Chapter 3

42 12 0
                                    

"And should I care because?"

"Ash! Tinamaan mo s'ya ng bola sa mukha! Tignan mo nga at namamaga pa ang mukha n'ya!"

"I didn't do it on purpose. Isa pa, kasalanan ko bang tanga-tanga 'yan? Alam naman n'yang may naglalaro tapos do'n pa naisipang tumambay."

Muli akong napabuntong-hininga. Ni hindi ko na mabilang kung ilang beses kong ni-replay sa utak ko 'yong nangyari kanina nang pumasok si Asher.

Kung galit ba ako, naiinis o disappointed ay hindi ko rin alam.

Hanep.

Ano bang ini- expect ko? Na mag-aalala s'ya saakin?

Kung tignan nga n'ya ako ay parang hindi n'ya ako kilala!

Ang magnanakaw na 'yon! Hindi ko man lang naisip na nag-aaral s'ya at magkikita kami rito sa ISU!

"Sorry talaga, Daniko." Ani Krizza na nasa tabi ngayon ng kama nakaupo. "Mali talaga na dinala kita do'n."

"Ayos lang, Krizza." Nangyari na eh. Saka wala namang may kasalanan sa nangyari. Ika nga ni Ash, hindi n'ya 'to sinasadya. Walang may gusto ng nangyari.

"Ihatid na kita sa apartment n'yo, Daniko."

"Hindi na, sa bahay ako uuwi ngayon."

Hindi ko alam kung anong kaylangan nina mama. Wala rin naman kasing sinabi si Ate, basta raw pumunta lang ako.

Nang makarating ako sa labas ng bahay namin ay nag-text muna ako kina Maurene. Baka kasi mag-alala ang mga 'yon kapag hindi ako nakauwi ng maaga.

Muli akong napangiwi nang maramdaman ang sakit sa mukha.

Hanep talaga! Ganap na ganap naman ng Asher na 'yon ang pagiging volleyball player n'ya kahit practice pa lang! Anak ng tupa na jump serve na 'yon!

Bumuga ako ng hangin saka pumasok. Agad kong nakita sina mama, papa at ate Disiree sa sala. Silang tatlo lang ang nandito dahil nasa Manila si kuya David. Nagtatrabaho.

"Ano pong meron?" Tanong ko saka umupo sa harap ni mama.

"Ano naman itong naririnig ko na pumapasok ka raw sa simbahan ng mga Born again?" Sabi agad n'ya saakin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung saan n'ya nalaman, siguro ay kay ate. Wala naman sana akong balak ipaalam sakanila dahil alam kong wala rin silang pakialam.

"Opo." Sagot ko.

"Tangina mo talagang bata ka, Dani! Noon mukha kang addict sa kalsada kasama 'yang mga barkada mong lalaki tapos ngayon ay lumipat ka ng relihiyon?! Gusto mo talagang ma-impyernong bata ka!"

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. Hindi n'ya alam ang sinasabi n'ya.

"Mama kalma ka lang." Ani ate.

"Ewan ko ba dito sa kapatid mo kung saan nag mana!" Galit n'ya akong tinignan.
"Hindi ko na alam ang gagawin sa'yong bata ka! Kampon ka talaga ni Satanas!"

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko kayang ipakita sa pamilya ko na may Jesus ako sa puso. Dahil mismong sila walang pakialam sa pagbabago ko. Palagi nalang nila akong hinuhusgahan.

"Lahat naman ng ginagawa ko mali para sainyo eh." Hindi ko mapigilang sagot.
"No'ng nagbarkada ako ng mga lalaki, mali para sainyo. Tapos ngayong nasa simbahan na ako mali parin sainyo. Kaylan ba ako naging tama sa pamilyang 'to?"

Napapikit ako ng mariin. Dani paawat ka naman! Pagsisisihan mo nanaman ang pagsagot-sagot mamaya!

"Tignan mo nga 'yang ugali mong 'yan Dani!" Tinuro nanaman ako ni mama.
"'Yan ba ang tinuturo ng relihiyon ninyo?! Sumasagot sa magulang?! Mas tumaas lang ang sungay mong babae ka!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

More than conquerors (Series 2)Where stories live. Discover now