ng Henley. Hindi sumagot ang anak ko na naka tago sa likod ko.

I just hold Henley's face and smile to her. Bata pa sila, madami pa silang pwedeng maranasan.

The Reidson family went home. Okay na ang anak namin kasi wala na daw mangungulit sa kanya.

We are now laying on our bed. Tatlo kaming nakahiga at sa gitna si Sophie namin. Si Sophie, may sarili ng kwarto sa bahay. Dito na kami nakatira sa bahay nila Riley. Ayaw kami payagang umalis kasi malaki naman daw dito.

"Anak, Happy Birthday. We love you, always remember that. Kahit malaki kana ikaw pa rin ang baby namin." Sabi ko sa anak naming inaantok na.

"You are the best gift we received when you were born. Ikaw ang nagpatatag sa samahan namin ng Mommy mo. At sayo kami kumukuha ng inspirasyon para pagbutihin ang pagpapalaki sayo. Daddy loves you so much anak." Humalik na siya sa noo ng anak naming tulog na. Pagod talaga siya.

"Remember this Samantha, what ever happens, ikaw at ikaw lang ang taong mamahalin ko, kayo ni Sophie. Kung sa pagtanda natin, makalimot man ako, pero etong puso ko hindi kayo kakalimotan. I love you and baby Sophie." Sabi niya.

Ako na ang unang humalik sa kanya. Hindi naman kami tatagal ng ganito kung hindi talaga namin mahal ang isa't isa. Kakayanin namin lahat ng problemang darating. Ipaglalaban namin ang pamilyang aming binuo.

My Brother's FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon