Kinabukasan ay nagpasama ako sa aking pinsan na si Verlyn patungong bayan. Hindi ko pa kasi kabisado ang bagong lugar na aking tinitirahan.
Maliit si Verlyn kumpara sakin. Mapungay ang kanyang mata at matangos din ang kanyang ilong. Kung ang aking balat ay mamula mula, sya nama’y katamtaman lamang ang kaputian. Madalas din syang pagtinginan ng mga kalalakihan ng kanyang edad.
Nagpatulong ako sa kanya bumili ng mga kagamitan gayong mag sisimula na ang pasukan.
Tinapos ko ang pagiging highschool student ko sa probinsya kung saan tanging mga kambing lamang ang aking kaibigan. Dito na ako mag papatuloy ng aking pag aaral. Mas mainam na daw na pumasok ako sa pribadong paaralan kung saan matutukan ang aking pag ka tuto.
Payapa naman kaming nakauwi matapos na abutan kami ng ulan. Mas pinili ko na lamang din mag pahinga at huwag munang mag bantay ng tindahan. Agad ko namang hinawakan ang aking cellphone.
Napailing nalang ako ng wala akong natanggap na mensahe mula sa aking magulang. Mukhang hindi na ata nila ako naaalala. Inopen ko nalang muli ang aking facebook account at tumambad doon ang isang notipikasyon.
‘’Van Irian Gio Guerrero accepted your Friend request’’
Napabuga naman ako ng hangin. May konting kiliti akong nadama. Masaya sapagkat inaccept nya ang friend request ko?
Mukhang napakababaw naman. Hahahaha. Natawa ako sa aking sarili. Mabilis ko namang sinilip ang kanyang timeline at nagbasa basa ng mga hinaing nya sa lipunan. Kung iisipin namay may punto naman sya. Ngunit ang mga opinion nyay tila nahugot dahil sa binagsakan sya ng langit at lupa.
Namalayan ko na lang aking sarili na nag ta type ng personal na mensahe para sa kanya. Tila sinapian ata ako ng pagod at pag ka inip
‘’hi kuya’’
Walang tingin tingin na sinend ko ito sa kanya at nilog out ang aking account.
Hindi mapakali ang aking sikmura. Napasok ata ito ng sanlibong bubuyog. Nag sisisi na hindi maipaliwanag ang aking nadarama.
Marahil ay iisipin nyang nag fifirst move ako sa kanyaNgunit di naman namin kilala ang isat isa
Idagdag mo pang kay layo ng aming distansya.Napasampal nalang ako sa aking sarili. Napatanong kung bat ko yon nagawa. Bakit nga ba Diana? Bakit nga ba?. Dali dali kong kinuha at ibinato sa kama ang aking selpon.
Napaisip naman ako ng mga kailangan kong gawin. Nararapat na ma divert ang aking utak sa mga ibang Gawain sapagkat kung di koi yon gagawin ay mababaliw ako.
Agad ko namang kinuha ang mga labahin ko at ibinuhos doon ang aking inis sa sarili. Pagkatapos non ay sumama ako sa bayan sa aking pinsan upang mamili ng mga karagdagang paninda para sa tindahan.
BINABASA MO ANG
Until We Meet
Romanceang unang pag ibig ni Diana del Mundo. Isang babaeng nangangarap ng mataas. Hahadlang kaya ang pag ibig sa kanya at tuluyan syang masisira? o iiwasan nalang nya ito at kalilimutan ng tuluyan