Kabanata 2

51 9 1
                                    

"Hoy!" Rinig ko ang boses ni Grey habang niyuyugyug ako. Ayaw ko pa bumangon. Tinatamad pa'ko.

"Ki-kiss kita diyan." Aniya. Napa angat ako sa pagkakahiga.

Ngumiwi siya at napakamot ng noo. Diyos ko ang aga aga e! Tinignan ko siya ng masama at tinaasan niya lang ako ng kilay. Napahilamos ang mga palad ko sa mukha ko. Inaantok pa'ko.

Hinanap ko ang phone ko. It's already 7:20 in the morning.

"Bumangon kana diyan." Aniya. Napakunot ako ng noo. Bat ba ang aga aga gumising nito. Wala namang pasok ngayon e! Di ko siya kinibo at pinagpatuloy ang pagkalikot sa phone ko.

"Sasamahan mo'kong mamili ng mga damit." Sabi niya. Nakaupo siya sa gilid ng higaan habang inaayos ang kanyang susuutin. Di niya ba kayang bumili mag isa? Spoiled brat talaga.

Basa na ang kanyang buhok, nakaligo na siya. "Pinahiram na ako ni Kuya ng Ash damit." Aniya.

"Lumabas kana nga maliligo nako!" Agad naman siyang sumunod.

"Bilisan mo ha! Susunduin tayo ng kaibigan ko." Aniya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga ako saka tumayo at kinuha ang towel na nakasabit sa likod ng pinto.

Pagkapasok ko ng cr ay ilang minuto din akong nakatulala. Tinatamad pa talaga akong kumilos. Ayaw maki tungo ng sistema ng katawan ko.

Halos dalawampung minuto din sko nagtagal sa cr. Wala naman akong ginawa kundi tumulala.

Kumuha ako ng white plain t-shirt at maong. Pag katapos ko ayusan ang sarili ko ay kinuha ko ang pares ng rubber shoes na niregalo sakin ni Mommy nung 17th birthday ko.

Lumabas ako ng kwarto narinig kong may nag tatawanan sa kusina. Tinungo ko ang kusina habang sinusuklay ang magulo kong buhok.

Nakita ko sila Kuya, Mommy at Grey na nagtatawanan. Na curious tuloy ako kung anong pinag uusapan nila, baka mamaya ako na pala 'yon. Lahat sila ay nakaupo sa hapag kainan.

"Ohh ikaw pala Leia, kain na!" Sambit ni kuya Ash. Tsaka binaling ulit ang tingin sa kausap niyang si Grey. Ok invisible ako dito.

Umupo nadin ako at nakisalo sa kanila. Di parin nila ako pinapansin, tuloy lang sila sa usapan nila. Napakunot nalang ako ng noo at napa iling. Whatever!

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit na ni Mommy ang mga pinagkainan. Nagpaalam narin kami ni Grey kay Mommy.

Nasa labas kami ngayon ng bahay, hinihintay yung kaibigan ni Grey. Sino kayang kaibigan niya ang hinihintay namin.

After five minutes may biglang pumaradang red porsche sa harap namin.

Lumabas ang nasa loob nito. It was Hugh Jeyden Bartolome. A.k.a Mr. Casanova. Yes! He owns that title. Ilang babae naba ang nakasama at winasak niya? I can't count it in my fingers.

Nakasuot siya ng white polo shirt at fitted jeans. Gwapo si Hugh kaya di na'ko magtataka kung bakit marami na siyang napaiyak. Ang dami ding nag hahabol sakanya, isa na'don ang kaibigan kong si Jenny Lyn Evangelista.

As a friend of her, ayaw kong matulad siya sa mga babaeng nasaktan ni Hugh. I want the best for her, maganda si Jenny, matalino at sexy. Kaya hindi malabong patulan siya ng isang Hugh Bartolome.

"Ano? Pagbubuksan ko paba kayo ng pinto?" Natatawang sambit ni Hugh. Tinignan lang siya ng masama ni Grey.

Nakaupo ako sa backseat, habang ang dalawa ay nasa front seat. Halos sila lang ang nagkikibuan. Ayaw ko din naman talaga makisali sa usapan nila.

I Hate That I Love You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon