Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Tracey sa pangalawang beses na paglalapat ng kanilang mga labi ng binata. Patuloy nitong sinibasib ng masuyong halik ang kanyang mga labi na animo ito'y biglang maglaho kung papakawalan nito. Hindi niya maitatangging nagustuhan niya ang paraan ng paghalik nito na parang isa siyang babasaging kristal na pinakaiingatan para hindi mabasag at masaktan, isang patunay ang unti unti niyang pagtugon sa malalim nitong paghalik sa kanya at pagpulupot ng kanyang mga kamay sa batok nito.
'Santa Maria, Tracey Jane maghunos dili ka, nagiging marupok ka na. Baka mabuntis ka niyan' kausap ng isip niya.
'Masarap eh' sagot kabilang parte ng isip niya.
'Ang landi mo teh' anang kontrabidang isip niya.
Bago pa siya malunod ng tuluyan ay kusa nang bumitiw ang binata sa kanilang maalab na halikan. Parang gusto niyang habulin ang nguso nitong unti unting lumalayo sa kanya. Nakakainis, ang sarap eh. Ganun pala kapag nahalikan ka na, nakakaadik.
"Anong iniisip ng baby ko?"
"Gusto ko pa... este bakit ka ba nanggugulat?" Muntik niya pa tuloy maisaboses ang kalandian niya. Bakit kasi ito bumubulong sa tainga niya. Nakakadarang tuloy.
Natawa ito. At saka kanina niya pa napapansin itong bumubulong. Bakit ba ito bulong ng bulong?
"Bakit ka ba bumubulong?" Pabulong niyang tanong dito. Ayan tuloy bumubulong din siya.
"Because they're at the door" agad siyang napabaling sa pintuan ng silid at nandoon ang kaibigan niyang ang laki ng ngisi na may halong pang-aasar kasama ang mga magulang niya na may mga ngiting nakakaloko, ang sarap pag-uuntugin, pinagkaisahan yata ako. Bigla siyang namula at humigpit ang kapit niya kay Drix.
"Tell me, kanina pa sila doon?" She whispered. Tuluyan na nga siyang napabulong. 'Santa Maria naman' How to make an escape?.
"Yup" sagot nito kaya nahampas niya ito sa tagiliran.
"Did they see us kissing?" Nanlaki ang mga mata niyang tanong dito.
"Hmm, what do you think?" Sagot nitong may nanunudyong kindat.
Santa Maria naman, Uhg!. Nasaan ang privacy. Justice please?. Pakiramdam niya pulang pula na siya sa hiya.
"Nakakainis ka, I hate you!" Kinurot niya ang tagiliran nito.
"Its ok baby, they only witnessed the last kiss we shared." Saad nito.
"How do you know?" tanong niya.
"I have eyes watching over there." Paliwanag nito.
Nakahinga siya ng malalim.
"But still they saw us kissed." reklamo niya.
"What's wrong with a kiss, your my girlfriend and I'm your boyfriend."sagot nito.
Yeah, but only for a show. Gusto niyang isagot dito. Bakit parang naghihinayang siyang pagpapanggap lang ang gagawin nilang ito.
Nasaan na ang sumpa niyang ayaw sa mga kabaro ni Adan?. Dapat niya iyong panindigan. Ay Santa Maria Elementary School naman oh. Kani-kanina lang ay halos mapudpod na ang nguso niya sa halikan nila ng binata. Nasaan ang paninindigan niya doon?. Wow!, just wow!.
Napabalik siya sa katinuan nang may kumatok. Ang mga viewers nila pala sa pintuan. Kumatok pa talaga eh, napaismid siya.
"Hey, are you guys good?" Ang kuya niya ang nagsalita. Nagkunwari siyang inayos ang higaan niya at tuluyang humiga doon. Wala siyang lakas na salubungin ang mga tingin ng mga ito. Ayaw niyang makita ang mga tinging mapang-sar. Yyng to too pamilya ko ba talaga sila?
BINABASA MO ANG
Will You Catch Me Falling? (COMPLETED)
General FictionTwo people from different world of career. They clashed upon their first meeting, there is war when they met on the second time and what will happen on the third time they will meet? Or will there be a third time and so on? Drix and Tracey Story