Again, the entire series will contain strong language and sensitive themes. If you are not comfortable, you can just skip the story.
***"Lintik na bata ka talaga, Dani!"
Hinarap ko ang ina ko na ngayon ay umuusok na ang ilong sa subrang galit.
"What?" Walang emosyon kong tanong sakan'ya.
"Kaya ang pangit ng ugali mo kasi hindi ka nagsisimba!" Galit na galit n'yang sigaw saka ako tinuro.
"Saan ka nanaman pupunta?! Linggo ngayon, puro nalang lakwatsa ang alam mo! Gabi na magtigil ka!"Huminga ako ng malalim. They seriously want me to go to church with them pagkatapos nilang pag-chismisan ang anak ng kapit-bahay namin na buntis daw at lait-laitin ito.
Fuck, society. Lahat makasalanan, lahat binabantayan ang kasalanan ng iba. Parang mga CCTV kung bantayan ang mga kinikilos mo.
Napatingin ako sa ina kong naka-pamewang.
Kung sino pa 'yong palaging nagsisimba sila pa 'yong matataas ng sungay.
"Hindi po ako sasama sainyo." Sabi ko.
"May lakad po ako, importante.""Tangina mo, Dani! 'Wag na 'wag kang uuwi dito na buntis at mapapatay talaga kitang bata ka! Ka-babaeng tao gala ng gala, marami pang kasamang lalaki! Hindi kita pinalaking malandi!"
Hindi ko na nasundan ang mga sinabi nito dahil lumayo na ako sa bahay.
Nakaka-suffocate.
Lintik na pamilya.
Habang naglalakad ako sa kung saan ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga salitang laging tinatawag saakin ng pamilya ko.
Malandi, Demonyo, Walang-kwenta at kung ano-ano pa.
Noon ay iniiyakan ko pa 'yon pero ngayon ay parang namanhid na ako. Normal nalang saakin ang tawagin akong ganoon.
Pagkatapos nilang pagsabihan ako ng mga masasakit na salita ay may mukha pa silang ihaharap sa simbahan. Mga ipokrita.
Lakad ako ng lakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Malamig, buti nalang at suot ko ang hoodie ko.
Dumaan ako sa isang flyover hanggang sa may naaninag akong tao sa unahan dahilan para mapahinto ako paglalakad.
Tumaas ang isa kong kilay habang pinagmamasdan s'ya.
Mukhang tatalon.
Ayon sa datos ng world health organization, tumataas na ang bilang ng mga nagpapakamatay taon-taon.
Hindi ko naman sila masisisi dahil napakagulo at nakakapagod mabuhay sa lintik na mundong 'to.
Pinanganak nila ako, hindi man lang ako tinanong ng Dios kung gusto ko bang mabuhay o hindi.
"Hoy!" Tawag ko sa lalaki.
Medyo nakaramdam ako ng kaba nang muntik na s'yang mahulog dahil sa gulat sa pagtawag ko.
Bumuga ako ng hangin saka lumapit sakan'ya.
Nagtama ang mga mata namin at para akong kinilabutan dahil doon.
YOU ARE READING
More than conquerors (Series 2)
SpiritualBlack sheep sa pamilya. Iyan ang tingin ni Dani San Pascual sa sarili noong hindi pa siya nakakilala sa Panginoon. She was a thug on the streets. Kasama niya ang mga barkadang lalaki hanggang madaling-araw at minsan pa ay sa kalye na natutulog. Suba...