Ibinato ni Tracey ang huling crumpled sheet of band paper sa inis dahil kanina pa siya nakaupo, nakaharap sa mesa, nag-iisip at nagsusulat ng magandang script ngunit palaging nauwi sa trash can na ngayon ay umaapaw na ang mga lukot na papel. Kasalukuyan siyang nasa porch ng bahay ni Drix. Tamang tama at magandang lugar para sa kanyang pag-iisip sana. May nakalagay ding katamtamang laki na mesa na kasalukuyan niyang ginagamit ngunit walang laman ang utak niya't hindi mapiga piga na kahit konting katas ay walang lumalabas, ayaw talaga gumana.
Sinubukan niya muling magformulate ng isa pang script ngunit ganon parin ang resulta kaya buong lakas niyang hinagis ang nangangalahating bawas na rim ng bandpaper na nasa mesa saka yumukyok sa mesa dahil sa frustration.
"Aray!, aray!, a-aray! "
Mabilis siyang napabalikwas at sinino ang taong umaaray.
"T-timmy?!! " mabilis na nilapitan niya ito. "Anong nangyari sayo? " nagtataka niyang tanong dito.
"Bruha ka!, hindi ko lang naman nakita ang isang rim ng bandpaper na lumitaw sa ere at naglanding sa mahal kung noo, mabuti sana kung si Hyun Bin yun ng Crash Landing on You dahil kahit magkabukol ako na ilang beses at kahit maglanding pa siya ng maraming beses ay OK lang, magkakaroon pa ako ng chance na mahawakan ang oh so yummy body---Aray!!! Ano ba?!! bruha ka, bakit ka namamatok? Hindi ka pa nakuntento sa bukol ko at dadagdagan mo pa , ha?" masama ang mukha nitong bumaling sa kanya.
Pinipigil niya ang matawa dahil baka sabunutan siya nito ng wala sa oras. Ang laking bakla pa naman nito. Ang macho pa.
"Sorry po, ang layo lang kasi ng narating ng bunganga mo friend, " pangunahing bungad palang kasi sa kanya ang dami nang nasabi. "Bakit din kasi sumusulpot ka diyan basta basta? para kang kabote, halika sa loob at lagyan natin yan yelo. " Hinila niya ito papasok .
"Hello?, ikaw kaya itong parang siraulong kinakausap ang sarili, kawawa naman ang mga bandpaper. Minurder mo, wala namang kasalanan sayo." anito sa kanya habang naglalakad sila patungong kusina. "Ano ba kasi ang pinagsusulat mo doon? May pahagis hagis ka pang nalalaman, isang rim pa, bruha ka masakit ha." Nakaismid nitong sabi sa kanya.
Nag-iisip kasi siya ng magandang sasabihin para sa break-up scene nilang dalawa ni Drix. Iyong may magandang kalalabasan sa mga mata ng tao.
Ang daming pumasok sa isip niya, mayroong aawayin niya kunwari ang binata, o kaya ay may pinagseselosan siya na nauwi sa away, may senaryo pang siya ang nakikipagbreak dito dahil hindi daw niya ito totoong mahal dahil patay ang kuko nito sa kalingkingan, at marami pang iba. At ang lahat ng script na iyon ay 3 points shoot sa trash can. Ang galing niya, sobra. Tahimik siyang napabuntong hininga.
"Trace? "
Nanumbalik siya mula sa pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Timmy.
"Tulaley Ateng?, ang sabi ko anong pinagsusulat mo doon? " ulit nito sa tanong.
"Ha? Over ka naman Timitanio, correction Timitanio, kalahating rim lang yun ng band paper noh hindi isa, ang OA nito at saka wala lang yon, naisipan ko kasing sumubok magsulat ng script, pampalipas oras lang." Palusot niya.
"Bruha ka, it's Timmy not Timitanio, ang bansot ng Timitanio, parang irmetanyo. Paano na lang kapag narinig ka ng crush ko? Matuturn off yun... "
"Si Lee Min Hu? " agaw niya sa sasabihin pa nito.
"Hindi nuh, May bago na ngayon akong crush, nako ateng, pupunta siya dito sa Pilipinas." Kilig nitong saad.
"Hmn, talaga ? Sino? " tanong niya.
"Si Hyun Bin, manood ka kasi ng CLOY, Ayyyy.!,, nako bruha manood ka, may isa pa akong crush doon, yung isang member ng team ni Captain Rie, nako dai makalaglag panty!!!! Siya ang pinakagwapo doon." impit itong tumitili dahil sa kilig.
BINABASA MO ANG
Will You Catch Me Falling? (COMPLETED)
Ficción GeneralTwo people from different world of career. They clashed upon their first meeting, there is war when they met on the second time and what will happen on the third time they will meet? Or will there be a third time and so on? Drix and Tracey Story