Chapter I

64 10 0
                                    

Zheira

"Good morning class I'm so glad that everyone is here kahit pa na mayroong malaking pagbabago sa system ng pag-aaral ninyo ngayon nagawa niyo parin na makiisa sa layunin namin. Isang linggo na nang mangyari ang outbreak pero naisipan ng ating presidente na kahit nasa kritikal na sitwasyon tayo hindi dapat natin nakakalimutan ang pag-aaral niyo. Sa katunayan, malaking tulong pa ito para makaligtas tayo sa iba't ibang uri ng sitwasyon na ating kahaharapin kung sakaling nasa panganib tayo o ang kapwa natin atles may magagawa tayo." paliwanag ng babaeng guro na nasa harap ng puting pisara.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang layunin niya ba't niya napiling magturo habang nasa mundo na kami ng mga infected na tao na wala nang ginawa kundi ang ubusin ang mga natitirang tao.

"Alam ko ang nararamdaman niyo ngayon dahil mahirap naman talagang mawalan ng minamahal kahit pa nga kakilala lang natin magagawa nating iyakan dahil isa din ako sa mga mawalan, isipin niyo nalang na lahat ng mga nangyayari ay may malalim na dahilan, everything happens with a reason every pain leaves you lesson and this lesson teach you to endure the pain and learn how to be brave." mapait na ngiti nito

Maya-maya pa isa-isa niya kaming pinatayo para magpakilala sa isa't isa habang nagpapakilala bakas sa mga mukha ng mga bago kong kaklase ang lungkot at pagluluksa, ang tanging nagawa lang nila ay ibahagi ang pagkawala ng mga myembro ng pamilya nila.

Isa lang siguro ako sa bata na masuwerteng nakaligtas ang magulang dahil ang mga magulang ko ay buhay ko at pareha silang nagt-trabaho dito sa shelter.

Nang tinawag ako agad akong tumayo at lumapit sa pisara.

Tumayo ako sa harapan at huminga ng malalim para humugot ng lakas saka napatingin sa kanilang lahat. 
"Ako si Zheira O'Neill 17 taong gulang nakatira sa Eastwood, isa po ako sa mga masuwerteng nakaligtas sa outbreak. Ang aking ama ay sundalo at ang aking ina ay isang siyentista ." ngumiti ako sa kanila at nagmamadaling bumalik sa upuan ko. 

Damang dama ko ang panlalamig ng mga kamay ko matapos kong magpakilala, Hindi pa man nagkakaroon ng mga zombies isa na talaga akong introvert mas prefer kong mapag-isa kasama ang mga gaming consoles ko kaysa makipag-interact sa mga tao.

"Masaya akong makilala kayong lahat, ako naman si Mary Angeline Nuvasco ang magiging Guide Subject Teacher niyo, ang layunin ko ay sagutin lahat ng mga katanungan niyo bago kayo tumungo sa susunod niyo pang mga subjects, ako din ang nagbibigay at nagpapaliwanag ng mga instruction at directions dito sa loob ng school facilities ngunit meron lamang akong dalawa pung minuto para sagutin ang ilan niyo pang mga katanungan.” ngumiti ito at tinignan ang kanyang relo.

“Time ko na pala, bukas ulit.” kinuha niya hobo bag niya saka umalis.

Naging tahimik ulit ang buong paligid marahil wala sa kanila ang nasa tamang pag-iisip para makipagkilala o gumawa ng eksena. Dahil hindi lahat sa mga taong nandito ay pinalad na makasama ang mga magulang nila.

Alas otso ng dumating ang teacher namin sa Food and Resources, gaya ng subject niya tinuturuan niya kami sa mga halaman na maaari naming makain kung sakaling wala ng matirang makain pa s mundo.

Itinuro niya sa amin ang kahalagaan ng mint, dandelion at basil na edible para kainin. Binigyan din niya kami ng tips para hindi mabilis magutom dahil ito ang isa sa mahalagang bagay na kailangan naming gawin para makasurvive sa kagutuman.

Pagdating ng alas dyes Medical subject naman ang sunod naming pinag-aralan. Tinuruan lang naman kaming gamutin at linisin ang mga simpleng sugat para hindi kami ma-trace ng mga zombies.

At pagpatak ng alas dose nagpunta ako sa canteen para kumain at naisioan kung tumungo sa librarya.

Bukas ang pinto at mula sa librarian desk nakaupo ang Isang babaeng nasa tatlong pu' o higit pa ang edad, nakabun ang buhok nito at nakasuot ng reading glasses napatingin ito sa gawi ko at saka niya binaba ang librong binabasa niya.

Saving HumanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon