‘’Kahit ilang daang bulalakaw pa ang tumama sa lupa, kung hindi rin kayo magtutugma wala ka ng magagawa’’‘’Pangarap na kay sarap hulihin, hindi maaaring isilid na tulad ng hangin’’
‘’Hindi ako ordinaryo. Alam ko na iyon sa sarili ko simula pa lamang nung una. Madami akong magagawang mga bagay na makatutulong sa tao. May magagawa ako upang umunlad ang ekonomiya. May maiisip akong paraan o madidiskubreng mahiwaga.
Subalit madaming bumabagabag sakin. Bakit ganito lang? bakit tila naghahanap pa ako ng mga bagay na di ko maipaliwanag gamit ang salita. napaka ordinaryo sakin ng lahat. Ordinaryong pamumuhay, ordinaryong pag aaral, ordinaryong batas ang umiiral.
Ayoko ng ganito, ayoko ng tila puti at itim lamang ang buhay ko. Gusto ko ng kakaiba’’
Ako si Diana del Mundo labing anim na taong gulang. Hangad ko ang katanyagan at karangyaan sa buhay. Oo nga at masyadong hangal pakinggan,pero pawang katotohanan lamang.
Gusto kong yumaman, makapamasyal sa ibat ibang panig ng mundo, kumain ng masasarap. Gusto kong hindi mag isip ng kung ano mang kakulangang pinansyal. Gusto kong mabuhay sa pantastikong reyalidad.
Subalit lahat ng iyon ay kagustuhang kay hirap tamuhin. Ilang bundok pa ang dapat kong itulak upang mangyari ang inaasam asam kong kagustuhan?.
Ilang karagatan pa ang dapat kong sisirin upang matagpuan ang perlas ng katagumpayan?
Nakakapanabik ng tamuhin ang ninanais kong pantastikong reyalidad. Bagamat sa panaginip ko pa lang ito natatanaw ngunit maaabot ko din ito pagdating ng bukas.
---------------------------------------------------
Gising na ang aking diwa subalit nakikipag talo pa din ang aking katawan kung babangon na ba mula sa papag na aking kinahihigaan.Naglalaban laban ang mga palaisipan sa akin kung kaya’t inuna ko na lang isipin ang kapakanan ng aking mga alaga. Mag uumaga na at nangangailangan ko na silang ipastol sa kabundukan.
Iinat inat akong nag tungo sa palikuran bago pumunta sa kubo ng mga mahal kong kambing. Kailangan kong mag dumali sapagkat masisigawan na naman ako ng aking ina.
Nakakatuwang pagmasdan ang mga ito lalo na’t sinasalubong nila ako ng mga huni na tila pag bati sa akin ng magandang umaga. Dali dali ko namang kinalas ang kanilang mga lubid at nag umpisa ng lumakad patungo sa kabundukan.Isa.. dalawa…lima.. labindalawaa.. bente.. bente uno kasama na din sa bilang ang mga chikiting nilang anak. Naka liligaya talaga silang pag masdan.
Inilibot ko ang aking mata upang makahanap ng magandang pag pastulan upang makakain sila ng lubusan. Matapos kong masipat ang lugar ay hinimas ko muna sila isa isa bago nag paalam. Sumisikat na din ang araw hudyat na malapit ng mag ika pito ng umaga.
‘’ Naku, kelangan ko ng mag madali,bukod sa madami kaming mag aagawan sa paliguan ay mapapagalitan na naman ako ng aming guro sa eskwelahan.’’
BINABASA MO ANG
Until We Meet
Roman d'amourang unang pag ibig ni Diana del Mundo. Isang babaeng nangangarap ng mataas. Hahadlang kaya ang pag ibig sa kanya at tuluyan syang masisira? o iiwasan nalang nya ito at kalilimutan ng tuluyan