Each one of us cannot survive in this world alone. Our success, our happiness, our well-being depend on others. Someone said that for excellence, the presence of others is always required. Not talent, not genius, not brilliance—but others. We need family, friends, and community.
We need to belong, to get involved, to keep communication lines open.Sinara ko ang librong binabasa.
Hanep. Kung 'yong Dani pa noon ang nagbabasa nito ngayon, paniguradong mandidiri lang 'yon.
Pero ngayong bagong likha na ako ay masasabi kong totoo nga. May mga taong kagaya ko noon na mas gugustuhing mag-isa kaysa may kasama.
Ang sabi ko pa'y ayoko ng mga tao dahil pare-pareho lang silang dumating sa buhay ko para saktan ako.
Pero may mga tao pala talagang dadating sa buhay mo para sirain lahat ng prinsipyo mo at paniniwala.
"Sige na Dani!" Pumapadyak-padyak si Saniyah sa harap ko, hawak nito ngayon ang isang pink na dress.
"Isuot mo na 'to para same tayo nina Sabina!"Anak ng tupa talaga.
Tinignan ko 'yong dress na hawak ni Saniyah. Tumataas ang balahibo ko kapag nai-imagine kong suot ko iyon.
"Ayokong nga." Sagot ko saka binalik sa shelves ang librong binasa.
"Kayo nalang.""Please?" Ngumuso pa s'ya sa harap ko.
"Hindi pweding puro long sleeves at polo ang sinusuot mo, Dani. Bagay sa'yo 'to. Pareho nga tayo ng damit, in-order ko 'to sa Lazada para saating lima eh."Hanep, kino-konsensya talaga ako.
Bakit naman kasi pink? Lakas maka-feminine naman ng damit na 'yan. Si Sky at Sabina lang panigurado ang matutuwang isuot 'yan.
"Hoy, bakit ang tagal ninyo? Tara na."
Bumaling ako sa pintuan, nandoon si Sabina, Maurene at Sky. Nakasuot ang mga ito ng pink na dress kagaya ng hawak ni Saniyah ngayon.
Anak ng tupa.
"See?" Pinandilatan n'ya ako ng mata.
"Lahat na sila ay naka-dress na. Dalian mo na at isuot mo na 'to.""Isuot mo na 'yan, Dan." Nakangiting sabi ni Sabina.
"Sa mall lang naman tayo.""Mall lang?" Sarcastic kong sabi. Eh mas marami ngang tao sa mall ngayon.
"Bagay naman sa'yo 'yan Dani." Sulsol ni Sky.
"I'm so sure mas gaganda ka.""Akin na nga." Kinuha ko kay Saniyah 'yong dress. Ang laki naman ng ngisi n'ya dahil alam n'yang natalo na ako.
"Sa sala lang kami. Hihintayin ka namin doon, Dan."
"Oo na." I motioned them to get out.
Napabuga ako ng hangin. Anak ng tupa, kaylangan ko talagang isuot 'tong damit na 'to kahit labag sa loob ko. Sumaya lang 'yong apat.
Dali-dali kong sinuot 'yon pagkatapos ay humarap ako sa salamin.
I blinked.
Hanep, parang hindi si Dani. Nagiging kamukha ko tuloy 'yong kapatid kong babae.
"Goodness!" Tumayo si Sky saka pumalakpak.
"Ang ganda mo Dani. Dalaga kana talaga!""Bagay sa'yo, Dan. Naninibago ako."
"Picture tayo mamaya ah." Excited na sabi ni Saniyah, dala ang camera niya.
Inismaran ko lang sila. "Tara na."
"Dapat dress lagi mong sinusuot tuwing nagsisimba tayo, Dan." Ani Sabina saka kumapit saakin.
"Tigilan mo'ko. Pinagbigyan ko lang si Saniyah sa request n'ya. Ito ang una't huling beses na magsusuot ako ng ganito."
YOU ARE READING
More than conquerors (Series 2)
روحانياتBlack sheep sa pamilya. Iyan ang tingin ni Dani San Pascual sa sarili noong hindi pa siya nakakilala sa Panginoon. She was a thug on the streets. Kasama niya ang mga barkadang lalaki hanggang madaling-araw at minsan pa ay sa kalye na natutulog. Suba...