Oras na ng siesta subalit nakatingala pa din ako sa bubong ng aming munting bahay.Nais kong matulog ngunit binabagabag talaga ang aking isipan.
Paano at bakit kaya ako kinakabahan??
Eto marahil ang tinutukoy nilang instinct kung saan may paparating na di kagandahang balita.
Hindi ako mapakali kung ano ang dapat unang isipin.
Marahil ay tumambay nalang ako sa tindahan o makipag kwentuhan sa mga bata.
Bigla namang pumasok sa aking isip ang lalaking aking chinat.
Nag reply na kaya sya sa aking mensahe?
Ano kaya ang kanyang sasabihin.?
Naeexcite na ang aking pakiramdam pagkat dinapuan ako ng tinatawag nilang pag hanga.
Mga ilang minuto ko din tinitigan ang aking cellphone dahilan sa pag tatalo ng aking isipan.
Sa huli, napagpasyahan ko na lamang ding buksan ang aking facebook at alamin ang sagot sa aking mga katanungan.
"Seen"
Tila ako binagsakan ng langit at lupa sa aking nakita.
Hindi na din maitago ng aking mukha ang pamumula at pagka dismaya.
''Bakit?''
"Hindi ba ako maaaring masakop ng iyong interes?"
parang bata akong nag mamaktol sa isang tabi.
Ang paghanga koy nagdulot ng kabiguan sa akin kung kayat may kaunting kirot ito sa damdamin.
Isang araw marahil hindi man ngayon, akoy kanya ding mapapansin.
Napagpasyahan ko na lamang mamasyal ng saglit sa palengke upang mawala ang bigat ng aking puso :(.
BINABASA MO ANG
Until We Meet
Romanceang unang pag ibig ni Diana del Mundo. Isang babaeng nangangarap ng mataas. Hahadlang kaya ang pag ibig sa kanya at tuluyan syang masisira? o iiwasan nalang nya ito at kalilimutan ng tuluyan