•Zheira•
Alas syete't tatlong pu' na nang magising ako kaya naman ng makapunta ako sa school pinarecord pa ng bantay sa gate ang pangalan ko para bigyan ng punishment mamayang uwian, Isa ako sa maiiwan sa school ay maglinis ng bawat section. Ang malas ko dahil pangatlong araw palang na late na agad ako pero ano pa bang magagawa ko nangyari na ito.
Nang nasa corridor ako tanaw ko ang room ko na may lalakeng teacher na nagtuturo sa harapan siya si teacher Clark ang hawak niyang subject ay Physical Education but in this era pinalitan na ang name ng subject na ito at tinawag na Fight Skill & Tactics at mas binigyan narin ito ng importansya dahil sa tatlong oras itong ituturo araw araw kaya itong subject na ito hindi na babagay sa mga mahihina at lalampa-lampang kagaya ko.
"Good Morning Sir Good Morning Classmates I'm sorry I'm Late." nahihiyang paghingi ko ng umanhin sa kanila
"Pumasok ka na." utos nito at nakayuko akong naglalakad sa pinakalikod na upuan kung saan talaga ako nakaupo.
Nang makaupo ako nagsimula itong magsalita.
"Violation na maituturing ang pagiging late sa klase kaya kung late ka ng labing limang minuto katumbas ito ng minus labing limang kabawasa sa grade na makukuha mo kung eighty ang nakuha mong grado sakin babawasan ko ito ng 15 kaya magiging sixty-five nalang ito araw araw akong magbabawas ng grado." at kinuha nito ang ball pen at may isinulat sa record niya at malamang babawasan nga ako nito.
"Let's proceed to our previous topic."
Isang oras na itong nagtuturo pero pakiramdam ko tatlong oras na siyang nakatayo panay naman ang sitsit ni Gia sa kanang gawi ko at sa kanang gawi nito nakaupo si Dave na inaantok na.
Hindi ko pinapansin si Gia at nagsinenyasan nalang na mamaya ko na siya kakausapin.
Alas nuwebe na subject niya parin pero this time pinapunta na kami sa training field at sa field na iyon pinag push up kami sa initan at ang mga huminto sa pagp-push up binigyan nito ng seventy na grado kaya naman paspasan sa pagp-push up bigay todo sila para lang sa grado pero ano namang purpose nitong bagay na ito? Mukhang lahat naman kami sa bandang huli ay makakagraduate.
"Siguraduhin niyong dumidikit ang dibdib niyo sa lupa." bilin pa nito.
Madami ang nahirapan at mas piniling magkaroon ng grading seventy at maging sina Gia at Dave ay sumuko na ang natira nalang ay sina Francis, Alexander, Alfred at ako. Pero nanginginig na ang mga braso ko na gusto ng bumigay.
"OK! times up! That's Enough." at pinatay nito ang timer niya saka hinarap kaming natira.
Nang makabalik sa classroom umalis si sir at nagsabi itong gawing pahinga ang natitirang thirty minutes para sa next subject.
Tumungo kaming lima sa right wing ng school building nagtataka kami dahil dito kami pinunta ni Dave kaya naman na curious ako kaya sinundan ko nalang sila. Dahil sayang raw ang tatlong pung minuto na pahinga kung hindi kami makakagala.
"Um... saan ba tayo pupunta?"
"Sa secret passage nitong building." bulong ni Alfred.
"May secret passage itong school?" gulat ngunit takang tanong ko.
"Yup, kahapon lang namin ito nakita dahil late kaming nakapasok kaya naman ng matapos kaming maglinis hindi kami umuwi at pumunta sa secret passage na ito pero hindi pa namin nasisilip ang loob kaya ngayon natin aalamin." kuwento ni Alexander
Mula sa right wing ng building sa gilid ng hagdan ay may pintong nakalock tinanggal ni Gia ang hairpin sa naka bun na buhok niya at iniabot kay Alexander at binuksan naman ito ni Alexander habang si Dave ay nasa gawi kung saan tinatakpan niya ang ginagawa ni Alexander at kinukuha niya rin ang pansin ng mga babae para hindi mapansin ang ginagawa ni Alexander.
Nang mabuksan ito agad na naunang pumasok si Alexander at sumundo naman ako sa kanila at maging si Dave na nasa likuran at sinara nito ang pinto. Iniabot naman ni Alfred ang flashlight kay Alexander at ang isa ay kay Dave.
"Ok guys meron lang tayong twenty minutes para libutin ang passage na ito at babalik rin tayo sa classroom." paalala ko sa kanila na maging ako ay natatakot kung tama ba itong ginagawa namin.
"Babalik tayo mamaya." kampanteng sagot ni Gia
Dinala kami ng passage sa isang kuwarto kung saan mukha na itong abandunado pero may ilang kagamitan na nandirito tulad ng flashdrive na paniguradong may nakasave ditong video o files kaya naman kinuha ko ito at sinilid sa bulsa ko ng hindi nila napapansin dahil nakatuon ang atensyon nilang lahat sa kalansay na nakita namin.
Madilim din ang lugar kaya hindi namin makita ng klaro ang buong paligid.
"May mga nakita ba kayong kahit anong bagay dito?" tanong ni Alexander na parang commander kung magsalita.
"Nakakita ako ng Journal siguro may konek itong journal sa kalansay na iyan." opinyon ni Alfred dito.
"May Phone akong nakita." Boses ni Dave dahil hindi kami magkakitaan sa dilim nakadepende nalang kami sa boses ng isa't isa.
"May power pa ba?" tanong ni Gia
"Wala pero susubukan Kong i-charge mamaya baka sakaling gumana pa."Naguilty tuloy ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko na nakakita ako ng flashdrive.
"That's so strange, kailangan natin malaman ang totoong nangyari dito kung bakit may kalansay at kung ganu katagal na itong nandito." seryosong saad ni Alexander.
"Maybe this journal has evidence for that." Pagyayabang ni Alfred.
"Uh... Kung sakaling malaman natin ang totoong nangyari anong susunod nating gagawin?" tanong ko sa mga ito.
"Baka may koneksyon ito sa gamot o sa pinagmulan ng virus." sagot ni Gia na maging siya ay hindi sigurado sa sagot niya.
"Pano kung wala?" tanong ko ulit.
"Take it as valuable experience." ani Alexander.
At patuloy parin itong naghahanap sa cabinet at desk.
"G...Guys may nakapa ako ilawan niyo banda dito." kinakabahang sabi ni Alfred at inilawan ito ni Dave.
"Owwhh Shit!" Pagkagulat ni Gia sa kanyang nakita.
Dahil selda ang nahawalan ni Alfred at sa kulungan na iyon may isang babaeng naka kadena sa loob pero naaagnas na ang buong katawan nito at parang nasupresa sa pagdating namin, kita sa mukha nigo na gusto na niya kaming dakmain.
Nang magsimula ang lunch brake nagtipon kami sa library at sinadya naming dito pumunta para mag-usap usap tiniyak din namin na malayo kami sa librarian para hindi ito marinig ng babae at saktong walang katao tao ngayon sa library dahil paniguradong lahat ng estudyante ay kumakain ng tanghalian.
"Muntik na ko kanina grabe." kinakabahang sambit ni Alfred at napahawak pa siya sa dibdib niya.
"Panu nakapasok yun?" tanong ni Gia na maging siya ay naguguluhan.
"Kailangan nating alamin kung bakit may kulungan doon kung ba't may kalansay na hindi ko tiyak kung lalake ba iyon o babae at kung bakit may babaeng zombie na na nakakulong doon." bulong ni Alexander.
"Pero paano yung zombie iiwan nalang natin yun doon?" tanong ni Gia.
"Hindi natin pwedeng hayaan nalang yun doon panigurado may nakakaalam na may zombie doon kaya nga nilock yung pinto dahil paniguradong may tinatago sila sa loob nun. " paliwanag ko sa kanila na isang bagay na naisip ko na baka posibleng may isang taong pinasadya yun.
"May punto ka pero pano natin sisimulan?" Nakakunot noong tanong ni Dave.
"Alamin lahat ng ebidensya saka na natin isagawa ang pagpatay sa zombie." wika ni Alexander

BINABASA MO ANG
Saving Humanity
Mystery / Thriller[Zombie/Mutant Filipino Novel] What if this world change for something worst?? Can i Still save the lives of everyone? even if i can't save my own