Kabanata 4

50 5 2
                                    

"Bilisan niyo!" Utas samin ni Jenny, saka tumakbo paloob ng gate pagkatapos naming magbayad.

Suminghap ako ng hangin. Ang kulit talaga, para akong nag bababy sit sa isang matandang isip bata. Napailing nalang ako at dumiretso papasok sa gate.

Ohhh geez! Kasama nga pala namin ang dalawang asungot. Gusto ko mag saya ngayon, pero pa'no kung andiyan sila.

Nakita kong nakanguso si Hugh habang tinitignan ang patakbo takbong si Jenny at kung minsan napapakamot ito ng noo. I feel you Hugh.

Naglakad lakad kami hanggang makarating kami sa Ferris Wheel. 'Yon ang una naming sasakyan.

Medyo madaming tao kaya mahaba ang pila. Medyo tirik din ang araw kaya mainit sa pila. Pumila kami sa pinakalikod.

"Ang haba naman." Halos bulong lang ang boses ni Grey. Mukhang nababanas na siya ngayon.

Tumingin naman ako kay Jenny na ngayon ay nakikipag usap kay Hugh. Nakangisi ang dalawa, mukhang may magandang pinag uusapan.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pila ay napapansin ko ang mga babae na palinga linga sa pwesto namin. Obviously they are looking at Hugh and Grey.

Who would not? Mukha kaya silang mga artista. They are attractive, Yes. Pero hindi sakin.

Panay ang bulungan ng mga babaeng nasa pila. Halos lahat sila ay nakatunganga kay Grey at Hugh. Kulang nalang tumulo ang laway nila e.

Yung iba naman ay nahuhuli ko pang kinukuhanan sila. Napapatakip nalang ako ng mukha baka mamaya ma photobomb pa'ko eh.

Konti nalang malapit na kami makasakay. Tuloy padin ang tsismisan ng mga babae sa dalawa naming kasama.

"He's so hot."

"They're making the temperature here hotter." Naririnig ko ang bulungan ng mga babae na nakapila lang sa gilid namin. I'm sure naririnig din yon nila Grey masyadong crowded ang place siksikan sapat na para marinig namin sila, dahil sobrang lapit nila sa'min.

Nakita ko si Hugh na panay ang hawi sa buhok niya. Tagaktak ang butil butil na pawis nito. Nakakadagdag yon sa pogi points niya.

Unti-unting tinanggal ni Hugh ang butones ng kanyang polo. Dalawang butones lang ang tinanggal niya, sapat na para makita ang matipuno niyang dibdib.

Napansin kong nginingiwian lang ni Jenny ang mga babaeng nakatitig kay Hugh. Yan hirap sa kanya e, nag seselos wala namang karapatan.

"Miss, may panyo kaba?" Tanong ni Hugh sa babaeng nasa gilid lang namin.

Agad namang may kinuha ito sa bag niya at agad inabot kay Hugh. Ngunit hindi ito tinanggap ni Hugh bagkus ngumuso lamang 'to. Anong trip nito?

"Would you mind wiping my body." Sabay siya kumindat sa babae. Nag tiliin ang mga kasama nung babae at tinutulak siya papalapit kay Hugh.

"Ano ba nakakahiya." Utas ng babae.

"Arte mo!" Mahina ang pagkakasabi non ni Jenny pero madiin. Sapat lang upang marinig ko dahil magkalapit kami.

Told you Jenny! Iiyak kalang diyan.

Ngumuso lang si Jenny at wala nang nagawa pa kundi ang tumunganga at panoorin si Hugh habang pinupunasan nung babae ang dibdib ni Hugh.

Habang pinupunasan ito ng babae ay napansin kong namumula ang kanyang mga pisngi habang panay ang kantyaw ng mga kasamahan nito.

"Sana all!"

Nakita ko si Grey na napapailing nalang sa ginagawa ni Hugh. Nakatulala lang si Grey sa Ferris Wheel. Napakagwapo ng sideview profile niya. No! Erase!

I Hate That I Love You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon