Kabanata 5

39 4 0
                                    

"Ohhh, bhie bat tulala ka diyan?"

Biglang bumalik ang diwa ko nang magsalita si Jenny sa gilid ko. Magkaklase kami ngayon sa biology at magkalapit lang kami ng upuan. Nasa likod ko naman si Grey, kaklase ko din siya sa biology.


"Lack of sleep." Utas ko. Naghikab ako at kinusot ang mata ko.

"Why?"

Di ko na siya sinagot, tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa Prof namin at nag take notes ng mga nakasulat sa whiteboard.

Napansin kong napabuntong hininga siya. What's with her? Where's the hyper? Hindi naman siya lagi ganyang katamlay, ngayon lang. Well, I'm being over statement again. Nagiging matamlay din naman siya pero, iba talaga siya ngayon. Hmm?

Mamaya ko nalang siya kakausapin. Nilingon ko si Grey, hindi siya nag susulat at halatang wala sa pag-aaral ang isip niya ngayon. Lagi naman. Pero kahit gano'n siya lagi, na memaintain  niya na matataas ang grade niya.


"Stop, staring Leia. Mind your business." Patuloy padin siya sa pagbabasa ng hawak niyang libro, di niya man lang ako tinapunan kahit isang tingin. Langaw ba siya sa past life  niya? Ang lakas ng pakiramdam e. He knew that I was staring at him without even looking.


"Ba't di ka nagsusulat ng notes? Malapit na ang test." I was just concerned about him. Lalo na't wala ang parents niya sa tabi niya, dahil sa'min siya tumutuloy ngayon.


"I would rather choose to study alone, rather than listening to that old Prof."
Di parin niya ako tinitignan, nakatutok lang ang atensiyon niya sa pagbabasa.



"Besides, I'm smarter than you think. I don't need to listen. You, should listen." Aniya saka nilipat ang page ng libro.


Ang yabang talaga nitong chingchong na'to! Concerned lang naman ako sa kan'ya!


Tapos na ang klase namin sa biology.


Nasa cafeteria kami ngayon, inaya ako ni Jenny. This is the right time para tanungin ko siya kung ano bang nangyayari sa kan'ya. She seems so tired kanina.


"What happened?" Tanong ko. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.


"About what?" Aniya.


"Kahapon?" Iniwan ko sila kahapon, nauna akong umuwi para magpahinga. Pagod na pagod ako, kaya umuwi nalang ako. Si Jenny, Hugh, at si Grey ang naiwan sa EK together with Cherlyn.


"Glad you ask." Hinarap niya ako at inayos ang sarili niya. Tinitigan niya ako sa mata, para bang may sasabihin siyang mahalaga dahil mas lalong naging seryoso ang mukha nito.


"Yesterday is so tiring. Plus! Hugh is flirting with girls." I should not be surprised. I already knew, she's stating the obvious. Babaero naman kasi talaga 'yon.


Biglang nag iba ang ekspresyon niya. Sinampa niya ang ulo niya sa lamesa.


Poor Jenny. Naaawa ako sa kan'ya dahil sa casanova siya nag kagusto, and the fact na nag seselos siya kahit wala naman siyang karapatan. Napailing nalang ako.


Humigop ako sa juice ko saka pumikit. I'm still tired.


"I saw Grey and Cherlyn kisses each other."

Bigla akong nasamid at napaubo. Ano?! Grey and Cherlyn kisses each other? But how!? Kahapon lang sila nag kakilala. Oh, baka yun lang ang akala ko.


"It's just a peck kissed, don't over react bhie." Dagdag niya. Kahit na!? 'Kala ko pa naman iba siya sa mga lalake.


Ano bang nangyayari sa'kin. Wala dapat akong pake! Pero di ko lang talaga akalain. Wala pala siyang pinagkaiba kay Hugh. Men will be men. Kahit gaano pa katino ang isang lalake, maaari parin 'tong magbago.

I Hate That I Love You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon