•Zheira•Ilang oras rin akong nakatitig sa kulay asul na flashdrive, nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko sa kanila ang nakita ko pero isang araw na ang lumipas ng kunin ko ito panigurado kapag sinabi ko ito paghihinalaan na nila ako.
Kaya naman sa matinding kuryusidad ko na alamin ang laman ng flashdrive namalayan ko nalang na naisaksak ko na ito sa laptop at nag-insert narin ang mga files. Curiosity kills cats.
Mula sa mga files napansin ko ang video, malinaw ang pagkakuha, ito ay kinunan mula sa isang lab, at sa taas ng screen nakalagay ang taong 2045 January 3.
Dalawang linggo na pala ng makuhaan ito ng video.
•Third Person Pov•Tahimik ang buong palagid ng laboratoriyo marahil ay parte na ito ng trabaho na mas bigyan ng importansiya ang kakayahan ng mga siyantipiko at doktor na makagawa ng mabisang gamot.
Palihim na napapalunok si Irish isang doktor na ipinadala sa Gram Lab para lamang pagsamahin ang specimen na nadiskobre niya pero wala parin itong katiyakan kong malilinis ba ng Zerum Vaccine niya ang isang taong na halos kainin na ng lumot ang katawan.
Ang lalakeng host ay nagmula sa South Africa scientists has discover this man in social media. Isang turista sa Africa ang nabahala sa kondisyon ng lalake dahil parang nabibitak ang mga paa at palad nito ng dahil sa lumot, bukod pa doon naninilaw narin ang mga kuko niya ayon pa sa mga test walang proper hygiene at marahil natutulog ito sa mga batuhan na kadalasan kinakabitan ng lumot dahil narin siguro doon kaya 25% ng katawan ng lalake ay infected ng fungus , masuwerte si Irish na napili para linisin ang fungus na nasa loob ng katawan ng lalake.
Talagang kukunin siya sapagkat minsan niya narin itong ginamit sa daga na ang kinalabasan ay na-boost ang adrenaline nito at parang naging energetic or hyper.
Hawak ng nurse ang tray kung saan nakalagay ang cotton, bandage, tong, syringe, at ang tinatawag niyang successful medicine Zerum Vaccine (ZV) kinuha ni Irish ang syringer at tinusok sa gamot, lumabas naman ang kulay dilaw na likido na ngayon ay makikita sa babasaging panturok.
Sa hindi kalayuan ay nakatingin ang dalawang scientist sa monitor na sina Elaine at Nicolai. Tinitignan nila ang structure sa loob ng katawan ng lalake ang dugo, utak, puso, at mga ugat sa katawan. Para alamin kung anong magiging reaksyon sa katawan ng host kapag naisalin na ang gamot.
Kinakabahan si Irish habang dahan dahan na itinuturok ang gamot, at unti unti nang naipasok ang gamot sa lalake.
Bigla namang lumabas sa screen ang mukha nang isang matandang lalake na mukhang nasa mid fifty's at napatingin si Irish sa monitor.
"Mr. Irish kumusta ang operasyon."
Nung una ay nanlalamig si Irish dahil kinakabahan siya ngayon nilang kasi na itransmit ang gamot sa tao pero pinilit niya paring magsalita habang nakatingin sa host na wala paring malay marahil sa pampatulog na gamot na ibinigay kanina.
"Sir. . . Naisalin ko na po ang gamot at ngayon hinihintay nalang po namin ang magiging reaksyon ng host."
Sa kabilang monitor napatitig sila ng agawin ni Elaine ang atensyon nila.
"Nagcleanse yung mga bacteria sa katawan ng host tignan niyo ito wala pang segundo nalinis na ang katawan ng host nawala na ang mga deadly fungus."
Mula sa screen nawala ang mga kulay green na bacteria parang asido ang gamot na unti-unting tinutunaw ito pero wala paring reaksyon ang lalake at nandoon parin sa paa at kamay ang mga fungus.
Ilang minuto lang may nabuong white specimen sa loob ng katawan ng host, The two scientists shock and report it immediately to Mr. Frederick , While Mr. Nicolai asking Mr. Irish what kind of specimen appear on the screen.
"I don't know, Hindi naman yan yung lumabas sa naresulta sa dagang ginamit ko, sa katunayan pa nga ay nag boost ang adrenaline ng maiturok ko yan." katwiran ni Irish na maging siya ay hindi makapaniwala dahil ang puting chemical na nagmula sa Zerum Vaccine ay nanganganak at parami pa ito ng parami sa loob ng katawan ng host.
"Ok I'll report it to our head stay there and don't let the host awake at kung magising man siya do everything to convince him to stay,"
"Ok Sir." wika ni Nikolai
At naglaho sa screen si Mr. Frederick.
Natataranta namang kinuha ni Irish ang sleeping pill at pilit na ibinuka ang bibig ng host at ibinuhos ang maraming sleeping pills sa bibig ng lalake na ikinagulat ng dalawa at ng nurse na nasa tabi niya.
"Sir. . ." pigil ng nurse ng hawakan ni Irish ang isa pang sleeping pill.
"Akin na!"
"Mr. Irish hindi na tama yan, baka maoverdose ang host natin." babala ni Elaine pero hindi parin ito nakinig at tinulak ni Irish ang nurse saka kinuha ang sleeping pills ng ibuka niya ang bibig ng lalakeng wala paring kamalay malay natunaw na agad ang mga sleeping pills sa bibig nito kaya napaatras siya ng maramdaman ang paghapdi ng daliri niya.
Nabutas ang gloves at parang nasunog ang daliri na ikinatakot niya at na pilit tinatakpan ng isa niya pang kamay.
"Anong nangyari?" tanong ni Nicolai sa kanya ng makita ang kakaibang ikinikilos niya.
"Ill Failed, We Failed." maya maya para ay bumangon ang nurse na namumutla ng makita ang mukha ni Mr. Irish na naninilaw.
Parang hindi na ito tao kung titignan ang labi nito ay namumutla
Napatakbo ang nurse sa tabi ni Elaine habang si Irish at nagtataka tinignan niya ang sarili niya hinahanap kung ano ang pagbabagong nangyari.
Nakita niya na nanilaw ang kamay niya at nagbako bako ang itshura ng palad niya dahan dahan naman niyang hinawakan ang mukha niya na parang humahapdi at ng napatingin siya sa screen napuno na ng white unidentified specimen ang katawan ng lalake ng pasyente nakita niya ang epekto ng gamot na ginawa niya.
Hindi na mapaliwanag ang nangyayari sa kanya at bigla nalang siyang lumapit sa nurse na humihingi ng tulong dahil masakit ang katawan niya, pero mas natakot ang nurse kaya naman
They decide to have quick evacuation in Gram Lab led by Mr. Nikolai.
Iniwan siya ng nurse at ng dalawang siyentista naiwan siya kasama ang host niya.
“Traydor! Traydor! Traydor.”
paulit ulit niyang sambit habang pinupukpok ang tiles ng sahig.
Hindi nito namalayan na bumangon ang pasyenteng lalake, natanggal nito ang dextrose nito at wala sa sariling nilapitan siya.
Nang tumingala si Irish takot na takot siyang napatitig dito hanggang sa hawakan nito ang magkabilaang ulo niya at pinisa na parang isang malambot na karne.
Dumanak ang dugo, ngunit hindi pa nakuntento ang lalake. Dinurog niya rin ang katawan ng kaawa-awang doktor ng masiguro na niyang durog na durog na ang buto't laman nito.
Nilamutak niya at mabilis na kinain bawat pagdakot niya wala siyang tinitira.
Nang maubos, nagawa niyang basagin ang glass wall at mabilis nitong hinabol ang mga nadadatnan niyang tao at walang awa na pinagkakakain.°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Maganda ba? Leave Vote before you leave. Thanks
BINABASA MO ANG
Saving Humanity
Mystery / Thriller[Zombie/Mutant Filipino Novel] What if this world change for something worst?? Can i Still save the lives of everyone? even if i can't save my own