Chapter 2

34 13 0
                                    

"NAGSASABI NGA PO AKO NG TOTOO. HINDI PO AKO KASABWAT NO'NG LALAKI."

Lahat ng angas ko ay nawala. Nasa harap ko ngayon ang iilan sa mga lalaking humababol kanina kay Ash.

Asher. 'Yon ang pangalan n'ya, tandang-tanda ko pa.

"MANIWALA NAMAN PO KAYO. HINDI KO PO MAGAGAWA 'YANG SINASABI N'YO."

"Anong hindi? Kitang-kita ko kung paano mo tulungan 'yong lalaki para hindi namin makilala. Ayan oh, nand'yan pa sa paper bag mo ang pruweba. Hindi ba't sa nobyo mo 'yan?"

Halos maiyak na ako dahil kahit anong sabihin ko sakanila ay ayaw nilang maniwala. Ang akala kasi nila kasabwat ako ni Ash sa pagnanakaw. Mabuti nga at hindi sila tumawag ng pulis o hindi kami pumunta ng barangay. Pero ito naman sila at pinipilit akong magsabi kung nasaan si Ash.

Anak ng tupa talaga. Ayaw pa akong pakawalan.

"Sige na miss. Sabihin mo na saamin kung nasaan ang lalaking 'yon para matapos na. Hindi namin ipapakulong, kukunin lang namin 'yong pitaka na ninakaw n'ya."

"Oo nga miss. Makonsensya ka naman, kaylangan na kaylangan namin 'yong pera at laman no'n."

"Eh kuya hindi ko nga po alam." Ang kulit naman ng lahi ng mga lalaking 'to.
"Sinabi ko naman po sa inyo na wala po akong boyfriend, hindi ko po 'yon kilala. Bigla nalang 'yong lumapit saakin kanina."

Ahhhhh! Asher naman kasi magnanakaw na nga lang idadamay pa ako!

"Miss 'wag mong paabutin na magalit kami sa'yo. Sabihin mo na kung nasaan 'yong nobyo mo para pakawalan ka namin."

Halos samaan ko na ng tingin 'yong lalaking parang lider nila. Ilang milyon na ang nasa wallet na 'yon at bakit kaylangan nila akong ganituhin?! Hanep talaga!

"DANI!"

Napalingon ako sa apat na babaeng tumatakbo papalapit saamin. Oo, masama ata akong kaibigan dahil halos matawa na ako nang makita ang mga mukha nila. Alalang-alala ang mga ito. Si Sabina ay may bitbit pang mga pinamiling gulay.

Hindi ko alam kung anong sinabi nina Maurene sa mga lalaki dahil sa wakas ay pinaalis na n'ya ako. Kaya lang hanggang sa makarating kami sa apartment ay lutang parin ako.

Sa katunayan, habang nilalagay ko sa cabinet ang jacket at face mask ni Ash ay hindi ko parin maiwasang...balikan ang nangyari. Hanep talaga. Sa dami ba maman kasi ng tao sa mundo, di'  ko aakalain na magkikita kami ulit.

Anak ng tupa, dati magpapakamatay sana s'ya, ngayon naman ay nagnanakaw. Pambihira.

Kinabukasan ay maaga kaming dumating sa school sa Isabela State University. ISU is among the top 100 universities in the Philippines. Kaya hindi nakakapagtaka na kahit mga may kaya sa buhay ay dito pinili na mag-aral. Kaya naman sa mga nagsasabing State University LANG ang school na'to ay nagkakamali sila ng nila-LANG. Ang balita ko ay maraming nag graduate dito sa ISU na nagTop sa board exams.

"Nag chat si ate Micailla,
ingat daw tayo sa first day of school natin." Tukoy ko sa Pastora namin. "Anong sasabihin ko?"

"Hingan mo ng pang-allowance."

Sinamaan ko ng tingin si Saniyah na ikinatawa n'ya.

"Oh ba't gan'yan ka makatingin? Natawa lang ako sayo. Bakit kaylangan mong itanong saamin kung ano isasagot mo?"

"Magpasalamat ka. Gano'n ka simple 'yon." Singit saamin ni Sabina.

"Ay okay, okay." Pasensya naman at hanggang ngayon ay nahihiya parin akong kausap sina Pastora. Kahit halos isang taon na ako sa church ay nahihiya parin ako.

More than conquerors (Series 2)Where stories live. Discover now