Chapter 32

4K 152 3
                                    

Riley

Dahil sa pagkakahulog ko sa kama, tumama ang ulo ko sa sahig at dahil doon, mga ala-ala ko ay bumalik na. Masakit man ang ulo ko ngunit masaya ako kasi nakaka alala na ako. Naiiyak na tuloy ako.

"Sorry, bangon ka na. Di ko talaga sinasadya mahal ko." Si Sammy.

May luha sa mga mata ko ngayon, luha galing sa saya. Na sa wakas, hindi na mahihirapan ang pamilya ko, hindi na mahihirapan ang asawa at anak ko.

Tumango ako at naupo sa kama. Hawak ko pa rin ang nasaktang ulo. Lumapit naman sa akin si Sammy at hinawakan ang ulo.

"May bukol pa ata, sorry talaga Riley." Nag-aalala pa rin siya.

Tumayo ako at niyakap siya kasama ang anak naming si Silver.

"Ayos lang mahal ko, medyo masakit lang siya pero mawawala rin. I love you Samantha." Pahayag ko sa kanya.

Hindi ko muna sasabihin na naka alala na ako, gusto kong surpresahin ang asawa ko. Gusto kong suklian ang paghihirap at pag-aalaga niya sa akin.

"I love you too Riley. Hawakan mo muna si Silver magbibihis lang ako. Medyo naiirita na ako down there." At natawa na lang kami.

Paano bitin lang naman kaming pareho pero ayos lang, kasi may mas maganda namang nangyari sa akin at doon nagpapasalamat ako sa diyos na binalik na sa akin ang ala-ala ko.

"Huwag na, itutuloy naman natin mamaya diba?" At tumaas baba ang kilay ko. Natawa na lang siya at binigay sa akin si Silver at pumasok sa banyo para magpalit.

Lumapit ako kay Sophie na mahimbing ang tulog, namiss ko ang anak kong eto. Ang laki na niya at alam kong paglaki neto, magiging kasing ganda ng Mommy niya.

"I miss you anak, ngayong nakaka alala na si Daddy, magagawa na natin ang mga ginagawa dati. Matuturuan na ulit kita about sa pagdodoctor. I love you." At humalik ako sa kanyang noo.

Hawak ko si Silver at nasa tabi lang ako ni Sophie ng lumabas na eto sa banyo. Nakapalit na rin siya ng nighties niya.

"Dito na si Silver, gutom pa kasi yan. Dito na kayo para makatulog na tayo." Sabi niya at tumungo naman kami ng bata sa kama namin.

Maingat kong binaba si Silver sa kama at si Samantha naman ay nahiga na para padedehin ang anak namin. Tumabi na rin ako kay Samantha sa paghiga at niyakap siya patalikod.

"I love you, my Sammy." At napatingin sa akin, nagtatanong na mga mata. Ngayon ko lang kasi siya tinawag sa pangalang iyon. "Goodnight, Silver and Sophie. Goodnight mahal ko." At humalik ako sa noo niya at niyakap siya.

Alam kong nagtataka na siya sa sinabi ko pero hindi muna ako aamin. Hindi muna.

Kinaumagahan, ang gaan ng aking pakiramdam. Ang saya ng pakiramdam ko. Nakayakap sa akin si Samantha habang tulog pa. Ang mga anak naman namin ay nasa kanya nilang kama. Si Sophie sa kama niya at si Silver sa crib.

Ang ganda ng asawa ko kahit tulog. Kahit makikita mong puyat dahil sa pag-aalaga sa bata hindi pa rin nawawala ang kagandahan niya. Ang swerte kong tao dahil siya ang napangasawa ko.

Tumingin naman ako sa orasan at alas sais pa lang naman pero kailangan kong bumangon para maghanda ng breakfast namin. Namiss ko etong gawin. Babangon na sana ako ng magsalita siya.

"Maaga pa mahal ko, mamaya kana bumango." Inaantok niyang sabi.

Nakapikit lang ang mga mata niya habang nagsasalita. Kaya naman hinalikan ko muna siya sa labi.

"Good morning mahal ko, sige tulog ka muna." At mas humigpit ang yakap niya sa akin. Ganoon na rin ang ginawa ko.

Mga tawa ng bata ang aking naririnig at doon ako nagising ulit. Pagmulat ko ng mga mata, nasa kama namin ang dalawang anak namin at si Samantha naman sa kabilang bahagi ng kama.

Nilalaro nila si Silver at panay naman ang tawa neto. Nakakatuwang tingnan na masaya at kumpleto kaming mag-anak.

"Good morning mga anak, good morning din sa mahal kong asawa." Bati ko sa kanila.

Agad akong hinalikan ni Sophie at yumakap, gumanti naman ako sa kanyang ginawa.

"Good morning Daddy and Silver said Good morning too." Si Sophie.

Natawa naman kami ni Samantha dahil sa sinabi ni Sophie. Speaker na pala siya ni Silver ah.

Bumangon na ako at inayos si Sophie sa pagkaka upo. Humarap naman ako sa batang nilalaro nila at mulat na mulat ang mata.

"Good morning handsome. Ang gwapo talaga ng anak ko, kamukha ni Daddy diba?" Humagikhik naman si Silver at lahat kami ay natawa. Ang cute!

"Good morning again to my beautiful wife." At humalik ako sa asawa ko. Ang ganda at sexy niya talaga.

"Good morning too Daddy." Sabi ni Samantha.

Nagtuloy lang kami sa paglalaro at hangang sa mapagod ang mga bata.

"Tama na yan, baba na tayo para magbreakfast. Sophie halika na anak, si Daddy na ang kakarga kay Silver." Utos ng asawa ko.

Bumababa naman kami at hawak ko si Silver habang si Sophie naman ay kay Samantha. Naroon ang buo kong pamilya at ang saya dahil sa pati sila eh naaalala ko na sila.

Masaya kaming nag agahan at namiss ko eto. Hindi ko muna sasabihin sa lahat na nakaka alala na ako. May gusto kasi akong gawin para sa kanila.

Pinapaligoan ni Sammy ngayon si Silver dito sa banyo namin at kami naman ni Sophie eh nanonood. Iyak ng iyak si Silver kasi ayaw niya magpaligo.

"Anak tapos na oh. Huwag ka ng umiyak, love ka ni Mommy. Tama na baby bunso." Pag papatahan niya kay Silver.

Tapos na rin namang maligo ito at yun nga nag-iiyak pa rin. Nilapag naman niya sa kama si Silver at ako na ang nagpalit sa bata.

"Tahan na bunso ko, bibihisan kana ni Daddy. Ayaw mo bang maligo? Eh babantot ka niyan, bawas pogi points sa mga chicks pag mabaho ka baby bunso. Tignan mo si Daddy, laging mabango kaya gustong gusto ako ng Mommy amoyin." Kausap ko sa anak namin.

Parang naiintindihan naman niya ako kasi nagsasalita siya na siya lang ang nakakaintindi rin. Tumahan na rin siya sa pag-iyak.

"Ikaw Riley ah, ang bata pa ni Silver kung ano-ano ng pinagsasabi mo." Saway sa akin ni Samantha.

Kagagaling lang sa banyo para ayusin yung ginamit pampaligo ni Silver. Ang sexy niya sa suot niyang short shorts. Ang kinis ng legs! Ang hot ng asawa ko!

"Eh lalaki naman siyang responsable at ako ang magtuturo sa kanya. Hindi ko hahayaang mapariwara ang mga anak natin. Tuturuan ko sila ng mabuti."

My Brother's FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon