Madalas kong balikan ang alaala ng kakalipas lang na kahapon. Tila kahapon lang ay nasa probinsya pa ako. Kung saan tanging pangangarap lamang ang aking inaalala.
Kung saan mga alaga ko lamang na mga hayop ang aking nakakasalamuha. At kung saan agawan lang sa paliguan ang aking pinoproblema. Ngunit narito na ako ngayon sa kasalukuyan. Madami na ang nagbago.
Ibat ibang kaanyuan na ang lumantad sa aking mga mata. Unti unti ko na ding tinatanggap na hindi lahat ng aking nanaisin ay aking makukuha.
Lahat ng pagbabago ay nag simula sa pagpasok ko sa kanyang buhay.Sinong mag aakala na sa pamamagitan ng facebook ay makikilala ko ang lalaking sisira ng aking pagkatao. Kalagitnaan ng hapon, wala akong ibang inaatupag kundi mag basa ng mga pahina sa facebook. May bagong update na naman ang LOL.
Ganito yata ang buhay ng mga taong walang patutunguhan ang buhay. Tamang basa lamang sa comment section ng biglang may umagaw ng aking pansin. Isang lalaking nag komento ng kanyang saloobin tungkol sa confession ng babaeng sender sa pahina.
Bulgaran ang bawat nyang salita ngunit may pinag babasehan. Nakakaaliw kaya’t dali dali ko syang inadd bilang kaibigan. Matutuwa ako kapag mga ganoong klase ng pananaw ang dumaan sa newsfeed ko araw araw. Madali ko namang nilog out ang aking facebook account upang maglingkod sa tunay na mundo.
Bilang isang mabait na pamangkin ay tumutulong ako sa pag babantay ng tindahan.
Inilibot ko ang aking mata sa bawat na sulok nito at natutuwa ako sa king sarili pagkat tapos ko ng ihilera ang mga paninda.
Maayos na ding naka patong sa estante ang mga de lata ng sardinas corn beef at mga meat loaf. Bahagya akong napalingon sa orasang mahinang tumutunog sa dingding. Mag aalas singko na pala ng hapon. Maari na akong maligo.
Nag diwang naman ang aking isip ng matanaw ko ang mga batang nag tatakbuhan sa kalsada. Sa wakas ay makakapag laro na ako. Ang pakikipaglaro sa mga bata lamang ang tangi kong libangan.
Natanaw ko naman sa gilid ng aking mata ang bago naming kapitbahay. Siya si Ivan. Madalas ko syang mahuling nakatitig sakin subalit agad naman akong iiwas sa kanyang mga tingin. Nakakailang at masakit sa mata.
BINABASA MO ANG
Until We Meet
Romanceang unang pag ibig ni Diana del Mundo. Isang babaeng nangangarap ng mataas. Hahadlang kaya ang pag ibig sa kanya at tuluyan syang masisira? o iiwasan nalang nya ito at kalilimutan ng tuluyan